His True Love

234 18 2
                                    

VHONG

Nandito ako sa RealiTea shop ko. Ako nag mimix at nag seserve sa mga tao. Kanina pa nga maraming orders at mabuti na lamang kasama ko ang kapatid ko na si Kim at si Jackque, tinutulungan nila ako rito.

"One large matcha with cream cheese, please." Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa narinig kong boses na yon. Tumingin ako sa pwesto niya kung nasaan sya.

"Hi, mister." Bati nya sa akin at ngumiti sya, "one large matcha with cream cheese, thank you." Pag uulit pa niya sa order nya. Tumango ako at kinuha ko na ang flavor na gusto nya at ginawaan ko sya ng milk tea.

Pagka abot ko sa kanya, nakita ko na may tattoo sya sa wrist nya.

Her name.

Vice.

Naka cursive ang pagkaka tattoo nun.

"Vice." Mahina kong banggit pero tumitig sya sa akin at ngumiti. Pagkatapos noon ay umalis na sya.


"Kuya, kanina ka pa tulala" sabi sa akin ni Kim. Nakauwi na kami ng bahay at nandito kami ngayon sa labas at nagpapa hangin lamang.

"Naiisip ko lang yung kanina, yung bumili. Vice ang pangalan nya." sabi ko sa kanya. "Hindi kaya siya talaga yon?" Dugtong ko pa. Kung hindi, bakit nandoon ang tattoo niya na ang pangalan rin ay Vice?

"Baka naman may ibang ibig sabihin ang 'vice' sa kanya. "


Sa araw araw, halos nandoon rin sya sa milktea shop kaya hindi ko makaila sa sarili ko na naging masaya ako. Nagkukwentuhan kami at minsan pa nga ay nabibiro ko sya. Hanggang sa pareho na pala naming mahal ang isa't isa. Tuwang tuwa ako nang malaman ko na mahal nya ako.

Parang dati lang, sa isang tao lamang ako kinikilig. Ngunit simula noong mawala sya? Hindi na ako nakaramdam ng ganitong kasiyahan. Sa kanya na lang ulit. Kay Vice. Ang Vice na nandito ngayon.

Nung minsan nga ay inaya pa niya ako na gumala kami at mag pasyal. Sinamahan ko sya. Naka sakay kami sa likod ng pick up na sasakyan ko. Si Kim ang nag ddrive nung gabi na yon at kasama nya sa loob si Jackque. Nag punta kami sa mga museums, gusto nya raw kasi makakita ng mga paintings ng mga sikat na pintor. Pinasyalan rin namin ang bahay ni Emilio Aguinaldo.

"Tinititigan mo na naman ako," saad nya habang iniinom nya ang milktea na hawak niya.

"Nagagandahan ako sayo." Saad ko at kinuha ko ang kanyang kamay. Hinawakan ko yon at marahan kong pinisil.

"Sana hindi ka na mawala sa akin." Saad ko at hinalikan ko ang kamay nya.

Nakatitig sya sa akin habang naka ngiti, "ganyan din ang sinabi Niya sa'kin dati. At hindi nga sya nawala." Umiwas sya ng tingin matapos niya sabihin yon. Hindi ko alam kung makahulugan ba yon o hindi?








"Ikaw, madalas kitang nahuhuli na nakatitig sa akin ha." Saad niya at nag back hug sa akin. Para akong natuod dahil sa ginawa niyang yun. Mas lumakas tuloy ang tibok ng puso ko.

"Masaya lang ako dahil nakakasama kita palagi. At muli mong binuhay yung pagmamahal na matagal kong tinago, matagal kong hindi naramdaman ang ganitong klaseng pakiramdam." Saad ko sa kaniya at hinarap ko sya.

"Mahal kita, Vice." Nakatitig ako sa kanyang mga mata noong sinabi ko yon.

"At mas mahal na mahal kita. " yumakap sya sa akin na tinugon ko rin ng aking yakap.








VICE

"Mukhang malalim ang iniisip ha." Napalingon ako kay Billy. Bakit nandito na naman ito? Best friend ko sya. Nakasundo ko na nga ang mokong na ito. Sabihin na nating para ko na siyang taga bantay. Siya rin ang nag welcome sa akin noong napunta ako sa mundo nila.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon