Memories With Them

708 16 3
                                    

"Vhong at Vice, may namamagitan nga ba sa Inyo?" tanong ng host kina mommy at daddy.

Tumawa ang dalawa at sabay na tumango.

"Actually, isang taon na kaming in a relationship ni Mine.. Hindi lang kami nagpapahalata."Sagot ni daddy vhong sa host.

"isang taon na madadagdagan pa."nakangiting sagot din ni mommy.

Finocus yung kamay niya na may singsing.
"What does it mean, Vice? Yung singsing sa kamay mo?"Tanong muli ng host.

Tumingin si mommy kay daddy at ngumiti sya. Tinaas nya yung kamay nya na may singsing at pinakita sa camera.

"We're getting married soon. Nag propose sya sakin two weeks ago." nakangiti niyang sabi naman.

Sobrang saya pa rin nila dito oh. Ang babata pa nila dito. Inoff ko na ang phone ko at tumabi ako kay Klenn. Kasabay ng pagyakap ko at pasimpleng pag tulo ng luha ko.




"Mine, mamaya na ang yakap. Direk oh, ang gulo ni Vhong."Mommy. Naka back hug sa kaniya si daddy.

"namiss kita, mine."Daddy.

"Guys. Mamaya na ang lambingaaan! Work work munaaaa!"Tita Anne.

Magkaholding hands kase sina daddy at may sariling mundo na naman.




"Madlang people, may ia-aanounce muna po kami ni Vice."Sabi ni daddy at nagtahimikan ang mga tao na nasa loob ng studio

"Gusto lang po namin mag thank you sa inyo, sa pag suporta nyo sa amin ng asawa ko."Daddy Vhong.

Ang sarap pa rin pakinggan yung pinagmamalaki nya si mommy. Yung tatawagin niyang 'asawa ko'.


"Madlang people, thank you. Sa mga hosts, Kay direk, thank you, sa mga staffs, sa mga taong nag mamahal samin."daddy Vhong.

"And gusto din namin sabihin na, mayroon na tayong ShowTime baby!"Daddy Vhong kasabay ng pag tingin niya kay mommy Vice at humalik sya sa noo nito.

"Oh my god! Congrats Guys!"tita Anne.

"Congrats Kuys! Congrats Bestie!" Tito Billy.

"Congrats! Ninang ako ha?" tita Karylle.

Niyakap nila sina mommy at daddy. Lahat Ng mga hosts niyakap sila.

"I'm one month pregnant na po. Mag kaka-anak na kami ni Vhong."Mommy Vice and then she rubbed her tummy.

Hindi ko namalayan, pumatak na pala ang luha ko pero nanatili akong nakangiti.








"Nasa delivery room na si Mine at kasalukuyan syang nanganganak."Daddy Vhong.

Tinapat nya ang camera sa pinto ng delivery room.

"Kinakabahan ako na naeexcite kase first baby namin to ni mine, at hindi na ko makapag hintay na makita ang anak naming dalawa."Daddy.

Nagulo ang pag vi-video ni daddy ng may marinig syang umiyak mula sa delivery room. Binuksan nya ang pinto at nakita niya ang isang sanggol na nababalutan pa rin ng dugo habang umiiyak.

"Mahal!" tawag ni Daddy kay mommy kasabay ng paghalik nya dito sa labi.

"I love you,. I love you. Mahal na mahal kita."Daddy.

Medyo mapungay na ang mata ni mommy dahil inaantok na siya. "I love you too. Mahal na mahal kita." nag tapos na ang video.








VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon