You Are The Reason

764 18 13
                                    

A/n:
Part two of I LOVE YOU GOODBYE









"Alam mo, sa pag ibig, kapag nandyan na ang taong minamahal ka, pahalagahan mo. Wag mo ng sasaktan. Dahil kapag yan sumuko at sumawa na kakaintindi sayo, iiyak at mag sisisi ka. Pahalagahan mo, mahalin mo, dahil di mo alam kung hanggang kelan mo sya makakasama. Kung kelan mo makikita ang mga ngiti nya, at hanggang kelan mo sya mahahagkan. " sabi ko sa isang lalaking nanghingi ng advice.

It's been two years, wala na kaming balita kay Vice. Nandito pa rin ang sakit, di ko yun maalis. Lalo na at ako ang dahilan kung bakit sya nawala.

Ako, eto, ako ang bagong nagbibigay ng advice, pinag patuloy ko ang ginagawa nya. Ang dating adVICE GANDA , napalitan Ng Advice ni Navarro.




-Nagbalik ang ShowTime, one year ago. Hindi pa kami sanay na wala ang isa sa mga nagpapasaya ng ShowTime at ng madlang people, ang minsang nagpasaya ng buhay ko.

- "Vhong, halika na, umuwi na tayo."Sabi sakin ni Anne habang hinihila ako mula sa counter ng bar.

"Anne, hayaan mo muna ako. Please lang."pakiusap ko sa kaniya.

"Vhong, kung nandito si sis, hindi nya magugustuhan ang ginagawa mo.. Nasasaktan mo pa rin sya, kase ang tigas ng ulo mo. Ang kulit mo."Anne.

Napaupo na lang ako at bigla na lang tumulo ang aking mga luha.

"Anne, ang sakit sakit na, sana ako na lang ang nawala. Sana pinilit kong wag na syang tumuloy Anne,. Pero bakit ganon? Pakiramdam ko, ako ang may kasalanan?.. Ako naman talaga diba? Ako ang may kasalanan kaya sya nawala." Pilit kong pagsasalita sa bawat pag hikbi ko.

- "Vhong, it was two years ago, pati sa akin masakit na nawala sya, pero never ka naman  namin sinisi, kahit na ganon ang nangyari. Vhong, try to make yourself happy. Mas gusto nya na nakatawa ka, kaysa nakikita kang malungkot."Anne.

"Uy mga bakla ! Sis !". Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

"Vice?" bulong ko sa sarili ko.

"Bakla ! Pag ka bingi bingi mo! Siraulo to!" Hinahanap ko yung nagsasalita. Napatingin ako sa gawing kanan.. May isang matangkad at blonde hair. Nakatalikod sya kaya di ko makita ang mukha.

Nilapitan ko at sumunod si Anne sakin.

"Saan ka pupunta?"Anne.

Di ko sya inintindi, at nagtuloy tuloy ako. Hinawakan ko sa braso yung bakla, at hinarap ko sakin.

"Vice." tawag ko.

- "Oemjii Mr. Navarro!" usal nito.

Hinawakan ako ni Anne sa braso.

"Vhong, let's go."Anne.

"I'm sorry guys, we have to go."Anne.

Nagpapicture na lang yung grupo nila sakin at inaya na ko ni Anne.

- "Anne, boses nya yung narinig ko. Si vice yon."Pangangatwiran ko.

"Vhong, it's not her. Hindi ganon ang boses Ni sis. Okay? Nasabi mo lang na sya yon, kase iniisip mo sya."Anne.

"Eh Yung mga salita na ginamit? Di ka ba nagtataka?"Tanong ko. Tumawa sya sakin.

"Vhong, alam mo naman diba? Idol ng mga Tao si sis, even sa pananamit, ginagaya nila si sis, at ang mga bagong pauso na words nya. "Anne.

- Siguro nga ganito ang kakahantungan ko, sa sobrang pagkamiss ko sa kanya, baka mabaliw na ko.





"Whuzzup whuzzup madlang people!" Jhong.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon