Slender Man

610 19 4
                                    

Year 2006 ang unang punta ako sa islang ito. Dito ako namalagi ng ilang araw para mag bakasyon at hanggang ngayon, binabalik balikan ko pa rin ang lugar na ito dahil sa kaniya.

Naalala ko pa noon na pag tapos na akong kumain, mag iiwan ako ng food sa labas ng bahay ko at mag tatago. Makikita ko na lang, nauubos na yung pagkain.

Paalis ako ngayon ng bahay, papunta ako ngayon sa tubig ng isla. Nag lakad ako sa kakahuyan, hanggang sa may maramdaman akong sumusunod sa akin.

"alam mo huwag ka na mag tago, nararamdaman kita." sabi ko sa kaniya. Lumingon ako, at nakita ko ang isang pigura na tinatakpan ang kaniyang mga mata.

"Hi!" bati ko bago ko alisin ang pag kaka takip sa kaniyang mga mata. Muli ko na naman nasilayan ang maganda nyang ngiti.

Noong una, natakot ako sa kaniya. Mapayat na matangkad, maputi. Yung kutis niya parang may mga tentacles, dahil sa gaspang. Madalas naman, tinatago niya yun kapag magkasama kami pero minsan gusto kong makita ko yon. Mahahaba din ang kaniyang mga daliri.

"Hello. Bakit nandito ka ulit?" tanong nya. Aakbayan nya sana ako pero parang nag aalanganin siya.

Kaya inabot ko ang kaniyang kamay at inakbay ko sa akin.

"Bakasyon na, kaya pumunta ulit ako dito sa isla." sabi ko bago ko siya ngitian.

Naalala ko pa, nung una ko syang makita natakot ako. Akala ko masamang elemento siya pero hindi pala.

Sya pa ang tumulong sa akin noon sa mga masasamang tao na nakakasalamuha ko dito.

"Mag tatagal ka dito?"

Tumango ako bago ko sya harapin.

"Hindi mo ba ako na miss?!" tanong ko pa. Ngumiti siya. Ang ganda naman ng ngiting yan.

"namiss kita, syempre. Ikaw, namiss mo ba ako?"

Walang alinlangan akong tumango.

Syempre, ang tagal ko siyang hindi nakita. Ang tagal ko syang hindi nakasama.
Mag mula noon, hanggang ngayon walang pinag bago.

Unti unti pa rin akong nahuhulog sa kaniya.

" Oo naman. Kaya patuloy akong bumabalik dito sa isla para makasama ka."

Natahimik siya at nag iwas ng tingin.

"Huwag ka ngang ganyan, Vice."

Tinawanan ko siya. Hanggang ngayon naiilang sya sa akin. Sa tuwing pumupunta ako dito, yun ang binabanggit ko sa kaniya. Ang cute niya.

"I'm serious about it."

Tinitigan niya ako.

"Magkakaroon ka na ng asawa diba Vice?" tanong niya sa akin.

Kinwento ko sa kaniya dati na ikakasal na ako. Alam ko naman na nasaktan sya noon, ilang araw niya akong hindi kinausap. Masama ang loob niya sa akin.

I smiled at him. "nag seselos ka sa kaniya?"

Hindi siya sumagot. Umupo lamang siya sa aking tabi.

"Tinatanong ko kung nag seselos ka. May ikukwento pa naman sana ako sayo kaya lang mukhang hindi ka interesado kaya huwag na lang." Kunwari akong nainis sa kaniya kaya tumayo ako para umuwi na pero agad niya akong pinigilan.

"Oo, nag seselos ako. Siya madalas mong makasama sa lugar nyo habang ako, ilang araw sa isang taon mo lang makasama. Sa tuwing malapit na mag tag init, hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag ka ng hintayin dahil baka hindi ka na bumalik dito. Pero vice, nahulog ako sayo... alam ko naman na mali dahil ikakasal ka na, saka sinong tao ang mag kaka gusto sa tulad ko, hindi ba?"

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon