The Husband

365 16 0
                                    

Napatingin ako muli sa result ng mga pregnancy tests na nasa harapan ko ngayon. Shit talaga. Positive. Tatlong pregnancy test ang ginamit ko at lahat yun ay may tatlong linya.

Bakit naman kasi nag bar ako ng gabing yun?

Lumabas ako ng banyo at dumiretso ako sa kama. Kinuha ko ang bag ko at hinalungkat ko yun. Nakita ko ang isang calling card doon at tinawagan ko.

Nandito ako ngayom sa coffee shop habang umiinom ako ng isang frappe. Hinihintay ang lalaking nakasama ko noong gabing uminom ako. Ang lalaking naka buntis sakin.

Maya maya pa ay may umupo na sa may tapat ko kaya napa angat ako ng tingin.

"Buntis ako." Saad ko sa kanya agad kahit na hihigop pa lang sya ng kape na nasa harap nya. Muntik pa matapon yun sa puti niyang damit dahil sa gulat.

"Ano?" Bulalas niya at binaba ang hawak niyang kape.

"Bingi lang?" Pang babara ko sa kanya at tumitig ako.

Umayos sya ng upo at tumingin sa akin.

"Anong plano mo?" Tanong nya sa akin habang nakatitig.

"Anong plano ko? KO LANG? Gago ka pala eh. Kasama kitang gumawa nito noong gabing yon. Siraulo ka ba."

Hindi naman namin kilala talaga ang isa't isa. Twice lang kami nagkita sa car racing events. Sumasali kasi ako sa car racing kahit na ayaw ng mga magulang ko dahil nga delikado yun, pero makulit ako. And then doon ko siya nakilala. Pero hindi kami close. Mas hate pa nga namin ang isa't isa at talagang nagkapikunan kami kahit dalawang beses lsng kami nagkita sa car racing events.

And then last month, nagkita na naman kami sa bar. Broken hearted si gago. Habang ako, pressured sa pamilya ko. Nakukumpara na ako sa mga kapatid ko dahil sila mga professionals na. Habang ako, parang hindi nagseseryoso sa buhay. And then nalaman nila na engaged na ako sa boyfriend ko. They disagreed after nila malaman yun. Pero dahil matigas ang ulo ko, itutuloy namin ni Ejay ang pagpapakasal.

So ayun. Sa bar lang yata kami nag kausap nang maayos dahil pareho kaming lasing. We shared some backgrounds tungkol sa buhay naming dalawa. Ramdam ko na ang lasing ko noon kaya naman uuwi na sana ako pero pag labas ko ng bar, flat ang gulong ng kotse ko. May mga bata pang nag takbuhan palayo at alam ko naman na sila ang bumutas ng sasakyan ko.

And then he offered na ihatid na lamang ako.

Habang nasa sasakyan kami, kinakausap niya ako pero tanging tango st iling na lamang ang sinasagot ko. And the next thing I know, nagising na lamang ako na nasa same room kami and we're both naked.

And my blood stain sa bed.

"Look, hindi ko alam kung paano maging ama." Sabi niya sa akin na malumanay.

"Hindi ko rin naman alam paano maging ina. Anong gagawin ko dito ngayon? Vhong, ikakasal ako." Saad ko sa kaniya habang naluluha ako.

"Do you want to get rid of that baby?" Tanong nya sa akin.

"Hindi ko kayang pumatay, vhong. Pasaway akong anak pero di ko kaya yun."

"Baka naman hindi sakin yan. Baka sa boyfriend mo yan." Vhong.

"Paanong sa boyfriend ko ha? After nya mag propose sakin, umalis na sya ng bansa para mag work. Wala pang nangyari samin kahit minsan. Nakita mo pa na suot ko ang engagement ring noong nag bar tayo. And may blood stain sa bed."

Tumitig sya sa akin at maya maya pa napa buntong hininga sya.

"Kailan uuwi yung boyfriend mo?"

"Next year. Tinatapos niya lang ang kontrata niya sa ibang bansa and then uuwi na sya dito and then magpapakasal na kami." Sagot ko sa kaniya.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon