Enchanted

394 20 6
                                    

Nasa bar ako ng gabing yon. Gustong gusto ko magpakalasing dahil sa nangyayari sa buhay ko.

Sino ba naman ang matutuwa kung natanggal ka na sa trabaho, paulit ulit kang itatakwil ka pa ng pamilya mo at iiwan ka pa ng boyfriend mo?

I was so devastated that night. Parang noong gabing yon, narealized ko lahat nangyayari sa buhay ko. Pakiramdam ko pasan ko lahat ng problema sa mundo. Pakiramdam ko pa ang worst kong tao.

Humihingi ako ng alak sa bartender ng may lumapit sa counter, tumabi sakin at halatang lasing na rin.

"ano ba?!" singhal ko dahil hinawakan pa nya ko sa balikat para lamang hindi sya matumba at mahulog mula sa kinauupuan nya.

"Isa pa ngang alak!" inaabot nya yung baso sa bartender kahit na napa yukyok na sya sa counter.

Tumitig ako sa kanya. Pansin ko ang pagkunot ng kaniyang noo, maya maya lang nakita ko ang pag agos ng kaniyang luha.

Sad boy.

Tumingin ako ulit sa bartender at kinuha ko ang alak na hinihingi ko. Pagkatapos ko sunod-sunurin ang paglagok ng alak, pumunta na ako sa platform at nag sasayaw ako.

Nakaka gaan sa pakiramdam. Gusto ko lang naman ngayon sumaya. Gusto ko lang makawala sa sakit na nararamdaman ko.

Habang patuloy ako sa pakikipag sayaw sa mga lalaking nakapaligid sakin, may humawak sa bewang ko. Nilingon ko sya. Sya yung lalaking nasa counter na pumapatak ang luha kanina lang.

"Pagod ka na sa buhay mo?" tanong nya sa akin. Napa kunot noo ako sa sinabi nyang yon.

Paano nya nalaman?

"Nagtataka ka ba kung sino ako?" ngumiti sya kasabay ng pag pungay ng kaniyang mga mata.

He has a perfect smile, but hindi perfect ang kaniyang ilong. Charot. Pango kasi sya. Bawing bawi naman sa puti ng kaniyang balat. Lumalagok ba to ng glutathione?

"I've been admiring you for two years. Pero hindi naman ako gumagawa ng ikakapahamak mo. Tinatanaw lang kita mula sa malayo, after that kumpleto na ang maghapon ko." hinila nya ako paalis sa bar na yon. Mukhang lasing pa rin dahil sa pasuray nyang paglalakad but he can manage. Tska hindi ko sya kayang buhatin, bahala sya dyan matumba.

Lumabas kami ng bar. Hinila nya ako hanggang sa dalhin nya ko sa pick- up nyang sasakyan. Umupo sya doon kaya sumunod ako.

Hindi ko rin alam kung bakit kampante at panatag akong kausapin sya. Hindi ko naman sya masyadong kilala.

"Bakit lagi mo akong inaabangan?" tanging tanong ko bago ko tumingin sa kalangitan. Ang dilim. Wala halos ang mga bituin. Malungkot rin yata ang langit kagaya ko.

"Kasi gusto kita. Hindi ako lumalapit sayo kasi alam kong may boyfriend ka." ngumiti sya ulit bago nya ako titigan.

"Alam ko rin na nag break na kayo. And I know it takes time hanggang sa mag hilom yan." Inayos nya ang kanyang upo bago pagpagan ang kanyang kamay at inabot yon sakin.

"Vhong." pagpapakilala nya sakin. Inabot ko rin ang kanyang kamay at bahagya akong ngumiti sa kanya.

"Vice." maikli kong saad bago ko tanawin muli ang langit.

Ilang minuto rin kami nanahimik. Maririnig lang ang huni ng mga kuliglig pati na rin madadama ang lamig ng simoy ng hangin.

"So bakit ka umiiyak kanina?" pang babasag ko ng katahimikan.

Lumingon ako sa kaniya. Kita ko sya paano mag smirk.

"Yung daddy ko, kakamatay nya lang last week. Nawala ako sa focus sa trabaho ko kaya ako tinanggal. My fiancee cheated on me. Hindi pala sakin yung pinag bubuntis nya. Ikaw? Bakit ka nasa bar?"

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon