Irresponsible

334 15 5
                                    

"vice, mag usap naman na tayo" paikusap ko sa kaniya habang sinusundan ko sya papunta sa kaniyang sasakyan.

"huwag mo ko sundan, vhong! at kahit anong pakiusap mo sakin, hindi kita kakausapin tungkol sa relasyon natin!" sinara niya ang pinto ng sasakyan at agad na nag drive paalis.

Nahampas ko ang hood ng aking sasakyan bago ko siya sundan. Sumunod ako sa kaniya sa trabaho niya para lang makausap ko.

Pero wala. Nilalagpasan niya lamang ako na para bang hindi niya ako nakikita o nararamdaman ang presensya doon.

Ala siyete na ng gabi pero nanatili ako sa labas ng kompanya at hinintay sya. Nakakaramdam na rin ako ng gutom subalit mas pinili ko na makausap ko sya.

"vice," tawag ko nang makita ko sya na kakalabas lamang ng building. Tuloy tuloy lamang sya sa pag pasok sa kaniyang sasakyan na walang lingon sa akin.

Lumapit ako at sinilip ko sya sa bintana.

Nakita ko na lang na inalis niya ang singsing mula sa kaniyang daliri at hinagis yon sa daan.

"wala na akong pakialam sa nararamdaman mo." umalis na sya matapos niyang bitawan ang mga salitang yon sa akin.

Wala akong ibang magawa kundi hayaan sya makalayo at pag masdan sya.


Nakilala ko si vice noong nasa Thailand ako. Isa akong tour guide at interpreter ng mga kapwa ko pilipino na nagpupunta doon. Doon ko nakilala si vice dahil nanatili siya doon ng isang buwan.

At sa loob ng isang buwan na yon ay nahulog ako. Ako ang kasama nya sa bawat pag lalakbay niya roon, pag alam sa mga kultura at mga pagkain.

Isa pala siyang journalist at mahal na mahal niya ang kaniyang trabaho.

Mula sa pagkain ng mga insekto na tinda ng mga thai ay tinikman niya. Hindi siya maarte katulad ng iba kong nakasalamuha.

"so ilang taon ka na dito sa Thailand?" tanong niya sa akin ng minsang nakatapos na sya ng isang full episode ng kaniyang kaniyang palabas.

Ngayon ang oras ng pahinga niya habang palakad lakad lang kami.

"tatlong taon na rin." saad ko.

" ikaw ang breadwinner sa pamilya nyo?" muli niyang pagtatanong habang inuubos niya ang pagkain na binili niya kanina.

"Hindi naman. Nag trabaho na lang ako dito kaysa nasa amin ako pero magulo. May kaya naman pero mas pinili ko na maging independent ako." pag papaliwanag ko sa kaniya.

Matagal pa kaming nag kwentuhan hanggang sa inaya na nya akong umuwi. Tumuloy na sya sa kaniyang hotel at ako rin.

Mas nakilala ko si vice. Mas marami pa kami napag usapan at hindi ko inasahan na mahuhulog ako sa kaniya sa loob lamang ng isang buwan. Halos tatlong full episode ang natapos nya sa loob ng isang buwan na yon. Pakiramdam ko ay hindi yata uso sa kaniya ang pahinga katulad ko.

Naging magka- mabutihan kami at inamin ko sa kaniya na nahulog ako. Tinanong ko siya kung pwede bang manligaw, at oo ang sinagot niya sa akin.

Sobrang tuwa ko noon. Walang paglagyan yung kasiyahan ko. Pakiramdam ko nahanap ko na yung para sa akin.

Umuwi na ako ng Pinas para sa kaniya. Mag hahanap na lang ako ng trabaho ko para mapalapit na lang din sa kaniya.

Nanatili ako doon ng limang buwan at kalaunan ay sinagot na niya ako. Maayos yung naging relasyon namin, masaya kaming pareho.

Hanggang sa may nangyari sa amin.

Tuloy pa rin kami sa pag tatrabaho. Sya busy sa kaniyang pag hahanap na pwedeng idokumentaryo habang ako naging tour guide rin dito sa Pinas.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon