Save It, Vhong (1)

150 13 0
                                    

"Good morning sir, what is your order po?" Mula sa kinatatayuan ko ay rinig ko ang pag aasikaso ng aking ng mga tauhan sa customers.

Saturday. Marami na naman tao rito ngayon. Well, everyday naman pero iba kapag weekends.

"Good morning ma'am." Bati sa akin ng isa sa mga waitress ko. Ngumiti ako sa kanila at pumunta rin sa may counter.

Nakita ko ang isang lalaking customer na naka black cap, black shirt at pants. Sinusundan nya pala ako ng tingin.

"Hi miss." Sabi niya at ngumiti ako.

"Hi. Okay na ba order mo?" Tanong ko at tumatango sya habang nakangiti.

"Yes. By the way, I'm Vhong." Nilahad nya ang kaniyang kamay, tinignan ko yun at inabot ko rin upang makipag kamay ako.

"I'm Vice." Simpleng sagot ko bago ko bawiin ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.

Mula noong araw na yon, palagi na sya sa coffee shop ko. Nagkukwentuhan kami madalas. Marami na rin akong na share tungkol sa buhay ko at ganoon rin naman sya. Madalas na nga kami tuksuhin at asarin ng mga waitress ko dito dahil palagi nila kaming nakikita na magkasama rito. Fav spot namin, yung isang corner sa tabi ng glass window. Parehas kaming nagkakape habang tinitignan ang mga sasakyan sa labas at ang mga tao na naglalakad.

Alam na rin niya ang totoong ako. Transwoman ako. Akala ko tatawanan or mandidiri sya sa akin, but he's not.

"Vice." Pag pukaw nya sa atensyon ko kaya napalingon ako sa kanya.

"What?"

"May work na ako sa ibang bansa. Doon muna ako for five years."

Tumitig ako sa kanya. Hindi ko alam pero bakit nakaramdam ako ng sakit?

"Wow, good for you. Congrats, Vhong." Ngumiti ako sa kanya at sinimsim ko ang aking kape.

"Salamat. Pero alam ko malulungkot ka. Hindi mo makikita ang gwapo kong mukha."

"Ang kapal naman ng apog mo. Okay nga yun, walang mambubwisit sa akin araw araw. Tatawag sa madaling araw para tanungin kung tulog na ako. Letse." Narinig ko ang malakas niyang pag tawa, maya maya pa ay hinapit niya ang ulo ko at hinilig sa balikat nya. Naramdaman ko ang lakas nang tibok ng puso ko, lalo na nang halikan nya ako sa noo.

Hindi maaari to. Hindi ako pwede magkagusto sa kanya. Aalis na rin naman sya. Siguro mawawala rin ang nararamdaman ko kung ano man ito.

"Mag iingat ka rito palagi. Tatawagan kita kapag free time ko."

"Kahit huwag na, hindi naman kita jowa, hahanap ako ng ibang mag uupdate sa akin."

"Siraulo ka na naman, Vice. Itigil mo yan. Mag uupdate ako sayo ng mga mangyayari sa akin sa Canada."


Ang gago. Tinupad nga niya iyon. Palagi kaming magkausap kapag free time niya. Mas lalo na lang yata lumala ang nararamdaman ko dahil sa kaniya.

"Hi Vice!" Kumaway pa sya sa akin bago niya ipakita at ipakilala ang mga kasamahan nya sa work, kumaway rin sila sa akin.

"Uy, hi Vice! Ikaw pala kinukwento madalas ni Vhong sa amin e. You're pretty nga huh!" Sabi ni Zanjoe.

"Tss. Ang daldal mo naman Zanjoe. Dun ka na nga." Pagtataboy sa kaniya ni Vhong. Imbis na mag work, kinausap nya ako.

"Baka makagalitan ka na ng boss mo kapag nakita ka na may kausap ka" saad ko sa kanya.

"Sige na nga, mamaya na lang pag uwi ko. Ingat ka, Vice. See you soon."

"Okay Vhong, mag ingat ka. I love you." Pareho kaming napatigil at lalo na ako dahil sa nasabi ko. Agad ko na inend ang call dahil sa pangyayaring iyon.

Ilang araw ko syang iniiwasan at hindi sinasagot ang calls pati chats nya. And after a week, nagkaroon na ulit akong lakas loob para tignan lahat ng chats nya. Nahuli niya yata akong online kaya tinawagan nya ako at sinagot ko na rin naman.

"Isang linggo mo ko iniwasan." Vhong.

"Kaya nga. Sorry sa nangyari noong nakaraan." Saad ko sa kanya habang nakaiwas pa rin ako ng tingin kahit na sa video call lang kami magkausap. Narinig ko siyang tumawa.

"Cute."

"Alam kong cute ako at maganda. Huwag mo ngang sabihin, lalo na lang ako naiinlove sayo at hindi naman dapat."

"Gwapong gwapo ka na naman sakin."

"Matagal na. Kaya nga kita minahal diba?"

Nakita ko naman na nag seryoso sya. Patay na talaga. Mukhang magtatanong to sa akin.

"Mahal mo ko?"

"Oo. Matagal na. Hindi mo lang nahahalata yon. Sino bang hindi mahuhulog sayo? Ang gentleman mo. Babaeng babae ako sa paningin mo. Nirerespeto mo ko."

Natahimik siya noong sinabi ko ang mga yun.

"Hindi ko naman hinihintay na mahalin mo ko pabalik, hayaan mo lang ako na mahalin ka. Na iparamdam ko sayo yung nararamdaman ko. Huwag mo lang ako iwasan, yun ang hindi ko kaya... basta hayaan mo lang ako, and I know mag lalaho rin itong nararamdaman ko sayo sa susunod."

Grabe. Hinayaan nya nga akong mahalin ko sya. Ngunit, imbis na mawala ang pagmamahal na to bakit parang mas lumala pa? Tapos malalaman ko may nililigawan pala sya. Ang nakakaloka pa, pinagpaalam pa sa akin kung pwede sya manligaw ng babae. Ano ako jowa nya para magpaalam sya manligaw ng kabit niya? Nakakaloka.

Noong gabing iyon, iyak lang ako nang iyak. Masakit pala mag mahal ng taong hindi ka minamahal pabalik. Pero kagaya nga ng sinabi ko, hindi naman ako nag hihintay ng kapalit e.

Umuwi sya dito sa Pinas para magbakasyon. Pero babalik rin sya doon sa Canada. Mahigpit ang yakap niya noong nakita nya ako sa coffee shop ko. Then, dinala nya ako sa isang lugar kung saan tahimik at mahangin. Pareho kaming nakaupo sa likod ng sasakyan nya, yung pick up na sasakyan nya.

Doon nya rin sinabi na sila na pala noong babaeng nililigawan nya.

Ang lapit lapit niya na sa akin pero hindi ko pa rin sya kayang abutin.

"Vice." Naramdaman ko na pinahid nya ang luha ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

"I am sorry."

"Wala ka dapat ikahingi ng tawad. Ginusto ko naman ito. I am happy for you, Vhong." Niyakap ko sya kasabay nang paghikbi ko.

Nagpahatid na ako sa bahay namin. Habang papauwi kami, tahimik lang naman kaming dalawa sa sasakyan. Hanggang sa nakialam ako na buksan ang radyo ng sasakyan nya dahil pakiramdam ko, mabibingi ako sa katahimikan.

At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon
Na ako ay mahalin mo rin
Asahan mong 'di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan
Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin

Napamura ako sa isip ko at napalingon ako sa kaniya. Bahagya akong ngumiti.

"Hindi ako nanghingi ng kapalit. Masaya akong naiparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal."

Bumaba na ako ng sasakyan dahil tapat na rin naman ng bahay namin.

"Vice."

"Mmm?"

"Aalis na ako. Ingat ka, I love—"

"Save it, Vhong. Mag ingat ka. Hanggang sa muli."

-END.







A/N:
Hi! If familiar ito sa inyo, inupload ko sya sa fb acc and tiktok acc ko which entitled "Save it, Lucas". But since, I want this on my wattpad acc, I just changed the names of the characters. And masakit pa rin pala kapag VV ang characters dito. Hope you like this! Thanks for reading!





VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon