Brad To Lovers

3K 55 20
                                    

Kasalukuyan na nasa ShowTime na silang lahat at nagsisimula na. Umakbay naman si Vhong kay Vice at hinayaan naman ng isa.
Todo pa rin ang pagbabasa ng spiels nito at pagkatapos tumingin kay vhong at ngumiti.

"Pinag mamasdan mo na naman ako!" Vice. Pinataas na lang ni vhong ang kilay nya na parang nagpapa gwapo.

"Ang ganda kase ng outfit mo ngayon, bagay na bagay."Vhong.

Umikot naman si Vice at nag pose.

"Oh Pak!" sabi niya.

Natawa naman si Anne at Karylle sa ginawa nya.

"Bet ko yang outfit mo ngayon, Vicey. Ang ganda."Karylle.

"Oo nga sis,"Anne.

"Ay salamat. to naman, maliit na bagay."Vice.

Pag dating sa back stage, may nakita naman syang flower na nasa table nya at may kalakip na note.

Kinuha naman nya yon at binasa.

Dear Ms. G,
Flowers for you, G. :). Ingat ka lagi ah?- Mr.S.

Napakunot noo naman sya at binaba nya ang note.

"Kanino galing to?" tanong nya.

Habang busy sya pag masdan nag bulaklak, dumating naman si Vhong at Billy.

"Uy may nagpadala Ng bulaklak! Kanino yan galing?"Billy.

"Ewan ko nga e. Tinawag ako na Ms.G at sya si Mr. S? May nakita ba kayo na pumasok dito sa DR ko kanina?"Tanong nya.

"Wala. Nandon kaya tayong lahat sa stage."Vhong.

"Tara na nga, mamaya mo na itanong kung sino yan."Vhong. Hinila na nya si vice sa kamay at inaya sa stage.

"Oh bakit wala pa si Billy?" tanong ni Vice ng mapansin na hindi sumunod si Billy sa kanila.

"Baka nasa CR. Susunod din yon."Vhong.




Nag sisimula na ulit sila sa TNT at naisipan ni vice yung bulaklak.

"Ay nga pala, dun sa nagbigay ng bulaklak sakin, kung sino ka man thank you ah. Pakilala ka soon." Vice habang kumakaway.

"Bakit gusto mo sya makilala?"Vhong.

"Jojowain ko sya, Charot!" may harot na pag sagot nya dito. Ngumisi naman si vhong sa kanya.

"Eh paano kung loko loko yon ah?"Vhong.

Umirap naman si Vice at ngumiti.

"Alam mo vhong, kung loko loko yun, hindi mag papadala ng bulaklak sa dressing room ko yon. Tska, hindi naman lahat ng taong Hindi agad nagpapakilala ay loko loko.. Teka nga, bat ba nakangiti ka pa dyan kanina ka pa ah?"Napansin kasi ni vice na ngiting ngiti si vhong.

"Masaya lang ako para sayo."Vhong.

"Hi po sa boyfriend ko,."sabi ng contestant.

"Ay ang taraaay! may boyfriend, san ba yan nabibili? Para magkaroon ako?"Vice. Natawa naman ang contestant.

"Ano ka ba, hindi binibili ang boyfriend."Vhong.

"Ah ganon ba. Pero hinihiram, pwede ba yon?"Vice.

"Hindi rin po."Pag sabat ng contestant.

"Ikaw kinakausap ko? Ikaw? Ikaw ba ha?" pang aasar nito na akala mo ay susugudin yung contestant.

Pinigilan naman sya ni Vhong, nasa likuran nya ito at yakap sya sa leeg. Tumigil sya bigla at tumingin kay Vhong.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon