Kanina pa ako nakatingin dito sa salamin. Tinitignan ko kung pogi na ba ako. Baka kasi hindi pa. Baka kulang pa ang pagpapa pogi ko.
Kinakabahan na rin ako. Matanggap niya kaya ang alok ko sa kaniya?
Lumabas na ako ng aking bahay, ngunit bumalik ulit ako dahil nakalimutan ko ang aking dapat dalhin. Kasi naman, nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa kaba. Tila kinakalabog yung dibdib ko sa lakas ng tibok nito.
Hinintay ko si vice na lumabas ng building nila, galing kasi siya sa company at doon siya nagtatrabaho.
Nagkakilala kami sa isang bar. Naalala ko pa noon, lasing na lasing syang sumasayaw sa gitna ng dancefloor. Tila wala siyang pakialam sa mga taong pinag mamasdan sya.
Marami ngang nakikipag sayaw sa kaniya, ang iba naman ay inaalok siya na pumunta sa location nila. Alam na, kung ano ang nais nila.
Noong ako na ang nabahala ay nilapitan ko siya at hinawakan ko sa bewang upang matigil ang mga lalaki na lapit nang lapit sa kaniya.
Ilang beses ko noon pinalayo ang mga lalaki sa kaniya at muntik pa kaming magka initan dahil ayaw nilang layuan si vice.
Noong mga oras na yon, hindi ko naman alam ang pangalan niya. Guato ko lang siya ilayo sa kapahamakan. Hindi ko alam na iyon pala ang magiging way upang maging mas malapit kami sa isa't isa.
Doon ko nalaman na kagagaling niya pala noon sa break up. Pinagpalit daw sya ng boyfriend niya sa isang babae. At higit pa doon, buntis na daw ito at tatlong buwan na. Doon niya lang nalaman na matagal na pala siyang niloloko ng ex boyfriend niya.
I became her friend. Lagi ko siyang kinukumusta, lagi ko siyang pinupuntahan o sinusundo kapag alam kong nagpupunta ito sa bar.
Until I realized unti unti na pala akong nahuhulog sa kaniya.
So I tried na ligawan sya. Tuwang tuwa ako noong sinagot niya ako, two months ko siyang niligawan. Two months king hjnintay ang oo niya sa akin.
Pinangako ko sa sarili ko na kapag ako sinagot ni vice, hindi na ako magloloko at magiging seryoso na ako. Ayaw ko kasi siyang makikitang umiiyak na naman dahil nasasaktan rin ako.
Ayas ko nang maranasan nya ulit sa akin ang kung ano mang sakit ang naranasan niya sa ex niya. Deserve niyang mahalin. Deserve niyang makaramdam ng totoong pagmamahal.
Two years na kaming dalawa. Vice is gay, pero para sa akin babaeng babae sya. Parang hindi ko na nga kaya na wala to sa buhay ko eh. Marami ngang nagsasabi na bakit siya pa? Eh hindi naman daw kami magkaka anak ni vice?
Kahit mga magulang ko ay nakalaban ko dahil pinaglaban ko si vice. Minsan lang kasi ako magmahal pero pati yun ay pinapakialaman nila kung sino ang magiging kasintahan ko. Higit pa yung pagmamahal na binigay nya sa akin kahit na sapat lamang ang hinihingi ko.
üwü 👉👈
Ay sorry hehehe, nadala lang ng aking emosyon.
Pagkatapos ng isang oras, nakita ko na siyang papunta na sa gawi ko. Napaka ganda naman ng girlfriend kong ito. Agad kong inayos ang aking sarili at sinalubong ko sya ng ngiti ko at hinalikan ko siya sa noo.
"Ang gwapo gwapo mo naman!" Saad niya sa akin bago ako yakapin nang mahigpit.
"Syempre! Ang ganda ng girlfriend ko eh. Gutom ka na ba? Gusto mo kumain?" Pagtatanong ko habang binubuksan ko ang pinto ng sasakyan ko.
"Tara, sige."
Habang nasa sasakyan kami, hindi ko mapigilan na hindi siya lingunin. Ang ganda naman talaga eh. Ito yung taong tila ayaw ko nang mawala pa sa paningin ko.
Habang nag dadrive tuloy ako, naiisip ko yung future namin. Masarap din pala mag roadtrip lalo na kapag kasama mo ang taong mahal mo. Iba pa sa pakiramdam. Parang ramdam na ramdam mo ang pag ibig sa paligid.
"Mine, kanina ka pa tahimik. May problema ba?" tanong niya sa akin at kinailing ko naman yon.
"Wala naman, kinakabahan lang ako." Sabay wiggle ko ng aking kilay.
"Bakit naman?" Curious niyang tanong pero hindi ko na sinagot pa iyon. Binaling ko sa iba ang atensyon sa pamamagitan nang pagtatanong sa kaniya ng mga ibang bagay.
Nakarating kami sa tagaytay. I rent a place kung saan kaming dalawa lang ang nandoon.
"Hala mine, I'm sorry. Nalimutan ko." Saad niya at napapout. Tumawa na lang ako at tumango sa kaniya. Nalimutan niya na anniversary namin ngayon. Hindi na ako magagalit at magrereklamo dahil kahit ako naman minsan ay nalilimutan ko dahil sa pagod na rin sa aking trabaho.
Inabot ko sa kanya ang bouquet at ngumiti sya sa akin bago ako hinalikan sa labi, kaya naman tumugon ako.
"Maganda ba dito sa pinagdalhan ko sayo?" tanong ko sa kanya at masaya syang nakangiti dahil nakapag gala sya.
"Sobra. Happy anniversary, mine" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Happy anniversary, mine." Sabi ko at may nilabas akong maliit na box. Binuksan ko yun at nakita niya ang isang singsing.
"Vh...vhong" sabi niya at nakatitig lamang sa akin. Ngumiti ako at umayos ako ng tayo habang nakatitig din ako sa kanya.
"Kaya kinakabahan ako mula pa kanina. Kaya hindi ako mapakali kasi iniisip ko kung ano nga ba ang magiging sagot mo sa akin ngayong tatanungin kita." Bungad ko sa kaniya at tumitig ako. Napa buntong hininga ako habang nakatitig sa kanya.
"Gusto na kitang kasama habang buhay, vice. Wala na akong pakialam sa ibang tao. Dahil ang iniisip ko lamang ay ang magiging buhay nating dalawa, ang magiging kasama ko sa pagtanda. Napaka corny man, pero palagi ka nang hinahanap hanap ng mga mata ko. Ikas lang nag gustojg kikilalanin na ina ng mga magiging anak ko. Vice.. will marry me?" tanong ko at lumuhod ako habang hawak ko ang box ng singsing.
Napangiti siya at sunod sunod siyang tumango. "Yes, mine! I do!"
Agad kong isinuot sa daliri niya ang singsing bago ako tumayo at halikan siya sa labi.
Mahal na mahal kita, vice. Ikaw lang palagi ang hiniling ko at pinagdarasal ko.
A/N:
Short update for you, guys! :> sorry ngayon lang ulit. mwah!
Kapag hindi mag comment, mga broken one shots ang kasunod ko iuupdate. O hindi ka na lang i-crushback ng crush mo. 😝