Surprise

257 14 3
                                    

From: Mine (6:38 pm)
Mine, ano oras ka uuwi? Para masundo kita?

Hindi ko nareplyn ang message kanina ni vhong sa akin. Marami rin siyang missed calls sa akin pero di ko yon nasagot dahil nasa meeting ako with the bosses. Nag diretso rin ako sa photoshoot for my concert.

"Diretso na po tayo sa bahay." Sabi ko sa driver ko at umayos na ako ng upo sa backseat.

Kinuha ko ang phone ko at may message na pala ulit si vhong sa akin.

From: Mine (7:20 pm)
Mine, message mo ko kapag uuwi ka na ha para masundo kita.

To: Mine (9:05 pm)
I'm sorry, mine. Ngayon ko lang nabasa mga messages mo sakin. Sobrang busy ko lang talaga ngayon. Pauwi na ako. Sinundo ako ng driver ko. Pag uwi ko sa bahay, mag face time na lang tayo ha?

Di ko namalayan na nakatulog na ako sa byahe. Ginising na lang ako ng driver ko noong naka garahe na yung sasakyan ko. Grabe ang araw na to para akong binugbog.

Pagka pasok ko sa kwarto ko, nag shower ako agad. Para mamaya makausap ko na si vhong. Nag plano ako na maiidlip lang dahil iba na yung nararamdaman ko na antok. Para akong lasing sa antok.

Nag alarm ako sa phone kahit 30 mins lang maka nap ako. Pero nagising ako na alas otso na ng umaga.

"Ay punyeta, si navarro." sabi ko at agad ko kinuha ang phone ko. Pero potek naman talaga, na battery low pa. Dahil siguro sa alarm to nang alarm kagabi. Kinuha ko ang laptop ko and shet shutdown din.

Chinarge ko pareho pero ginamit ko ang phone ko habang naka charge. Pag open ko ng phone ko ang dami niyang message sakin.

From: Mine (9:45 pm)
Nakauwi ka na ba?

From: Mine (10:15 pm)
Kumain ka na ba? Pag hindi pa sabihin mo sakin, magdadala ako ng food sayo.

From: Mine (10:36 pm)
Waiting pa rin, mine.

From: Mine (10:58 pm)
Uyyy mine, naka tatlong tasa ng kape na ako rito. Gising ka pa ba?

From: Mine (11:15 pm)
Mukhang nakatulog ka na, pagod na pagod ka siguro mag hapon

From: Mine (11:25 pm)
Sleep well, mine. I miss you.

From: Mine (11:45 pm)
Good night, I love you.


Napa sapo na lang ako sa noo ko dahil dun. Nakalimutan ko na ang boyfriend ko dahil sa sobrang pagod ko.

To: Mine
Good morning, mine. Halos kagigising ko lang. Sorry, nakatulugan kita kagabi, balak ko sana talaga na kausapin ka after ko mag palit ng pang tulog at makapag nap kahit konti kaya lang hindi ko kinaya ang antok ko. Bawi ako sayo sa susunod na mga araw kapag hindi na ako busy. I'm sorry, I love you.


Hindi ako nakareceive ng message sa kaniya after ko sya i-message. Siguro nag tatampo to sakin. Hindi pa rin naman ako makakapasok sa showtime dahil marami ako pinagkaka busy-han ngayon. May pupuntahan pa akong mall show ngayon sa cavite.

Buong araw ako nag hintay sa message nya pero wala. Nahati ang attention ko sa show at sa kaniya. Nabobother ako, hindi kasi sya nag memessage. Malamang nagtatampo na ito sa akin. Isang linggo na pala akong walang time sa kaniya. Nakatuon na lang ang attention ko sa work.

"Halaka meme, baka sa isang linggo na di mo nakukumusta si fafa vhong, may iba na yan na pinagtuunan pansin." Buern.

"Ay oo nga meme, marami pa naman nag aabang dyan sa jowa mo." Archie.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon