I Love You, Writer

405 14 4
                                    

"Three words with million of feelings"

Yan ang nabasa ko sa unang pahina ng librong binabasa ko. Maganda ang content at flow ng libro nya, nakaka kilig. Actually, kilala ko ang writer na to. Kaya lang kabilang company sya.

Tinignan ko ang aking laptop, nasa chapter 11 na ako ng aking story na ginagawa. Ngunit sinantabi ko yon upang basahin ang hawak kong libro. Nahiga ako at muling nag focus. Napapa ngiti ako at the same time, napapaluha ako. Grabe naman talaga! Parang ako ang character sa kwento nya.

Gabi na ng matapos ko ang kaniyang book. 7 pm na rin pala. Hindi ko namalayan ang oras.

Sa pag sara ko ng book, biglang ring naman ng phone ko at nakita kong tumatawag ang sa company namin. Arrgh shet! Ipapa alala na naman nito kung kailan ang deadline ng ginagawa kong libro!

Hindi ko na lang sinagot at nagtungo ako sa dining para kumain at bumalik sa pag susulat ng aking sariling book.


After a month, natapos ko ang book ko. Na publish na rin, at nagkaroon na din ako ng meet and greet plus the book signing. Ito yung pinaka gusto ko sa tuwing makakatapos ako ng isang panibagong storya.

"Gustong makipag collab ng kabilang company sa atin,vice." sabi ni sir erik, yung boss namin.

"Huh? Eh diba kalaban natin sila? Bakit makikipag collab sa atin?" saad naman ni anne, yung friend ko na writer rin. Actually, hindi ko tinitignan sila as ka-kompetensya ko or namin sa trabaho namin.

"Oo nga sir? Tska marami rin naman bumibili ng mga books nila ah? Magagaling din yung mga author nila?" Naalala ko si Vhong, yeah. Sya yung paborito kong writer ng binabasa kong book.

"Naka pirma na ako ng contract mula sa kanila. At ang gusto noong writer na maka collab sa pag susulat ay si Vice." Sir Erik.

"Bakit ako?!" halos pasigaw kong sabi, may kasama pang biglang pag tayo mula sa kinauupuan ko.

"Wag masaktan ang iba sa sasabihin ko ah? Lahat naman kayo, magagaling mag sulat, bumebenta ang mga gawa books nyo, pero ang pinaka may mataas sa atin na kinikita ay si vice. Meaning, mas maraming naeenganyo sa mga books nya na bumili."Sir erik.

Sumang ayon naman si Karylle kay sir, nag thumbs up rin naman si Kim.

" If I were you, vicey.. I'll grab that chance na!"Karylle.

Napaisip naman ako sa sinabi nila. Sana lang, masipag at madaling makipag cooperate na writer ang ibigay nila sa akin.

After a week, nagkaroon ako ng meeting sa kabilang company with sir Erik. Muntik pa nga akong ma-late dahil sa lintek na traffic na yan.

"Sir!" tawag ko kay sir erik at dali dali akong naglakad palapit sa kaniya. Nakita ko naman ang dalawang lalaking nakatayo sa harap namin.

"Vice, this is Sir Jed." pagpapakilala ni sir erik sa kaniya. Nakipag kamay naman ako at nadako agad ang tingin ko sa lalaking nasa gawing kaliwa nya.

"And this is Vhong, ang makaka collab mo sa paggawa ng libro."Sir Erik.

" Hi. " bati ko at inabot nya yung kamay ko.

I guess, this will be exciting.





"Alam mo ba, ang gaganda ng mga gawa mo?" saad ko habang nag ttype ako sa laptop ko. Nilingon nya naman ako habang sya naka sandal sa swivel chair. Katapat ko lang din siya.

Nandito kami sa condo ko. Dito namin naisipan na gumawa ng plan for our first collaboration.

"Ikaw ah! Bumibili ka ng mga works ko ha?!" Nag lean sya sa table at tumitig sa akin. Napa irap na lang ako sa kaniya bago ko inumin ang juice na nasa gilid ko.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon