Graduation

443 22 33
                                    

Another day na naman pag tuturo, pagkainis, pag titimpi ng galit, pag papasensya sa mga bata na tuturuan ko ngayon. Pero syempre kahit naman na minsang naiinis ako e kasabay noon ang pag haba ng pasensya ko. Ayoko mawalan ng trabaho, noh!

Mag ti-time in na ako at biometrix ng lapitan ako ni teacher Anne.

"Sis! I mean, Sir Vice kayo daw muna ang mag hahandle ng HUMSS 12-A. Wala daw si ma'am Karylle, naka excuse daw ngayon." Si Anne. Math teacher sya dito sa senior high school. Yun nga lang, may pagka madaldal din talaga. Mas okay syang teacher sa History.

"Saan mo naman nakuha yan ngangabu?" tanong ko.

"Sa assistant ng principal. Hinahanap ka na nga nila sa office." Anne.

Tumango na lang ako at pumirma muna para sa pag time in. "Oo sige, sunod ako."

Iniwan na ko ni teacher anne at pumunta na yata sa isang classroom. Nag diretso naman ako sa office upang marinig ko ang tungkol sa pag excuse ni ma'am karylle.

"Good morning po, ma'am Amy." bati ko sa principal dito sa senior high school.

"Good morning sir Vice. Ikaw muna yung sub kay ma'am karylle. Naka excuse sya for a week,sinundo nya yung mommy nya sa LA." Ma'am Amy.

Nako talaga si Kulot, di man lang nya ako sinabihan. Aalis pala ang loka.

"Ikaw ang mag hahandle ng HUMSS 12-A for a week."

Ngumiti ako at tumango, "sige po ma'am, salamat."

Tumungo na ako sa room ng HUMSS 12-A.  Nakita ko naman na natahimik ang lahat ng pumasok ako.

"Good morning class, I'm teacher Vice Viceral and I will be your teacher for a week in Political Science since naka excuse si teacher karylle."

Napatingin ako sa likuran at may mga lalaking hindi pa rin natitinag kahit na nasa harapan na ako.

"Boys at the back." saad ko. Napa tingin ang dalawa sa akin at tumahimik na. Pero ang lalaking naka yuko ay nanatili.

"Yung lalaking naka hoodie na white. I'll confiscate your phone kung hindi ka titingin at makikinig sakin. I'm warning you."

Tinatabig sya ng mahina ng mga kaibigan nya para tumingin sa akin. Inalis nya ang kaniyang hoodie bago lumingon sa akin at ngumiti.

"Hi ma'am. Good morning. Ang ganda mo po pala."

"Sir yan, Vhong. Ano ba." saad naman ng isa nyang kaibigan.

"Sorry sir."Vhong.

" It's okay kung ano ang itawag nyo sa akin. Either sir or ma'am kung saan kayo comfortable. Okay, let's start our discussion."

The whole time, alive ang mga studyante. We had our recitation and activities.

Noong tapos na ang klase, lumapit sa akin si Vhong at kinuha ang mga gamit ko.

" Tulungan ko na po kayo, ma'am. "Vhong.

"Thank you." nauna na ako maglakad pero hinabol nya ako at sinabayan ako maglakad.

"I'm Vhong Navarro, ma'am Vice. Pasensya na kanina ha, antok ako eh. Ang aga ko nagising para tapusin yung assignments ko."

"So hindi ka nag pphone kanina?"

Umiling siya sa akin habang naka ngiti, "hindi ma'am. Hawak ko lang po."









Pansin ko na naging malapit sa akin si Vhong. Pagkatapos ng activities nya, makikipag kwentuhan na sya sa akin. Marami na kaming na share na kwento sa isa't isa.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon