Saved You

366 17 6
                                    

Maaga ako nagising dahil sa lakas ng pag alon. Sinilip ko ang dagat mula sa aking kwarto. Humahampas ito sa dalampasigan na nagiging sanhi rin ng pag iingay ng mga maliliit na bato.

Napatingin ako sa kalangitan, bilog ang buwan at maraming bituin. Anong oras na kaya? Sa paki wari ko ay nasa alas tres pa lamang ng madaling araw.

Nag tungo ako sa kusina at nag timpla ng kape. Lumabas ako habang sumisimsim nito at umupo sa buhanginan.

Mag mumuni muni sana ako pero may nakita akong tao na naka handusay sa tabing dagat, hindi naman kalayuan. Kaya naman agad akong tumakbo at nilapitan sya.

"Miss.." pag tawag ko sa kaniya pero walang response. Marahan kong tinatapik ang kaniyang pisngi ngunit ayaw talagang magising.

Mabuti na lamang at marunong akong mag CPR. Kaya naman ginawa ko yon upang magkaroon sya ulit ng hangin.

Pagka mulat nya kasabay ng pag ubo nya at pag hinga ng sunod sunod. Tumitig sya sa akin na para bang wala syang kahit anong emosyon.

"Bakit niligtas mo pa ako"

Huh?

"Syempre. Kaysa naman mamatay ka."

Tinitigan nya ako at bahagya syang ngumiti, "mamamatay naman talaga ako"

Tumayo na sya at paalis na sana pero muli niya akong nilingon.

"Sa susunod na makikita mo ako dito, huwag mo na akong iligtas. Salamat."

Ilang araw ko rin siyang hindi nakita. Life guard ako dito sa aming lugar. May isang resort dito kung saan ako nag ta-trabaho.

Sa bawat tao na nakikita ko, pinag mamasdan ko ang mukha. Baka sya na pala yon tapos makaligtaan ko na naman at magpaka lunod.

Gabi na, nandito pa ako sa dagat. Binabantayan ko pa ang mga mangilan-ngilan na naliligo. Patapos na rin ang shift ko ngayong gabi.

Hanggang sa napansin ko na may parang tumalon sa malalim na parte ng dagat.

Agad ko naman kinuha ang mga kailangan ko at lumangoy papunta sa kaniya. Pansin kong kinakapos na sya ng hininga ng mga oras na yon.

Nilapag ko sya sa dalampasigan at hiniga ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. Pansin ko ang pag tulo ng kaniyang mga luha.

"Bakit ba hindi na lang Niya ako kunin?" nakatitig sya sa kalangitan ng mga oras na yon.

"Gusto ko ng sumuko. Bakit hindi pa niya ibigay ang hiling ko?"

Umupo ako sa tabi niya. Nakikinig lang ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kaniya, ni hindi ko nga alam ang problema niya.

"Ang simple lang naman ng hiling ko.. kunin na niya ako. Pagod na ako."

Rinig ko ang bawat hikbi niya. Hindi ko sya pinag mamasdan. Iba yung mga mata niya. Inaakit akong tumitig at pag masdan sya.

Parang mas gusto ko na lang na malunod sa ganda ng mga mata niya kaysa malunod sa dagat at mabawian ng buhay.

"Hindi ko alam kung ano ang pinag daramdam mo para hilingin mo yan. Pero sana hangga't nabubuhay ka, pahalagahan mo. Sulitin mo bawat oras na nandito ka.. Sana rin, humiling ka na mas pahabain ang buhay mo."

Hindi sya umimik ng oras na yon.

"Vice." rinig kong saad niya kaya napalingon ako.

"Vice. Pangalan ko." saad niya ulit habang nakatitig sakin. Wala na naman syang emosyon.

"Vhong." nilahad ko ang kamay ko pero dahil hindi niya inabot, ako ang kusang umabot sa kamay nya at bahagyang pinisil ito.

"Nandito lang ako palagi para sayo." saad ko.





VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon