Starting Over Again

267 19 2
                                    

Nakatitig ako sa isang plan ng bahay. Malaki ito at masasabi ko na pinag handaan. Pinag handaan naming dalawa.

"Maganda ba mine?" Tanong sa akin ni vhong habang lumalapit sa akin at may dala syang sandwiches na nag insist syang gawin niya.

"Sobrang ganda. Sa tingin mo ilang buwan or taon bago matapos ito?" I said to him. Sa ngayon nandito pa lang kami sa isang condo nakatira.

Lumapit sya sa akin at nilapag sa table ang pagkain.

"Siguro nasa nine months to fifteen months yan magagawa, mine. Depende sa dami ng workers at skills nila. Excited ka na ba?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

Sunod-sunod ang pag tango ko bago ko siya yakapin.

"Sobra! After nitong bahay natin, restaurant naman nating dalawa." Tumitig ako sa kaniya at binigyan ko sya ng ngiti.

"Oo naman, mag bubusiness tayong pareho. Gagawa tayo ng sarili nating restaurant tapos magkakaroon yun ng maraming branch dito sa Pinas." Vhong. Kasabay noon ang paghalik niya sa noo ko.

Ang tanging masasabi ko lamang, napaka swerte ko sa lalaking ito dahil  binibigay nya ang lahat sa akin kahit na sinasabi kong hindi na kailangan. Pero sabi niya deserve ko ang mga bagay na yun. At sabi niya asawa nya ako kaya kung ano ang kaniya ay sa akin rin.

Sabi namin kapag may bahay na, pwede na mag anak. Pwede na kaming bumuo ng pamilya naming dalawa.

Katatapos lamang ng work ko at pauwi pa lamang ako. I am working sa isang company. Head pa ako ng department namin. Sobrang dami kong ginawa maghapon at hindi ko na nagawa pang kumustahin ang asawa ko.

Pag uwi ko, nakita ko siya na nakatulog na lamang sa sofa kahihintay sa akin. Shit. Nakalimutan ko na ang asawa ko. Wala na akong oras pa sa kaniya.

"Mine, I'm home. Tara sa room, sleep tayo." Marahan kong paggising sa kaniya at hinalikan ko sa pisngi.

Tumitig naman sya sa akin at hinapit ako palapit bago niya ako halikan sa labi ng may diin.

"Mine.." tawag niya sa akin habang patuloy sa paghalik sa akin. Wala akong ibang ginawa kundi tugunin ang halik na binibigay nya.

"Let's make a baby.." dugtong pa niya habang patuloy sa paghalik sa akin, hanggang sa nasira na niya yung top ko na nakapag chuckle sa aming dalawa.

"Hindi pa...ako.. nagshoshower.." I replied between the kiss. Tumitig sya at umiling sa akin hanggang sa napunta na ako sa ilalim niya.

"No need, mabango ka mine. I really love your scent, your natural scent."

-------

Pero hindi pa nagagawa ang bahay naming dalawa, nagkaroon na kami ng baby. Gustong-gusto na nya din talaga maging daddy. Marami siyang sinabi na pangarap para sa anak namin.

Everyday nahihirapan ako gumising ng maaga. Madalas ko siya nasusungitan. Ang hirap kapag nasa first trimester na. But napaka haba ng patience nya sa akin at naiintindihan nya kung bakit.

"Mine, ayoko ng amoy ng suka!" Reklamo ko sa kaniya habang papunta ako sa kitchen namin.

"Mine, sabi mo gusto mo ng paksiw. E suka ang halo nyan e. Paano ko maluluto yan?"

"Gawa ka ng paraan please. Gusto ko mag ulam ng paksiw pero ayoko ng suka."

Hindi ko alam kung maaawa ba ako sa asawa ko o maiinis, dahil kahit sya ay hindi niya rin maintindihan kung paano niya susundin ang gusto ko.

"Mine hindi ko kasi alam kung paanong paraan ang gagawin ko para sa paksiw na gusto mo." Mahinahon niyang sabi sa akin. Nakita ko na itatapon na nya yung niluto niya.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon