Mrs.

351 15 8
                                    

Nakaupo kami ni vice dito sa veranda habang umiinom ng tsaa. Pinag mamasdan namin ang buwan, ang ganda pag masdan. Bilog sya ngayon at maliwanag. Nilingon ko si vice na nanatiling makatingala at naka ngiti.

"Anong iniisip mo ?" tanong ko sa kaniya kaya napalingon sya sa akin.

"Kahit ano na makakapag pangiti sakin, mine. Iniisip ko ang swerte ko pala sayo. Ang tagal na natin no? Ang dami na natin napag daanan pero tayo pa rin ngayon," saad nya sakin. Kumabog nang mabilis ang puso ko habang nakatitig sa kaniya. Ang ganda ng mata nya , kitang kita yung saya. Nakakalunod pag masdan .

"Sana sa mga susunod na araw tayo pa rin no?" habol nya sa kaniyang sinabi. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Oo naman no, tayo pa rin sa mga susunod na bukas at araw. " tanging sagot ko bago niya ibaling muli ang kaniyang atensyon sa buwan.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin sa kanya. Tanging naririnig ko lang ang tibok ng puso ko, ang lakas ng kabog. Kahit ako mismo nabibingi sa lakas nito. Naririnig rin kaya nya na kinakabahan ako?

Ito na ba ang tamang oras para sabihin sa kaniya ang totoo?

Hindi kaya sya mabibigla ?

Kinakabahan man, tumayo ako mula sa kinakaupuan ko at tumapat sa kaniya.

Nagtataka sya dahil ngayon ay nakatayo na ako sa kaniyang harapan. Tanging ang buwan amg aming liwanag. Ngunit tanaw ko pa din ang kaniyang kagandahan .

"Why mine? Inaantok ka na ba? Papasok na ba tayo sa loob? Dating gawi?" Tanong nya sakin habang nakangiti. Umiling ako kaya't napa kunot noo sya sa akin.

Dating gawi. Ibig sabihin, bubuhatin ko sya papasok ng aming bahay . Naka piggy back sya sakin hanggang makarating kami sa maing kwarto.

"Bakit?" Tanong nya muli.

Siguro nga ito na ang tamang oras para umamin sa kaniya.

"Mine, kung ikaw sinasabi mong swerte ka sakin, ako hindi." Saad ko. Nawala ang ngiti niya nang sabihin ko yun. Mag sasalita na sana sya subalit agad kong hinarang ang aking hintuturo sa kaniyang mga labi upang sya ay tumahimik.

"Dahil ang blessed ko na mayroong ikaw sa buhay ko." Saad ko bago ko sya bigyan ng ngiti.

"Gusto ko pang maranasan ang ibang bagay sa araw araw na kasama ka. Gusto ko pang makita ka sa bawat pag gising ko sa umaga. Gusto ko rin na pang habang buhay kang kasama..ikaw gusto mo din ba yon?" saad ko sa kanya habang sapo ko ang kaniyang pisngi at hinahaplos ko amg aking hinlalaki dito.

"Mine..."

"Jose Marie Viceral, handa ka na bang makasama ako pang habang buhay ? " tanong ko sa kaniya at lumuhod ako bago ko ipakita ang singsing na kinuha ko sa aking bulsa. Tinitigan nya ang singsing na hawak ko bago sya tumingin sa akin.

Nakita kong pumatak ang kaniyang luha at agad nya akong niyakap.

"Oo vhong, handa na akong makasama ka habang buhay ," nag pull away sya sa yakap ko bago punasan ang kaniyang mga luha.

Bahagya pa kaming natawa dahil pinunasan nya rin pala ang luha ko na hindi ko namalayang pumapatak na rin pala.

Sinuot ko na sa kaniyang daliri ang singsing bago ko sya hapitin at payakapin sa akin ng mahigpit. Hinigit ko sya patayo habang magkayakap kami. Unti unti na pala kaming sumasayaw nang mabagal habang nasa ilalim kami ng liwanag ng buwan .

"Napaka espesyal na gabi para sakin. Pinaka simpleng gabi pero memorable para sa ating dalawa. Sayong sayo na ako , navarro." Vice. Tumitig sya sa akin bago nya ako halikan sa labi na puno ng pag mamahal.


VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon