When The Day Is Done

358 17 2
                                    

Naka upo ako sa buhangin habang pinag mamasdan ko ang pag lubog ng araw. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

I miss you, Rence.

Tinignan ko ang singsing na nasa daliri ko at ngumiti ng bahagya. Hindi pa rin okay, bakit naman ang bilis mong nawala?

" Aray! " Isang bola ang tumama sa ulo ko kaya napalingon ako sa kung sino mang nakatama noon sakin.

"Miss pasensya na. Binato lang ng kaibigan ko." sabi nung lalaki sa akin at pinulot nya yung bola ng volleyball. Sinamaan ko na lang ng sya ng tingin at tumingin ulit ako sa papalubog na araw habang naririnig ko yung alon ng dagat. Ang peaceful.

Kahit sa sandaling oras makakalimutan ko ang problema ko.

Pangalawang araw ko sa beach at nakita ko na naman yung lalaking  pumulot nung bola. Nag order na lang ako ng pagkain at humanap ako ng table ko. Hinihintay ko na lang na iserve yung  food. Maya maya lang, may lumapit sakin habang may hawak na tray. Tumingin ako sa kanya habang nakataas amg isamg kilay ko na parang nagtatanong kung ano amg ginagawa nya.

"Nag order ng food para sayo. Pasensya na talaga sa kahapon. I'm Vhong."

Pinilit nya yung food sa akin at tinanggap ko naman na.

Sa isang linggo na nasa bakasyon ako, nakapag usap kami. Naging magkaibigan kaming dalawa. Hanggang sa natapos ang bakasyon ko pero may communication pa rin at patuloy na nag uusap.

Kung dati gusto ko na mapag isa ako habang nagbabasa ng books o kaya naman nag p-paint , pero ngayon mas tutok na ako mag online. Ano ba ginawa mo sakin, Vhong? Ikaw na pala dahilan ng pag ngiti ko.

Naging kami after seven months. Umamin sya sa akin e. Sinabi ko rin naman na gusto ko sya.

Nagbbyahe ako minsan papunta sa kanila o kaya sya ang pumupunta sa bahay namin para bisitahin ako.

"Tapos ayon may fiance ako dati. Alam mo bang ang gwapo nya." Tinitigan ko sya para makita ko yung reaction. Tumawa ako dahil nag seselos na sya.

"Pero si Ferdinand Vhong na yung pinaka gwapo para sakin ngayon. " ngumiti ako sa kanya bago ko timapos ang pagkain ko.

"Bakit kayo nag hiwalay?"

"Hindi nya ako hiniwalayan,Vhong. Naaksidente sya at dead on arrival na daw. Three years ago yon. And I'm sure masaya na sya na makita akong masaya sa iyo."

Hinawakan nya yung kamay ko,"Iingatan kita katulad ng pag iingat nya sayo"

Pumunta ako sa puntod ni Rence , binisita ko sya kasama si Vhong. Sa ngayon okay na ako. Nakahanap na ako ng taong makakapag pasaya ulit sa akin. Inalis ko na ang singsing na nasa daliri ko. Yung engagement ring namin ni Rence.

Ilang buwan pa yung nagdaan pero bakit parang ang unfair na naman sakin ng mundo ?

May leukemia si Vhong. May nararamdaman na pala sya dati pa hindi nya lang sinasabi sa akin. Ayaw nyang nakikitang nasasaktan ako. Mas gusto nyang nakikita akong nakatawa dahil sa kanya.

"Vice, sing a song for me. " Pinigilan ko maluha habang pinag mamasdan ko sya. Kinuha ko ang kanyang gitara. Sya rin nag turo sa akin kung paano mag strum nito.

"This is how the story went
I met someone by accident
Who blew me away, blew me away"

Tumitig sya sa akin kasabay ng pag ngiti nya. Ang putla na nya.

"And it was in the darkest of my days
When you took my sorrow and you took my pain
And buried them away, buried them away"

Pilit kong hindi pumiyok habang nakatitig sa kanya. Ayokong makaligtaan sya ng paninfin ko ngayon.

"I wish I could lay down beside you when the day is done
And wake up to your face against the morning sun"

"But like everything I've ever known, you'll disappear one day
So I'll spend my whole life hidin' my heart away"

Last line ng lyrics ng abutin nya yung kamay ko kahit nanghihina na sya at hinalikan nya yon.
"I love you , Vice. Pasensya na kung hindi kita maihaharap sa altar katulad ng pangako ko sayo. "

Hinalikan ko sya sa noo. Hinayaan kong pumatak ang luha ko.

"I love you, Vhong. " matapos kong banggitin na mahal ko sya ay ang pagpikit ng kanyang mga mata.

-----‐

A/N:
Hello! Short update lang! Hahaha re-published lang dahil nasa fb ko na to. You can visit my fb account and read my stories there also. Thank u! Just visit my profile here in wattpad for my socmed accounts. Thanks!

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon