The Wedding

251 11 1
                                    

"Vice, will you marry me?" Yan ang tanong sa akin ni vhong habang naka luhod siya at hawak niya ang isang maliit na box na pula. May laman iyon na singsing at makintab ang diamond nito. Halatang mamahalin.

Pinagkagastusan nya talaga ang katulad ko?

Mula dito sa pag renta sa isang beach resort, sa mga dekorasyon na naka kabit sa bawat sulok, sa mga pailaw, at mga pagkain sya ang gumastos. Ni hindi ko nga ito alam, di ko naramdaman na gumagawa pala siya ng 'pa-surprisa' para sa akin.

Nakatitig sya sa akin na para bang nag hihintay ng aking kasagutan. Ramdam ko ang kaba, rumerehistro na yun sa kaniyang mga mata. Marahil iniisip nya kung ano ba ang tumatakbo sa isip ko ngayon, kung sasagutin ko ba sya o hindi. Kung papayag ba ako na maikasal sa kaniya o hindi.

"Oo, mine. Yes." Sinabayan ko ng tango ang pag sagot ko sa kaniya. Nakita ko na tahimik na tumulo ang kaniyang mga luha habang nakangiti sa akin. Inabot niya ang kamay ko bago niya isuot sa palasinsingan ang singsing na binili niya para sa akin. Sukat na sukat iyon sa daliri ko, para bang nilaan yun para sa akin.

Narinig ko ang palakpakan ng mga tao sa aming paligid. Napakasarap sa pakiramdam na masaya sila para sa aming dalawa. Hinalikan niya ang kamay ko bago siya tumayo at niyakap ako. Kaya naman niyakap ko rin siya pabalik.

"Thank you so much, mine. I love you." Vhong.

"Mas mahal na mahal kita, navarro." Saad ko at binigyan ko siya ng matamis na ngiti at dinampi ko ang aking labi sa kaniyang labi.

Ilang minuto rin kami nag kwentuhan habang pinag mamasdan namin ang mga taong kumakain at masaya rin para sa aming dalawa.

"Naks!" Sabay kami napalingon ni vhong sa babaeng lumapit sa amin.

"Anne!" Bulalas ko. Kumalas ako sa yakap ni vhong at agad ko siyang nilapitan at niyakap.

Isa siya sa tumulong pala kay vhong para dito sa proposal na ito para sa akin.

"Thank you so much, Anne. You helped him for all of these." Sabi ko sa kanya at binigyan ko siya ng ngiti.

"No biggie. Bestfriend ko kayong dalawa at handa akong tumulong sa inyo palagi." Anne.Then tumingin siya kay vhong at nginitian nya rin ito bago nya hawakan sa balikat at pinat niya, "congrats, man."




Nagpaplano na kami ng kasal namin. Inaayos na rin namin pati mga invitations, give aways, yung cakes at pati mga food na ihahanda namin. Pati yung mga tao na invited, magiging mga flower girls, ninongs and ninangs at ang iba pa.

Akala ko kapag ikakasal na, okay na ang lahat. Iisipin mo na lang ang mga kakailanganin ngunit hindi pa rin pala.

"Ikakasal na ang anak mo, Albert! Ngayon ka pa aalis sa pamahahay na ito?!" Rinig kong sigaw ni mama mula sa living area sa taas ng bahay.

"Ayaw ko na sa pamamahay na ito, Lorna! Mag hiwalay na lamang tayo!" Papa.

"Sige! Piliin mo yang babae mo kaysa sa amin ng anak mo, kaysa sa akin Albert!"

Nakita ko na bumaba si papa sa hagdan pero sinundan ko lamang sya ng tingin.

"Anak," Papa. Palapit sya sa akin pero umiling na ako.

"Okay lang pa, kung pipiliin mo ang babae mo kaysa sa amin ni mama. Okay na lang din sa akin kung aattend ka o hindi sa kasal ko. " saad ko sa kaniya at bahagya akong ngumiti.

Noong gabi na yun, lumabas ako at pumasyal. Blangko ang isip ko. Hinsi ba ako pwedeng maging masaya bago ko maranasan na maikasal?  Hanggang sa nakasalubong ko si Annd dahil nag lalakad lakad rin siya ng gabi na yun.

Nailabas ko sa kanya ang hinanakit ko about sa ama ko.

"Girl, mag ingat ka ha. Ang alam ko kasi at sabi sabi lang din ng mga matatanda na yung anak daw na ikakasal ang magsusuffer kapag mag hiwalay ang mga magulang." Anne.

"Whuy huwag naman. Nakakaloka ka." Saad ko pa sa kaniya bago ko siya ngitian.





"Mine, you okay?"tanong sa akin ni vhong at hinawakan ako sa kamay. Tumango ako at bahagyang ngumiti. Kanina pa kami nakikipag usap sa wedding planner pero parang wala ako sa wisyo.

"Sure ka bang okay ka lang talaga? Kanina ka pa lutang. Hindi pa tayo nakakapiling maayos ng isusuot mong gown." Vhong. Nag aalala niyang sabi sa akin. Tumingin ako sa wedding planner namin at kinausap ko siya na kung pwede sa susunod na araw na lang, tatawagan ko na lamang siya.

Pag kaalis ng wedding planner, hinarap ko si vhong.

"Mine, pwedeng ibahin ang sched ng wedding?" Tanong ko sa kaniya at nakatitig ako.

"Bakit?"

"Mine, nag away at nag hiwalay yung mga magulang ko last night dahil na naman sa babae ni papa. Yun ang pinili niya kaysa sa amin na pamilya nya. Hindi ko kayang mag focus at ituon ang buong atensyon ko sa kasal natin kung may iba pa akong iniisip." Paliwanag ko sa kaniya.

Akala ko naiintindihan nya ang sitwasyon ko, hindi rin pala. Ilang beses ko sya gusto kausapin pero hindi niya ako kinakausap ng matino. Pinupuntahan ko siya sa kanila pero palagi siyang wala.

Habang namomroblema ako sa sitwasyon namin ni vhong, pilit ko pa rin pinag aayos ang mga magulang ko, pero mukhang wala na talaga. Ayaw na rin naman ni mama kay papa.

"Mine, healed na ako. Pwede na natin ituloy ang kasal." Yan ang sabi ko sa kanya at niyakap ko sya. Tumingin siya sa akin at bahagya siyang ngumiti.

"I can't marry you, Vice."

Para akong binuhusan ng tubig na malamig dahil sa sinabi niyang yun.

"Mine, pahinga lang ang hiningi ko sayo two months ago pero hindi ko sinabi na icacancel amg wedding, re sched lang mahal."

"Vice, i am sorry." Vhong.

Tumitig ako sa kanya at hinihintay ko ang mga sasabihin niya. "Mahirap ba ang hiniling ko, Vhong? Pinilit ko pag ayusin ang pamilya ko sa loob ng dalawang buwan, para naman kapag ikakasal ako sayo may ama na mag aakay sakin diba?"

"Vice,nakabuntis ako."

"Putangina," bulalas ko kasabay nang paglandas ng mga luha ko.

"Sino?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko na yun.

"You don't need to know, vice. I am really sorry. Let's cancel the wedding."

After that, hindi na kami nakapag usap pa. Then makikita ko na lang sa social media ko..

He married Anne, my bestfriend.














A/N
Hi guys, please do vote and comment. Need feedbacks, please! Thanks!

And if gusto nyo na ng update from RainbroJinx sa story niyang 'You're Mine" sabay sabay po tayo na mag post sa board message na, "MAG UUD KA O IREREPORT KITA?" Joke. Pero mag flood message po tayo sa board message nya. Salamat.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon