The Hearing

139 13 5
                                    

"Isang lalaki ang natagpuang patay sa..." Pinatay ni vice ang tv at nilagok nya ang alak na nasa baso.

Marami na naman ang lumalaganap na pagpatay sa lugar nila. Ilang tao na din ang namamatay at mga nadadamay dahil sa mga gumagamit ng shabu sa kanilang lugar.

"Tsk. Talamak na talaga ang krimen dito." Napapailing na lamang sya at muling uminom ng alak.

Maya maya pa, narinig niya ang yabag ng asawa niya habang pababa ito ng hagdan.

"Mine." Ngumiti sya dito. Tumabi ito sa kanya at humilig pa sa kanya.

"Mukhang problemado ka?" Tanong niya at hinawakan ang mukha nito bago bigyan ng mumunting halik sa labi.

"May problema lang sa senado. Hirap na hirap na kaming pag tugma tugmain ang mga nakakalap na impormasyon tungkol sa isang governor." Sumiksik pa ito at niyakap sya. Hinalikan din sya sa nape.

"Parang need mo na ng pahinga muna. Matulog na tayo." Saad ni vice at inaaya na ang asawa pero umiling lang ito.

Si vhong. Isang senador na ilang beses na rin nagseserbisyo. Nagkilala sila ni vice nang minsan na may pinuntahan syang isang event at doon sila nagkakilala nito. Nakaranas din sya ng pambabatikos dahil nga naman bakla si vice pero hindi sya nagpatinag doon. Pinatunayan nya na mahal nya ito.

"After this, hindi na ako muli tatakbo pa sa election. Akala naman ng mga tao, madali ang ginagawa namin sa senado e halos hindi na nga kami nakakatulog. Hanggang panaginip puro kaso ang nakikita ko." Saad niya rito kay vice.

Isabay pa ang patuloy na pambabatikos sa kanya at ang pag bintang na pati silang ibang myembro ng senado ay gumagamit at nagbebenta rin ng drugs.

Ngunit, lingid sa kaalaman ni vice ay ganoon nga ang ginagawa ni vhong. Hindi naman sya ng gumagamit ngunit sangkot sya sa pagbebenta ng pinagbabawal na gamot.

"Ahaw mo bang matulog? Magbabasa pa ako ng kaso ng kliyente ko." Saad ni vice at pina ayos ng upo ang asawa. Siya, isa syang attorney. Madalas din naman silang magkita ng asawa nya sa senado lalo na kung may hawak syang mabigat na kaso.

Ngunit patuloy nya lamang nalulusutan ang mga ito. Isa syang magaling na attorney at napapaniwala nila ang karamihan dahil sa pagtakip nya sa kaso ng kanyang kliyente.

Sa Senado, kanya kanyang buklat ng mga papeles at impormasyon ang karamihan. Nagdidiskusyon sa mga nakikita nilang sangkot sa mga lumalalang krimen sa bansa.

"Kailangan mahuli kung sino ang drug lord dito sa ating bansa. Aba, matagal na ang kasong ito pero hanggang ngayon hindi pa rin natatapos." sabi ni iza habang may binabasa na mga papeles.

"Hindi lang yan. Yung isang governor pa, nag benta ng assets sa isang mayor at nagkaroon agad ng 15 million pesos. Hinihila na kasosyo rin ang governor na yon sa isang illegal na casino." Saad naman ni karylle at muling umupo.

Si vice naman ay nagbabasa ng hawak niyang kaso habang nasa tabi niya si vhong at may mga pinipirmahan itong papeles na kailangan ma aprubahan ngunit nanatiling natihimik ito. Napakunot noo naman doon si vice kaya tinanong nya kung okay lang ito. Tanging tango na lamang ang sagot niya sa asawa.

Pagkauwi nila, agad na nagtungo ang dalawa sa kwarto at nag asikaso.

"Ang hirap ng ganito, gusto ko na mag pahinga kahit saglit pero may kaso pang hawak." Saad ni vhong at nahiga sa kama. Lumapit naman sa kanya si vice at hinalikan sya sa labi.

"Alam ko naman kung paano maaalis yang pagod mo" sabay ngumisi ito sa kanya na tila inaakit sya.

Ngunit sa paglipas ng mga araw, napapansin niyang balisa si vhong.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon