Fight For Love

989 20 20
                                    

"Vice, halika na. Umuwi na tayo."Vhong.

Umiling ako at pumiglas ako mula sa pagkakahawak nya sakin.

"Vice!"Vhong

"Ayoko ngang umuwi! Kung gusto mo, Mauna ka na.. Di kita pipigilan."Umupo ulit ako sa counter ng bar at nag order.

Nag alanganin naman yung bartender na bigyan ako.

"Sir, wag mo na sya bigyan Ng alak. Iuuwi ko na to."Sabi ni vhong dun sa lalake.

Hinila nya ko palabas ng bar, at iginiya sa sasakyan nya.

"Sakay." Vhong.

"Ayoko."Pagmamatigas ko.

"Isa, Sabi ko diba, sumakay ka na?'"Vhong.

"Alin ba doon ang Hindi mo maintindihan sa salitang AYOKO?". Lumapit sya sakin at binuhat ako, bago nya ako pinasok sa kotse nya.

- "Paano kung may nangyari sayo sa bar? Nag punta ka doon ng wala kang kasama?. Nagtaxi ka pa?. Vice, di mo na naisip yang sarili mo."Vhong.

Kanina nya pa ako tinatalakan. Tinignan ko sya at pinag kunutan ko ng noo.

"Ano bang pakealam mo, Vhong?. Buhay mo ba ito, ha? Hindi naman buhay mo ang masisira, buhay ko!"

Hinampas nya yung manibela at bigla syang nag preno.

"Bullshit, Vice!" Vhong.

Yumuko ako hanggang pumatak ang luha ko. Humarap ako sa bintana, kase ayokong makita nya akong umiiyak. Ayoko ng matalakan nya.

"Kahit di ka humarap sakin, alam kong umiiyak ka."Vhong.

Hinawakan nya ko sa braso, at pinaharap nya ko sa kanya. Pinunasan nya yung luha ko.

"Tahan na."Vhong.

Niyakap nya ako at pinasandig sa dibdib nya.

"Vhong, mahal na mahal ko yun eh."Sabi ko.

"Ayun nga, alam nyang mahal mo sya kaya gumagawa sya ng bagay na kahit ikasasakit ng loob mo, alam nyang di mo sya maiiwan kase nga alam nyang mahal mo sya."Vhong.

- Nagising akong nasa condo ako. Di ko pag ma-may ari, pero parang kay vhong. Napabangon ako at biglang nanakit ang ulo ko.

"Vhong?" tawag ko mula sa pinto ng kwarto.

Dumating naman sya.

"Bakit gising ka na? Nalimpungatan ka?"Vhong.

"Bakit nandito ako?"Tanong ko.

"Nakatulog kang umiiyak habang naka yakap sakin."Vhong.

Ay oo nga pala. Naalala ko na. Oo nga. Yung sa sasakyan.

-"Vhong, sorry na sa nasabi ko sayo, kanina."Sabi ko.

Ngumiti sya.

"Sige na, tapos na yun. Kumain ka na dyan."Vhong.


- "Nakakaloka. Nalasing ako kagabi."Pag sisimula ko, nandito na kami sa backstage, kumakain ng lunch.

"Eh kase ang tigas ng ulo mo,. diba sabi ko sayo wag kang pumunta ng bar?"Anne.

"Buti naman Bestie, nakauwi ka ng maayos?. Binastos ka sa bar? Mag kukwento ka ah, Para naman alam namin nangyayare sayo."Billy.

"Okay ako. Wala nangyari sakin na masama. Nandoon naman si vhong, sinundo nya ako."Sabi ko sa kanila.

Napa- oh naman ang mga kasamahan ko, si vhong naman ngumiti lang.

"May something ba, between you and elbruh?"Karylle.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon