Portrait of my Love

131 15 7
                                    

Naglilipat na ako ng bahay ngayon dahil nakabili na ako ng house and lot. Matagal ko rin pinag ipunan kaya masaya ako na finally, magagamit ko na yung bahay ngayon.

Habang nilalagay ko sa mga kahon ang iba kong gamit, napatingin ako sa isang frame na may malaking portrait. Medyo maalikabok na yun dahil hindi ko na sya sinabit pa sa wall at mas pinili ko na lamang na nakatago yon.

"Tulong! Tulungan nyo ko!" Naglalakad ako noon sa tabing dagat nang makarinig ako ng isang taong nanghihingi ng tulong.

Hinanap ko kung nasaan sya at nakita ko na pilit syang sinasandal ng isang lalaki sa pader at pilit hahalikan. Dali dali akong dumampot ng kahoy na nagkalat sa buhangin at hinampas ko sa ulo ang lalaking yun.

"Tarantado ka ha!" Saad ko at hinampas ko sya ulit ng kahoy sa may balikat at sa tiyan nya. Gusto ko man hampasin sa ulo pero baka ako naman ang mapahamak, paano kung mamatay yan?

May mga lalaki na lumapit sa amin at pinadampit ko ang lalaking bumastos sa kaharap ko na ngayong... babae?

Ah.

Binabae.

"Salamat sa pag ligtas sa akin kanina." Sabi niya habang nakangiti sya sa akin.

"Wala yun. Bago ka lang ba dito?" Tanong ko na ikinatango nya. "Ako si vhong." Pakilala ko sa kanya.

Inabot naman nya ang kamay ko bago sya ngumiti, "I'm vice."

"Nagbabakasyon lang ako dito tapos babalik na rin ako sa America. Nag hahanap lang ako ng lote o kaya house and lot talaga na pwede ko tuluyan at ng family ko kapag bakasyon. Then I decided na pumunta dito sa tabing dagat para mag relax."

"Yan din ang plano ko sa susunod, makabili ng house and lot kase masarap tumira sa bahay na alam mong pinagpaguran mo." Saad ko na kinatango naman nya.

Palagi syang bumibisita sa bahay ko kapag wala syang masyadong ginagawa sa tinutuluyan niyang bahay ngayon. Nalaman kong engaged na rin pala sya sa boyfriend nya for two years.

"So kailan ang wedding?" Tanong ko sa kanya habang umiinom kami ngayon ng cucumber juice na inorder nya.

"Hindi ko alam. Wala pa sa isip ko ang mag settle. Oo, masaya na may boyfriend. Pero yung pang habang buhay na matali sa isang tao? Hindi pa ako sigurado. Kahit naman na bakla ako no, may respeto pa rin ako sa sarili ko." Sabi niya at umayos sya ng upo.

"Eh ikaw, may girlfriend ka na ba?" Tanong nya sa akin habang naka halukipkip.

"Wala pa. Parang wala akong makitang babaeng para sa akin. Hindi naman mataas ang standards ko pero alam mo yun, I think hindi pa ako ready." Sagot ko sa kanya na kinatango rin naman nya.

"Hayy, mabuti ka pa. Honestly, kaya lang naman kami na engage kase nag propose sya sa harap ng mga magulang ko at mga magulang nya. Nandoon din ang iba naming friends. Diba? Mapapahiya sya kapag tumanggi ako and I know ako ang magiging masama kung tatanggi ako. At halos lahat may hawak na camera. His eyes, nakikita ko na umaasa sya. So nag oo ako."

Oo nga naman no? Minsan isasakripisyo na lang natin yung sarili natin para sa iba at para wala na rin silang masabing masama sa atin.

Magaan sya kasama. Masaya sya kasama. Madalas nga niya akong binibiro na hanapan ko naman daw sya ng ibang lalaki na pwede nya maka date dahil ako lang palagi ang kaharap nya.

"May fiance ka, bakit ka makikipag date sa iba?" Masungit kong tanong sa kanya habang nakakunot noo.

"Hindi naman nya malalaman nasa ibang bansa sya." Sagot nya at nag grin pa sa akin.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon