Marry Me

547 21 7
                                    

"Mine" tawag ko sa kaniya habang nag aayos siya ng mga gamit namin dito sa kwarto. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Pero hindi na katulad ng dati.

Ibang iba yung ngiti niya noong mag simula kami. Bawat galaw ko, napapansin nya na nakakapag pangiti sa kaniya. Simpleng bagay na gawin ko, okay sa kaniya. Masaya siya.

Lumapit ako at nag back hug ako. Gustong gusto ko na niyayakap ko siya mula sa likod.

Seventh anniversary na pala namin bukas, excited ako sa pag cecelebrate naming pareho. Tumingin ako sa kaniya bago ko siya ngitian.

"Are you excited for tomorrow?" tanong ko. Tumingin siya sa akin pero naka kunot ang kaniyang noo.

"Anong mayroon bukas?"

Ngumiti ako ng malungkot pero agad kong binago yon, pinilit kong ngumiti ng masaya para di niya mahalata na malungkot ako dahil hindi niya maalala kung anong okasyon ang mayroon bukas.

"Seventh anniversary natin mine."

Alam kong natigilan siya ng banggitin ko yon. Ngumiti siya sa akin at tinap ako sa mukha ko, bago niya ako halikan sa labi. Hindi na katulad ng dati yung halik nya. Bakit parang pigil na?

Dati, sa tuwing hahalik ako halos ayaw nya rin bitiwan ang mga labi ko. Ayaw nyang mag pulled away, minsan nga nag rerequest pa sya hanggang sa mahiga kami pareho sa kama at mauwi yon sa isang love making. Pero ngayon, bakit wala na?

"Sorry, I forgot. Marami lang akong iniisip, mine."

Sanay na ako sa mga alibi niya. Tumango na lang ako at hinalikan ko siya sa noo.

"I love you so much, mine." sabi ko bago ko siya halikan sa labi.

Tumitig siya sakin at simple akong nginitian.

"I love you too."

Alam kong may mali rin ako. Napabayaan kita, kayo ng anak natin. Hindi ako nagkaroon ng mahabang oras para ilaan yon sayo, sa inyo. Nakita ko rin yung hirap mo noong mawala siya sa atin dahil sa sakit niya sa puso. Hinahanap mo ako kung nasaan ako para madala siya sa hospital pero mas inuna ko pa ang trabaho para maibigay sa inyong dalawa ang pangangailangan nyo.

Doon nagbago ang lahat simula ng mawala ang anak natin. Madalas na tayong hindi magkaintindihan, araw araw tayong nag susumbatan kung sino nga ba talaga ang may kasalanan.

Dumating sa punto na sinisi kita dahil hindi mo alam ang nangyayari sa anak natin, habang ako sinisi mo dahil wala akong kwentang ama.

A year after, nag desisyon ka ng bumalik sa trabaho para makalimutan mo ang sakit na nararamdaman mo sa pagkawala ng anak natin. Doon din nawala ang pagiging maalalahanin mo sa akin. Lagi mo na lang sinasabi na busy ka. Habang ako, nag hihintay lagi sayo, babawi sa lahat ng pag kukulang ko.

"Nasaan yung wedding ring?" tanong ko ng makita ko sa daliri mo na hindi mo yon suot. Tumingin ka sa akin bago ngumiti ng bahagya.

"Mine,ito oh. Kukunin ko lang dito sa banyo, naligo lang ako kaya ko hinubad." Vice.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na sinuot mo ulit ang wedding ring na yon. Alam ko naman na palagi mo yong inaalis sa daliri mo sa tuwing aalis ka ng ating bahay, hindi ko lang madalas sinasabi sayo pero matagal ko ng napapansin.

Sa tuwing wala sa kaniya ang wedding ring na yon, alam ko ng mali. Parang pinaparamdam mo na sakin na hindi mo na ako kailangan sa buhay mo, na parang wala ng asawa.

Wala ng pagmamahal.

"Mine, gaano mo ako kamahal?"

Tumingin ka sa akin at ngumiti bago ako yakapin. "Mahal kita sa bawat araw."

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon