Their Bridge

123 16 10
                                    

Napatingin ako sa momshie ko na nakatitig sa laptop habang binabasa ang sulat ng aking dadey. His promise letter or his wedding message for my momshie.

Pfft. Alam ko naman na inis pa rin sya sa dadey ko until now. Ipagpalit ba naman sya sa malapit. Charot! Hehehe.

I was 7 years old nang umalis ang momshie ko patungong Taiwan para magtrabaho. She wants to give everything that I need. Ganoon din naman ang dadey ko, alam ko yon. Pero noong mga panahon na yon parang hindi pa handa ang dadey ko sa pang habang buhay nyang responsibilidad which is ako.

Pero kahit ganoon pa man, binibisita ako ng dadey ko sa lola ko sa side ng momshie ko.

Hayan, tinanim nya kasi ako sa sinapupunan ng momshie ko edi nabuo ako. Hahaha!

I'm Mariella Francheska Navarro, and I'm 17 years old. Ang nag iisang anak ng mayamang mag asawa na sina Vice Viceral at ni Vhong Navarro.

They were business partners before, meron kasi silang building for kidnapping, and you know malaki ang nakukuha nilang ransom para maibalik ang mga bata sa mga magulang nila. Charot talaga! Hahaha!

Business partners before ang mga magulang ko. Kilala ang kompanya nila dahil sa mga alak na galing sa kanila. At malaki naman talaga ang kinikita nilang dalawa dahil hindi lamang dito sa Pinas kilala ang alak na yon, maging sa ibang bansa man.

So ayun, tinukso tukso ng mga katrabaho kaya nahulog sa isa't isa. Parehong maharot eh. Charot. Niligawan naman sya ni dadey ng ilang months rin at naging sila na nga. Pero after isang taon na as mag jowa, nag propose si dadey sa kanya at nagpakasal sila.

Siguro nga kaya nabuo ako kasi uminom silang alak. Kapag talaga may alak, mayroong balak. Eme. Pag may alak, may maiisilang na anak. Tch. Grabe naman na ang humor ko.

Pero after that, parang narealize ni dadey na hindi pa nga sya handa sa responsibilidad. He left her. Red flag din talaga ang dadey ko. Akala ko kapag malalim lang ang tubig ng dagat ginagamit yun red flag, katangian rin pala ng isang tao yon.

Pero kidding aside, isa nga yata akong miracle baby. Hindi ko alam kung paano rin nangyari yon. Kasi nagmula ako mismo sa momshie ko. I mean she carried me naman talaga ng nine months, because she's a transwoman. Yes.

Ilang beses kaya nila akong ginawa ng daddy ko? O ilang alak kaya ang nainom nila bago ako nabuo? Whuy, enough na nga.

"Miss mo na dadey ko?" Tanong ko sa kanya habang nilalapag ko sa tabi niya ang juice na ginawa ko.

Tumingin sya sa akin at nag pout sya. "Masisisi mo ba ako na hiniwalayan ko yang dadey mo?" tanong nya sa akin.

"Hindi. Desisyon mo yan e." Umirap sya sa akin nang isagot ko yon. Wala yata akong emotional intelligence. Huhu kanino ba kasing humor tong nakuha ko?

"Momshie, bata pa ako noong naghiwalay kayo. Hindi na kita masisisi ngayon kasi nangyari na. Tska kung noon naisip ko na sabihan kayong magbalikan, hindi nyo rin naman gagawin. Knowing you? Mataas rin pride mo no." Saad ko sa kanya at hinalikan ko naman sya sa buhok nya.

"Paano namang hindi ko sya hihiwalayan, hindi pa pala sya handa sa reaponsibilidad pero may balak palang buoin ka."Momshie. Natatawa na lang ako sa kanya kasi ang cute pala niya mapikon.

Ang sarap naman iship ng dalawang to. Hahahaha!

"Balikan mo na kaya dadey ko. Para may kapatid na ako!" Saad ko kaya naman pabiro nya akong sinabunutan.

"Sus, momshie. Baka pag nakita mo si dadey bigla kang yumakap na lang at halikan mo ha." Pang aasar ko sa kanya at pilit naman sya na umiiling.

"Pero mom, seryoso na ang sasabihin ko. Pupunta si dadey dito para sunduin ako kasi inaaya nya ako mag dinner. You know, ngayon lang bumabawi yung daddy ko sa akin." Pag seseryoso ko na paalam sa kanya.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon