I Love You, Pare

432 17 16
                                    

This guy's inlove with you, pare...







"Vhong! Tara basketball tayo!" hinagis nya sa akin ang bola ngunit nasalo ko. Tinignan ko ang iba kong mga kaibigan na iiling iling sa akin.

"Bro, pakiramdam ko bakla yan" bulong sa akin ni jhong. Siniko ko siya ng mahina bago ko tumingin kay  Jose Marie na papalapit na sa akin.

"Ano Vhong, game ba? Isama mo mga friends mo sa basketball natin." Jose Marie. Umupo siya sa tabi ni Teddy bago siya nakipagkamay.

"Tropa mo?" tanong nya sa akin.

"Oo, tropa ko rin. Bakit?"

"Wala naman, akala ko kapatid ni Pinocchio ang laki ng ilong eh" Jose Marie. Napatigil ako ng tawa dahil sa kaniyang sinabi. Nakita ko naman na nagpigil si teddy na batukan siya kaya ginawa ko hinila ko na si Jose Marie para maiwasan ng mainis ni teddy. Maging si Jhong ay natawa rin kaya lumabas mula sa ilong nya yung softdrinks.


"Huy! Ibato mo sakin yung bola!" sigaw nya sa akin habang inaabangan ko na ibato sa kaniya ang bola. Iba ang nakalaban namin, mga taga rito rin naman pero hindi ang mga kaibigan ko. Binato ko sa kaniya ang bola at nasalo niya. Nag dribol rin bago niya i-shoot.

Shet pasok!

Kinuha nya ulit yung bola at inaabangan ng mga kalaban.

"Vhong! Saluhin mo!" bigla nyang binato sa akin ang bola.

"Aray!"

Hindi ko nasalo ang bola, tumama pa ito sa ilong ko. Mas lalo akong mapapango nito.

"Uy vhong! Pasensya na. Saan ka tinamaan?" nilapitan nya ako habang tinititigan ang mukha ko. Napahawak ako sa aking ilong.

"Luh Vhong, lalong dumapa yang ilong mo." Jose Marie. Binatukan ko nga pero tinawanan lang ako.

Umuwi kami sa bahay ko. Tuwang tuwa na naman si mommy, magka vibes silang dalawa. Anak na rin kasi ang turing sa kaniya ni mommy.

"Hi Tita Amy!" Jose Marie. Nagmano pa siya sa mommy ko bago siya tumungo sa kusina at uminom ng tubig.

"Tita, yung anak nyo natamaan na naman ng bola yung ilong. Hindi kase sinasalo, lalo tuloy dumapa. Ayan napango." Jose Marie.

"Parang gago to." saad ko. Tinawanan na lang ako at pag dating nya may dala syang pang cold compress.

Tumabi siya sa akin bago niya ilapat ng mahinahon yung compress sa mukha ko. Sa may pisngi at ilong ko ang namumula dahil sa lakas ng impact ng bola.

"O sige mga anak, maiwan ko muna kayo. Mag gagawa lang ako ng merienda" Mommy.

"Ma, kahit pancake sa akin!" Sabi ko kay mommy.

"Mommy este tita baka po may nachos at sopas kayo dito. Yun lang po sa akin. Salamat." Jose Marie.

Tinignan ko siya bago ko nag kunot noo, "anong YUN LANG? ang dami mong request gago ka. Bahay mo? Bahay mo? Nanay mo magluluto? Nanay mo?" pang babara ko.

Pero maya maya lang, naamoy ko na ang amoy ng nachos. Lumaput ako kay mommy sa kusina, at nakita ko ang kaniyang ginagawa.

Nasa likuran ko na pala si Jose Marie dahil pinoke nya ako. Nakita ko siya na nag kibit balikat bago ko ngisihan.

"Thank you tita, sarap po niyang sopas at nachos na yan." Jose Marie. Napa facepalm na lamang ako.

"You are welcome anak. Paano ko ba tatanggihan yang kapogian mo na yan.. Ikaw pa ba?"Mommy.

" Mommy, ang pangit mo kabonding. Parang hindi mo ako anak. " saad ko. Tinawanan lang ako ng nanay ko. Jusko.

Weekend na kaya may sleepover kami sa bahay ni Jose Marie. Nag inom muna kami sa bar nya sa bahay, kasama ko sina Jhong and Teddy tapos nandoon din ang pinsan nya na si Billy.

Naiwan namin mga friends namin na naka yukyok sa table habang kaming dalawa, nag punta na sa room mung nasaan kami nag sleep over.

Tumabi siya sa akin habang yakap nya ang isang unan.

"Pare, parang may nararamdaman na ako." Jose Marie.

Huwag naman nya sanang sabihin na inlove siya sa akin.

Baka pati ako, mapa amin na rin.

Teka... Ano???

"Mahal na kita, Vhong." pagkasabi niya nun sakin tumingin siya. Tumitig siya bago iangat ang kamay nya at hawakan ang mukha ko.

" Tangina, Jose Marie. Hindi ko alam kung kailan rin nag simula to, pero mutual tayo ng nararamdaman." alam kong natigilan siya sa sinabi ko.

"Vhong, bading na bading ako sayo."

Tumitig ako sa kaniya bago ko sya patungan.

"Heaven na to, pare." Jose Marie.

















A/N:
Quickie lang mga, mars:)
Sana kinilig kayo.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon