Where We Started?

164 16 3
                                    

Kauuwi ko lamang ng bahay. Pagbukas ko ng pinto, bumungad ang ilang bote ng alak sa sahig and I found him na nakahiga sa sofa, halatang lasing.

Napa buntong hininga na lamang ako habang pinag mamasdan ko sya.

Lumapit ako at marqhan ko siyang tinapik sa braso kaya naman nagmulat sya at tumingin sya sa akin.

"Mine, nandyan ka na pala. Kauuwi mo lang?" Tanong nya habang bumabangon. Hahapitin nya sana ako palapit sa kanya pero agad din ako umayos ng tayo kaya naman pinag tuunan na lamang nya ng pansin yung mga bote ng alak.

"Sorry mine makalat, nakatulugan ko na. Nagpunta lang dito sina Jhong  at Billy tapos nagkaayaan na mag inom." Paliwanag nya na ikinatango ko na lamang. Hindi ko na siya masyado pang inintindi at nagtungo ako sa kusina.

Pero shet lang, hanggang dito makalat.

"Pati itong kusina makalat, hindi mo man lang nilinis. Uuwi akong pagod at nagtrabaho pero pagdating ko ako pa rin kikilos dito?" Talak ko sa kaniya habang malakas ang boses ko.

"Mine pasensya na talaga. Lilinisin ko naman yan. Magpahinga ka na doon, ako na dyan." Saad nya habang palapit sa akin at pilit na inaagaw sakin yung hinuhugasan kong mga plato na pinaggamitan nila.

"Huwag na. Gawin mo na lamang ang gusto mo." Hinawi ko siya at pinagpatuloy ko ang paglilinis.

"Paulit ulit na lamang, vhong. Araw araw na ganito tayong dalawa. Araw araw na uuwi akong pagod galing trabaho pero kahit dito sa simpleng gawaing bahay, hindi ka maasahan. Ano ba naman?!" Singhal ko pa sa kaniya.

"Maghahanap naman na ako ng trabaho mine.. Just give me time." Malumanay pa rin niyang saad sa akin habang nakasandal sya sa wall at nakatingin sa akin.

"Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsisink in sakin na inalisan ako ng trabaho because of their false accusation. Ang tagal kong hinintay na mapromote ako sa trabaho sa company tapos ganoon na lamang ang gagawin nila. And they are not believing me." Vhong. Ramdam ko pa rin ang pait at pagkadismaya sa boses nya pati na rin na malungkot siya.

Alam kong hindi lang naman yun ang dahilan kaya kami nagkakaganito ngayon, may ilan pang dahilan.

"Birthday ni Josh, nagpunta ka ba?" Tanong ko sa kaniya. Nakita ko sa mga mata niya na parang nabigla sya. Nalimutan nya?

"Birthday ng anak mo pero nakalimutan mo? Vhong, it's been two months simula noong mamatay sya at mawala sa atin. Ngayon ang birthday nya, hindi mo man lang pinuntahan sa puntod nya?! You promised me this morning na bibisitahin mo sya."  Hindi ko na alam ang mararamdaman ko sa kaniya kung awa ba, galit o pagkadismaya. Naghalo-halo na.

"Mine, I'm sorry. Babawi ako sa kanya bukas, pupuntahan ko si josh sa puntod nya." Pinilit nya akong yakapin at kinulong sa mga bisig nya bago ako halikan sa noo.

"I'm sorry, magulo ang isip ko ngayon." Mahinang saad nya ngunit sapat na yun upang marinig ko.

"Sana maisip mong magbago pa bago pa ko sumuko. Malapit na akong sumuko, vhong. Malapit na."

"Sinisikap ko naman, hindi ko lang din maintindihan ang sarili ko ngayon dahil sa bigat ng nararamdaman ko."

"Akala mo ba hindi masakit para sa akin na makita kang ganyan na nahihirapan? Na nawalan ka ng trabaho, na nawalan ka pa ng anak. Pero paano naman ako, vhong? Nakalimutan mo na bang may asawa ka at ako yon? Akala mo ba hindi ko rin alam na may ibang babae ka?" Ngayon ko lang nasabi sa kanya to kaya naman alam kong nabigla sya. Pilit ko na pinipigilan ang pagluha ko.

"Sana maalala mo kung saan tayo nagsimula. Ang layo layo na natin sa isa't isa kahit na nandito ka." Kumalas ako sa yakap niya at nagtungo ako sa kwarto naming dalawa.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon