Maybe This Time

153 18 13
                                    

Ella and vhong were friends, pero bukod pa doon mukhang may mutual feelings sila sa isa't isa.

She was six years old when she met him. Lumipat sila noon ng bahay sa isang subdivision dahil doon sila nakabili ng house and lot. She's born with a golden spoon in her mouth. Her parents buy everything that she likes and provide what she needs. Rich girl, indeed.

They met once sa park ng subdivision. Hindi nga dapat ito lalapitan ni vhong pero sumabit ang dress nito sa ladder ng isang slides.

He helped him na maalis ang nakasabit na parte sa damit nito. Isang ngiti ang binigay sa kanya ni ella that time. Hindi niya alam kung ano bang tawag sa pakiramdam na naramdaman nya that time, parang yun na nga yata ang sinasabi nilang kilig.

"I'm vhong, ikaw ano pangalan mo?" tanong nya dito na ngayon ay nakatitig kay ella.

"I'm ella marie. Bagong lipat lang kami dito sa subdivision na to." Inabot ni ella ang kamay nya at nakipag kamay ito sa kanya.

Maya maya pa ay tinapat ni ella ang camera kay vhong na nakasuot sa kanyang leeg.

"Smile vhong!" Saad nya rito at kahit hindi pa ready si vhong sa picture ay kinuhanan nya ito.


Sinara ni ella ang isang photo album na nahalungkat nya sa kanyang drawer. 15 years old siya ng umalis sila ng Pinas, at ngayon ay 24 years old na sya. Ilang taon na rin pala ang nakalipas.

Nahalungkat nya rin ang iba pang mga kahon na nasa drawer nya. Maraming dried flowers at maraming letters. May mga paper rings din na nandoon.

Parang bumalik ang mga alaala ng kahapon. Kumusta na kaya sya?

"Bakit ba need pa natin bumalik dito sa bahay na to. Pwede naman sa iba na lamang bumili ng bahay e." Saad niya at niligpit ang mga gamit na nahalungkat nya.

Nag alanganin rin sya na itapon ang mga yon.

"Hay nako anak, mukhang ayaw mo lang bumalik dito dahil naalala mo si vhong." Sabi ng daddy nya na si Tonton.

Napairap na lang sya kaya natawa na lang sa kanya ito. Pinipikon na naman ang kanilang unica hija.

"Sayang naman itong bahay kung hindi natin babalikan."sabat naman ng kaniyang ina na si Lorna.

"Nine years mommy na hindi natin napuntahan itong bahay, pinaalaga mo lang naman po. Edi ibenta." Sagot naman nya habang nag dadampot pa ng mga kalat.

Pagkatapos noon ay lumabas sya at tinapon sa basurahan ang mga kahon na puno ng kalat.

Mukhang namiss nya rin naman ang subdivision kaya naman kahit hindi sya nagpaalam ay umalis pa rin sya at naglakad lakad.

Hindi na nga sya sanay sa init ng Pinas. Pumapatak na agad ang pawis mula sa kanyang noo.

Maya maya lamang ay napansin nyang may naglahad ng panyo sa kanya. Tumingin sya sa kanyang tabi at nakita nya ang mukha ng isang lalaking minsan syang nagkagusto at minahal.

"Panyo?" Offer nito sa kanya.

Si vhong.

Nakangiti ito sa kanya.

Tila nawalan naman sya ng sasabihin kaya tinignan na lamang nya ang panyo na nakalahad pa rin sa kamay nito.

"Bumalik ka na pala." Saad nito sa kanya at sinabayan sya sa paglalakad. Halatang nag jogging ito dahil sa suot nitong muscle tee pati na rin ang isang taslan short at naka rubber shoes rin ito.

"Oo, nakabalik na kahapon pa." Simpleng sagot nya at iniwasan na nyang tignan ito.

"Kumusta ka na?" Pag tatanong muli nito sa kanya matapos ang ilang minutong katahimikan.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon