He's The One

178 19 7
                                    

Sabi nila kapag nahanap mo na ang the one mo, sya na ang makakasama mo habang nabubuhay at kahit nasa kabilang buhay ka pa. At kahit anong kasarian mo tanggap ka dahil mahal ka.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

I am Jose Marie Viceral. I am gay.  Isa akong host sa isang morning game show tuwing weekdays, at tuwing weekends naman isa ako sa mga judges ng isang talent show.

Hindi lang naman pagho-host ang ginagawa ko, may mga movies na rin akong nagawa at may mga songs na rin akong narelease.

Nakatanggap na rin ako ng mga awards at pinagpapasalamat ko yun sa management kung saan ako nagtatrabaho, dahil bukod sa pinasikat nila ako e hanggang ngayon may contract pa rin ako sa kanila at hindi pa rin nila ako binibitawan.

Masasabi kong malayo na rin pala ang narating ko sa aking buhay.

Saturday ngayon, gabi na rin at pauwi na ako ngayon sa bahay pero napaka traffic naman. Mas lalo ko yatang mararamdaman ang pagod ko pag uwi.

Napatingin ako sa message na natanggap ko ngayon lamang. Napangiti ako dahil may naghihintay pala sa akin pag uwi ko.

From:  Mine

Good evening mine ! Nandito ako sa house mo, hinihintay ka umuwi. Dinalhan kita ng food mo kasi alam kong late ka na makakauwi. Ingat, love!

Hindi ko maiwasan na hindi kiligin dahil sa message nya. Nagulat na lang ako noong minsan dahil pinakialaman nya pala ang phone ko at pinalitan nya ang pangalan sa contact ko maging sa chats.

Ferdinand Hipolito Navarro pero mas tawag ko sa kanya ay Vhong, my boyfriend for three years. Sabi ng iba kaya ko lang daw sya naging boyfriend dahil sa pera, pero para sa akin, hindi e. Sa aming dalawa, ako yung mas madaling maapektuhan sa sinasabi ng iba. Maraming beses ko na syang sinabihan na makipag hiwalay sa akin pero nanatili pa rin siya.

Naalala ko pa yung unang taon na pareho pa naming tinatago sa mga tao ang relasyon namin. Siya, gusto nya sabihin ko sa madla na kami na pero ako natatakot ako. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa kanya. Ayaw kong masira ang imahe nya sa iba, kahit ako na lang ang mabatikos huwag lang sya.

"Bakit ka natatakot? Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng iba. Mas importante sa akin ang relasyon nating dalawa."

"Magulo sa mundo na mayroon ako."

"Edi sasamahan kita sa magulong mundo na sinasabi mo."

"Natatakot lang naman ako sa mga sasabihin nila sayo, pinoprotektahan lang naman kita, Vhong."

Tinignan nya ako sa mata na para bang sigurado sya sa ginagawa nya. "Huwag kang matakot para sa akin, gusto kong pinagmamalaki kita."

Dahil doon, nagkaroon ako ng lakas loob na sumama sa kanya sa mga dates, ipost ang pictures namin sa social media. Maraming may ayaw, marami ring support sa lovelife na meron ako.

Pagkadating ko sa bahay ko, nakita ko syang nakaupo sa sofa at karga ang aso ko na si yuna.

"Hi mahal! Pagod ka?" Lumapit sya sa akin at agad na sinalubong ako ng yakap at halik sa noo.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon