Fan Gay II

293 10 1
                                    

"Mine, baka mabulunan ka naman nyan. Isa jsa lang ang kagat sa burger" sabi sakin ni vhong habang natatawa. Nakatitig sya sa akin at binaba nya muna ang hawak kong burger bago ako bigyan ng juice.

"uminom ka nga. Baka mabilaukan ka, kung ano pa mangyari sayo."Vhong.

Uminom ako at tumitig sa kanya. Kung ibang babae to, maiinggit na kasama ko ang isang vhong navarro.

" bakit, mine?" tanong nya sa akin at umiling ako bago ako ngumiti.

"wala naman. Naisip ko lang, kung nakikita lang ng ibang babae na magkasama tayo ngayon either nasabunutan na ako dahil sa inggit o umiiyak sila dahil sa inggit. Kasama kita. Boyfriend pa kita." saad ko sa kanya at ngumiti ako ulit. Kinuha ko ang chips at kumain ako.

Narinig ko syang tumawa at hinawakan ang kamay ko,"mainggit lang sila. ikaw yung gusto ko makasama e. Ikaw yung mahal ko."

"Alam mo bang ang controversial ng ginawa mong paghalik sakin noong concert mo? Pati media sinundan ako sa bahay, hindi ako maka alis." saad ko sa kanya habang nakasimangot ako. Kinuha ko na muli sa kanya yung burger ko at kinain ko na ulit.

"na-bash ako." dugtong ko.

"mine, sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan yung sarili ko noong gabing yon. Sobra kitang namimiss na." Vhong. Mas pinalapit niya ako sa kanya at hinalikan ako sa labi.

"Tara na, iuuwi na talaga kita." sabi niya sa akin at niligpit na nya yung mga pinagkainan ko.

"Gago ka ba." sabi ko sa kanya pero nagpapatuloy lang sya sa ginagawa nya.

"Mabibigla sina mommy mo. Hindi nga nila alam na jowa mo ko." sabi ko sa kanya at tumitig ako.

We've been together for a year pero patago pa rin kami magkita. Ayoko kase sya husgahan ng mga tao. Kaya ang laki ng issue na hinalikan nya ako noong concert nya.

It all started noong nag shooting sya sa probinsya. Tamang tama naman na probinsya namin yon at nandoon rin ako that time, hindi ko naman alam na makikita ko sya doon. I am his fan siguro five years na rin.

Doon, nandoon lang ako nanunuod sa kanya.  Nag pa picture ako noong hindi sya busy. Kapag hindi na naman nya scene, nakikipag usap sya sa amin. Lalo na sakin. Mas natuon attention nya.

Then tinanong nya kung mag ig ako. Hanggang sa doon na kami nagkakausap. Akala ko panaginip ang lahat.

Naoaka humble nyang tao.

Gusto nya manuod ako lagi ng concerts nya o kaya guestings nya kapag free ako. Ako naman go lang, minsan pinapadalhan nya ako ng ticket.

Then one night, inaya nya ako mag bar. Gusto ko sumama, pero natatakot ako sa media. Natatakot ako na pag usapan sya.

So ayon, ang ending nag inom kami mismo sa bahay ko rito sa manila. Kasama namin noon si Anne. After ng inuman, sa bahay sya natulog.

That night, something happened between us. Sa kwarto ko. Sa bed ko.

Kinabukasan, before sya umalis sinabi nya sa akin na mahal niya ako. Ayaw kong maniwala e. Ayoko sya paniwalaan, pero pinatunayan nya yon sa akin. And other round happened again.

Madalang kami magkita. Kaya grabe yung excitement ko sa tuwing may concert sya o kaya may gig sya. Kaya lagi ako pumupunta at nakikipag siksikan.

"Kaya nga iuuwi kita, para makilala ka nina mommy." saad ni vhong sa akin at inaya na ako. Hinawakan na ko sa kamay pero nag pumiglas ako.

"Vice." warning nya sa akin dahil hindi ako sumusunod.

"Mine naman e," reklamo ko at pumunta na ko sa loob ng sasakyan nya.









"Vice, kausapin mo naman ako." Ilang araw ko na syang dinedeadma kahit sa chat nya.

"Mine," Vhong.

"Ano ba gusto ko maramdaman after mangyari noong kagabi? Sinampal ka na nga ng mommy mo. Noong wala ka, kinausap ako na layuan ka."

"Hayaan mo na si mommy, wala akong pakealam sa kanya. Just please mine, kausapin mo na ako. Mahal mo pa rin naman ako diba?"

"Mahal na mahal kita, vhong. Pero maraming may ayaw sa atin dito sa mundo." kasabay noon ang pagpatak ng luha ko.



Ilang buwan na naman ba kaming hindi nagkita. Dalawang buwan rin pala. Dalawang buwan na puro chat and calls lang.

Tapos ngayon makikita ko may kapartner na sya sa showbiz at palagi na silang magkasama. Parang araw araw pinipiga ang puso ko kapag nakikita ko silang magkasama sa tv.

"Nagmukmok ka na naman dyan." Anne.

"Bagay sila nung Ella." sabi ko kay Anne at napabuntong hininga ako.

"Bagay silang dalawa, tandem sila sa kalokohan. Masaya sya kapag kasama niya si Vhong." sabi ko. Kung harutin nya si Ella sa harap ng camera parang ang simple lang. Parang walang jowang nanunuod sa kanya.

Another month na naman ang lumipas, hindi na kami nagkita pa. Inamag na rin at nilumot yung usapan namin sa chat.

Ang hirap pala mahalin ng isang sikat. Ang hirap pa rin abutin kahit ang lapit na nya.




"Mine." Bungad ni vhong sa akin. Pumasok na sya sa bahay ko dahil hindi ko sya pinupuntahan kanina pa sa labas. Nainis na yata si jacky at pinagbuksan na nya ng gate.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Naging busy lang ako. Tara, date tayo." Vhong. Umiling ako habang nakatitig sa kanya.

Lalapitan nya sana ako pero ako na ang sumampal sa kanya.

"Kayo na ni Ella diba? Bakit nandito ka pa?"

Nakita kong nagitla sya sa sinabi ko.

"Magpapaliwanag ako."

"Hindi na, Vhong. Hindi na kailangan. I asked your manager at na confirm nya sa akin. Wala ka ng dapat pang itago sa akin." pinahid ko na yung luha ko at akma akong tatayo pero niyakap nya ako.

"Mine, I'm sorry. Just give me a month, lilinawin ko na lahat lahat."

"Hindi na kailangan, Vhong. Tapusin na natin to. Susuportahan pa rin naman kita, I will always be your fan." Pumiglas na ako sa yakap niya sa akin at tinignan ko sya.

"This will be your last time na pupunta ka rito sa bahay ko. Please lang, huwag ka na magpakita pa sa akin." Tumalikod na ako at pumunta na ako sa kwarto ko.

















A/N:
Finally, Vhong is back!
Pagtiyagaan nyo na itong update ko. Gusto nyo part 2 ng Fan Gay dati pa e, naging masakit tuloy yung update. Hahahah
Do comments and vote. Salamat.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon