Only Reminds Me Of You

1.1K 26 11
                                    

VHONG


(Part 1)

"I see you beside me.. It's only a dream.. A vision of what used to be..the laughter.. The sorrow..pictures of time .. Holding to memories.."
nandito sya ngayon katabi ko, umaawit ng isang awitin na tumatagos sa puso ko.

"Nakatitig ka na naman sakin Vhong!" sabi niya sakin bago ulit kumanta.

Ngumiti na lamang ako at pinakinggan ko ang kaniyang nakakahalina na pagkanta. Ang ganda ng boses nya, isa sa mga dahilan kung bakit ko sya nagustuhan.

Binaba nya ang mic at uminom muna.

Commercial break naman kaya nandito kami sa gilid ng stage at nagjajaming.

Napatingin ako sa daliri niya, yung singsing nananatili pa rin doon.. Napangiti ako ng makita ko sa kaniyang daliri.

"Hanggang ngayon pala suot mo pa rin yang singsing" sambit ko sa kaniya. Ngumiti sya sakin bago umangkla sa braso ko.

"Masaya kasi ako sa taong papakasalan ko"
Napangiti akong muli at dinama ang kaniyang pag angkla at hinapit ko pa sya palapit sakin. Masaya ako.

"You're soon to be a wife." sabi ko sa kaniya, tumawa sya sakin at tumango.


"Oo nga eh! Parang kelan lang hindi ako ganito kasaya." tinakpan nya ng kaniyang kamay ang mukha ko at tumawa sya sakin.

Sumisiksik ako sa leeg nya at bumulong ako.

"I love you" banggit ko ngunit kasabay noon ay ang hudyat ng pag sisimula na naman ng tawag ng tanghalan.

"Tara na Navarro!" pag aaya niya sakin at hinawakan ako sa kamay bago namin ipakilala ang susunod na contender.

Ang lambot ng kamay nya, ang sarap hawakan.




"Masaya ako kase may taong nagpapasaya sakin!" sagot niya sa pang aasar ni jhong sa kaniya.

"Bakit ka masaya? Anong dahilan nyan?" tanong ko sa kaniya ng nakangiti.

Pinakita niya yung singsing na suot niya, "I'm getting married soon."

Tumingin sya sakin at sinagot ko ang kaniyang ngiti sa pamamagitan rin ng isang ngiti.

"ikaw ba vhong bakit ka masaya? Anong dahilan mo dyan?" tanong ni vice sakin.

"Masaya ako kase nakapag propose na ko last month sa taong mahal ko." sagot ko bago ko sya harapin.

Tumango sya sakin, "congrats. Husband ka na after five months!" sagot niya sakin.









(Part 2)

"May dala ka na naman na bulaklak, malapit ng maging flower shop ang kwarto ko, vhong!" sabi nya sakin pagkakuha nya ng bouquet.

"Pero salamat dito, ang effort naman." dagdag pa niya.

Ngumiti ako at inabutan ko sya ng shake, "syempre naman, diba sabi ko sayo araw araw pa rin kitang liligawan?" sabi ko naman at tumango sya.

"Thank you so much, mine. I love you" ngumuso pa sya sakin kaya lalapit dapat ako para halikan ko sya pero agad humigop ng shake bago nya ako tinawanan.

"Mine naman.." nanghihinayang kong sabi.

Tumatawa syang lumapit sakin bago ako halikan ng madiin sa labi.

"I love you Navarro."





Pangako ko sa kaniya yun nung nililigawan ko sya, araw- araw ko syang liligawan kahit sinagot na nya ako..


VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon