I Can't Love You

317 17 6
                                    

"This is your show,this is your time.. It's Showtime!"

Tapos na ang programa at nakipag beso na ako sa aking mga co- hosts. Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko at hinihintay ang aking atensyon na matuon sa kanya. Si vhong.

"Vice." binanggit nya ang pangalan ko kaya't tuluyan ko na syang nilingon. Nakatitig na pala sya sa akin bago nya ako niyakap. Agad akong nag pull away doon at ngumiti ako ng bahagya sa kanya.

"See you tomorrow guys!" paalam ko at nag diretso na ako sa backstage. Ramdam ko ang pag sunod sa akin ni vhong. Hinawakan pa nya ako sa siko at inalalayan ako.

Pagkapasok ko sa dressing room ko, naka ayos na pala ang aking mga gamit. Salamat sa team vice.

"Hatid na kita, mine? Wala naman akong ibang gagawin ngayon sa bahay." sabi niya sa akin habang naka ngiti. Marahan akong umiling bago ngumiting bahagya.

"Wag na vhong. I can manage. Susunduin na rin ako ng driver ko. Salamat." umiwas na ako ng tingin sa kanya at kinuha ko na ang bag ko.

"Mine.."

Hindi ko na sya pinansin at tuluyan na akong lumabas ng dressing room ko. Nakita ko ang isang lalaking nag hihintay rin pala sa akin.

"Ion..anong ginagawa mo rito?" tanong ko na may kasamang ngiti.

"Hinihintay ka. Magtthank you lang ako sa exposure na binigay mo sakin kanina.. sa amin ni jackque." isang ngiti ang binigay nya sa akin. Tumingin pa sya sa likuran ko at kumaway.

"Hi kuya vhong" saad ni ion.

Nilingon ko si vhong na nakatitig pala sa akin pati kay ion. Tumango na lang sya at bahagyang ngumiti kasabay ng pag alis nya sa dressing room ko at tumungo sa sarili nyang dressing room.

Sinundan ko sya ng tingin. Masama ang loob nya sa akin ramdam ko yon.

"Okay ka lang?" tanong ni ion sa akin na may pag aalala. Tumango ako sa kanya at inaya ko na ang team vice na lumabas ng building.

Buong byahe yung isip ko na kay vhong. Napa buntong hininga na lang ako at napapikit.

Pagkarating ko sa aking bahay, nag diretso ako sa den. Binuksan ko ang tv at nag music ako ng malakas. Wala naman kasi akong maiintindihan kung movie yung papanoorin ko, ang occupied ng isip ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako ng 8 pm ng gabi, hindi pa rin ako nakakapag bihis.

Pinatay ko na ang tv bago ko mag diretso sa kwarto ko at nag asikaso. Rinig ko ang pag ring ng aking phone.

Vhong calling...

"Why?" yan agad ang bungad ko, halatang hindi ako interesado na kausapin sya.

"Mine mag usap naman tayo. Ayusin natin yung relasyon natin."

Isamg buntong hininga ang pinakawalan ko at nahiga ako sa aking kama.

"Sana naisip mo na yan bago pa maging kayo ni Tanya."

Rinig ko ang ingay sa kabilang linya. Parang tunog ng baso at yelo??

"Nag iinom ka?" tanong ko sa kanya.

"Dito lang sa bahay. Bakit ako na naman ang mali? Paano naman yung sa'yo? Hindi mo ba napapansin yung maling ginagawa mo sa paulit ulit na pag ngiti mo kay ion. Nasasaktan ako vice."

"So sinasabi mo na ako ang mali dito? May mali ka rin, Navarro."

Heto na naman ang pag uusap na walang patutunguhan.

"Hihiwalayan ko na si Tanya para tapos na. Aayusin ko na yung relasyon natin."

"Vhong, pwede bang tigilan mo na yung pananakit mo sakin? Nag sasawa na ako. Paulit ulit na lamang. Pati itong pag uusap natin wala ng patutunguhan to."

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon