Convert Him

249 16 9
                                    

Nasa bar ang magkakaibigan at nag iinuman. Nagcecelebrate sila dahil sa bagong bukas na restaurant ni Vhong.

"ulol, parang gago to. Hindi ko gagawin yan, tanga ka ba?" Sabi ni vhong pagkababa niya ng baso.

"Dare lang naman, katuwaan lang." Zanjoe.

"Parang tanga. Ay hindi ko gagawin yan, magpapakalasing na lang ako." Pagpapatuloy ni vhong at kumuha ulit ng alak. Nag lalaro sila ng truth or dare at pag tapat sa kaniya ng bote ay dare ang napunta sa kaniya. May twist kasi iyon, hindi lang basta pipili kung tatapat ang bote sa player kung hindi, pipili sa card na nakataob. At kung ano ang mabunot ay yun ang gagawin.

Ang dare sa kaniya ni Zanjoe ay humalik ng isang lalaki sa bar at wag mag paliwanag.

"Baka may girlfriend pa ang mahalikan ko dyan, mapa away pa ako." Pag tanggi ni vhong rito.

"Katuwaan lang naman," Jhong.

Kinulit kulit siya ng kaniyang mga kaibigan. Napaisip rin siya na parang ang KJ naman miya kung sya lang ang hindi gagawa ng dare ngayong natapos na ng iba ang dare na ginawa nila?

Ininom niya ang alak na nasa kaniyang baso at tumayo. Pumunta rin siya sa maraming tao at nag hanap ng pwedeng halikan na lalaki.

Maya maya lang ay may hinila siya na isang lalaki na nakikipag sayaw sa babae at hinalikan niya iyon sa labi.

Napatitig at nanlaki ang mata ng hinalikan nya.

"Fuck you, man." Saad nito at sinuntok sya sa mukha.

"Aray ko, putangina." Reklamo ni vhong. Hindi na siya gumanti sa halip ay bumalik na siya sa table nila. Bakit siya gaganti gayong sya na nga naka perwisyo ng iba?

"Tangina nyo, nasuntok ako nung hinalikan ko." Hinihilot ni vhong ang panga niya habang papaupo siya sa tabi ng kaniyang mga kasama.






Sa kabilang table naman, agad na inubos ni vice ang alak na nasa kanyang baso. Hindi mawala sa isip niya ang taong humalik sa kaniya dahil naiis siya.

"Hindi tubig yan, gago ka ba?" Binatukan sya ng kapatid niyang si Anne dahil doon. Hawak naman nito ang kamay ng girlfriend niyang si Karylle.

"Anne, may humalik sa akin." Saad niya at napakunot si anne.

"O? Para namang bago ka makatikim ng halik e hindi ka nga bago sa mundo ng sex. E ilang babae na nga ang—

"Hinalikan ako ng isang lalaki. Putcha." Reklamo niya at ininom ulit ang alak na para bang ito ang mag aalis ng marka ng halik na iyon.

"Ayaw mo ba yun, new experience. HAHAHAHA" pang aasar pa ni Anne bago ayain ang girlfriend niya na umupo sa tabi niya.

Tinignan nya ang phone niya at wala pa rin message sa kaniya ang girlfriend niyang si Jackque. He proposed to her bago nag no ito sa kaniya. Kaya heto siya ngayon, nagpapakalasing at nilulunod ang sarili sa alak.

Napatingin tuloy sya sa kapatid niya na nasa in a healthy relationship. Sana all.

Tumayo na siya at pumunta sa comfort room ng mga lalaki. Papasok na sana siya sa isang cubicle pero napansin niya ang pamilyar na pigura at mukha nito.

"You." Sabi niya rito at nilapitan niya. Si Vhong. Nakakunot ang noo nito at nang marealize niya kung sino ang tumawag sa kaniya ay bahagya siyang ngumiti.

"Brad, pasensya na kanina. Dare lang yon. Siraulo yung mga kaibigan ko at hindi ako tinigilan hanggat di ko ginagawa ang dare. Vhong nga pala." Paliwanag ni vhong at nilahad pa ang kaniyang kamay para makipagkilala sa kaharap niya.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon