Mundo

715 23 3
                                    

"sino yung kasama mong babae kagabi. Hindi ka ba makuntento sakin ha?!" tinutulak nya ako palayo sa kanya.

"hindi ako nambabae dahil ikaw ang mahal ko!" sigaw ko pasagot sa kaniya.

"meron. Sinundan kita kagabi.. Sino yung kasama mo? Ako pa ang gagawin mong tanga?!"

"Plano ko yun Vice, ginagawa ko yun para sa anniversary nating dalawa. Surprise ko yun, pero wala na.. Nalaman mo na."nanghihinayang kong sabi sa kaniya.

Tumingin ako sa kaniya sa mata at nilapitan ko. Mas dumikit pa ko sa kaniya.

"Hinding hindi ko magagawa sayo na lokohin ka dahil mahal kita." nag dikit ang aming mga noo at unti unti nya kong nginitian.

Ito yung ngiti na gustong gusto ko nakikita araw araw.

Nagpalakpakan ang mga madlang people sa aming dalawa. Tapos na ulit ang drama namin sa tawag ng tanghalan.

Sa tuwing naririnig ko ang palakpakan at hiyawan ng mga tao, nababalik ako sa wisyo na drama lang namin to kase akala ko totoo.

Unti unti na yata akong napapadala sa mga linya na binibitawan naming dalawa.

Lumayo sya sakin at hinarap ako.

"Nako Vhong Navarro ha, baka ma fall ka sakin. Di tayo talo bro." yan na naman sya, nagpaka lalaki na naman kunwari.

Ngumiti ako sa kaniya at tumitig sya sakin bago tumawa. Sumiksik pa sa leeg ko at hinapit ako sa kaniya.

"Ikaw talaga Navarro. Hm, ang bango mo."Vice.

Lumayo ako sa kaniya dahil nakikiliti ako.

"May pawis na nga, nakakahingal palang makipag habulan sayo." natatawa kong sabi bago ko punasan ang leeg ko.

"mabango naman hindi ka amoy pawis."


"Vhong, tabi kami ni sis ha. Mag reserve kang seat for me" Anne.

Ano to, bus na kelangan may reservation? Tinignan ko naman si vice na kausap si Karylle pero hinila ko na ito.

"bruh, nag uusap pa kami ni vicey. Mamaya na kayo mag usap."Karylle.

Nilingon ko si Karylle at ngumiti ako.

"mamaya bruh ibabalik ko sayo to, may sasabihin lang ako."pagpapalusot ko.

"Ano ba yung sasabihin mo?"tanong nya sakin at tumitig sya.

Yan na naman ang tingin niya, nalulunod ako.

Umupo na kami at pinag masdan ko ang kapaligiran na nasa labas.

"Vhong ano nga yun?"Vice. Lumingon ako sa kaniya at umiling.

"Wala lang. Ikaw na lang ang pwedeng matinong katabi dito sa eroplano"sagot ko pero bigla akong piningot.

"aray ko naman vice."tinatawanan naman nya ko dahil namumula na ang tenga ko.

"ah so pinag pilian mo pa ko sa mga hosts. No choice ka ganern?"

Hinawi ko naman ang kamay nya na di sinasadyang mag sasalikop ang aming mga kamay.

"Hindi ako nag sabi niyan. Ikaw may sabi niyan ah."

Madami kami napag usapan habang nasa eroplano kami pareho. Nitong mga nakaraan, mas maganda pala ang samahan naming dalawa.


Sa pag babakasyon sa Hongkong, nag pa-party si Direk. Inom dito, wine doon. Sa pag libot ng aking paningin, nakita ko ang isang pigura ng katawan na kilalang kilala ko kung kanino.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon