No, Mine

415 24 23
                                    

"Mineeee!" napatingin ako sa pinto. Nakita ko si Vhong na nag aalis ng sapatos habang excited na papalapit sakin.

"Bakit? Ayusin mo muna yung—

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil agad niya akong niyakap at pinupog ng halik sa mukha.

"Mine, ano ba kasi—

Paulit ulit niya ako hinalikan na para bang excited at masayang masaya sya sa kung ano mang ibabalita niya ngayon.

"Na promote na ako sa trabaho ko! CEO na ako!" sabi niya sa akin kaya naman agad ko sya niyakap ng mahigpit.

"Wow! Congratulations, mine! I am so proud!"agad ko sya na hinalikan sa labi na agad naman niyang tinugon.

Ang sarap ng bawat halik niya. Yung halik na kailanman hindi ko pag sasawaan.

Binuhat na niya ako at binaba sa couch. Alam ko na kung saan papunta ito pero agad ko syang pinatigil.

"Mine.." sabi ko sa kaniya kaya napatigil sya.

"Mine naman, pag bigyan mo na ako."Nakasimangot niyang sabi na nagmamakaawa sakin.

Umiling ako bago ko bigyan ng apologetic smile.

"Kakauwi ko lang din from work, mahal ko. Pagod na pagod pa ako. Tska kakatapos naman kagabi ah. Come here, yakapin na lang kita." umayos ako ng higa patagilid para makasiksik sya sakin at niyakap ko.

"Proud na proud ako sayo. Kaya kita mahal ng higit sa buhay ko. Ginagawa mo lahat para sating dalawa."

Tumitig sya sakin kaya naman hinalikan ko sya ng marahan sa labi.

"Salamat sa walang sawang pagmamahal, mine. Pinanindigan mo ako."

Ramdam ko yung pagmamahal na binibigay nya sakin. Pure. Pinapili sya ng magulang niya kung ako ba o sila. Gusto ko sya itaboy noon dahil mas pinili niya ako. Pero nanatili sya sakin.


Kung patuloy lang nila akong didiktahan sa desisyon ko sa buhay, hindi ako magiging masaya. Kailangan ko rin naman mag desisyon ng pang sariling akin diba? Para sa kasiyahan ko.

Pero bakit nagawa pa rin nila akong itakwil? Dahil lang sa minahal ko ang katulad mo? Ang kitid naman ng utak nila kung ganoon.

Kahit itakwil nila ako, wala na akong pakealam. Mahal kita, susundin ko kung ano ang nararamdaman ko.



Kaya mahal na mahal ko to. Pinatunayan nya na mahal niya ako. Sa kaniya ko lang naman naramdaman yung totoong pagmamahal na hindi ko nakuha at naramdaman sa iba.

Ako lang ang nagmamahal sa mga minahal ko nung una.











"Mine, ready ka na ba?" tanong niya. Pareho kaming nag leave sa work for a week. Magbabakasyon kami sa ibang bansa.

"Yes mahal, ready na ako. Let's go na ba?!" tanong ko kaya naman tumango sya. Napuno ng tawanan ang aming bahay. Nagpahatid na kami sa airport sa aming driver.

Ilang oras rin ang tinagal hanggang sa makarating kami sa Paris. Hindi ito ang unang beses na nag punta kaming dalawa dito, pero masasabi ko na ito ang paborito naming puntahan.


Nandito na naman kami sa Eiffel Tower. Pinagmamasdan namin kung gaano ito kataas at katibay.

"Mine," napalingon ako kay vhong na may hawak na isang tangkay ng red rose.

Inabot nya yun sakin bago ako titigan.

"thank you mine, palagi mo akong pinapakilig." sabi ko bago ko sya halikan sa pisngi.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon