Convert Him II

227 14 9
                                    

We have been together for almost six months. But still, we are in a secret relationship. Because we both do not know if our parents will allow us to continue the relationship that we have. I looked at Vhong who is sitting on the stool bar, drinking his hot coffee while scrolling on his social media.

"Nagagwapuhan ka na naman sakin" Vhong. Nakaramdam yata na nakatitig ako sa kanya.

"Ang kapal naman ng apog mo. Eh mas gwapo ako kaysa sayo." saad ko sa kanya at nilapitan ko. Tatawa tawa ang gago, akala mo naman natutuwa ako. Hinapit niya ako sa may bewang at hinalikan ako sa labi.

"May iniisip ka na naman, ano gumugulo sa utak mo?" tanong nya habang mataman na nakatitig sa akin. Hindi pa rin yata ako nasasanay na ganito sya sa akin, parang palaging bago sa paningin ko at bago sa pakiramdam ko.

"Hindi ka pa ba pagod? Bakit nandito ka pa rin sa akin? Why are you still choosing me? Vhong, tinatago kita. Bakit mo sinunod ang gusto ko na magkaroon tayo ng sekretong relasyon?" sunod sunod kong tanong sa kaniya, hindi niya nga alam kung ano ang uunahin niyang sagutin. Dahil bawat pag buka ng bibig niya ay ang pag tanong kong muli sa kanya.

"Hindi naman ako pagod, hindi ako napapagod na intindihin ka. Alam kong bago sayo ang ganito at ganun rin naman ang nararamdaman ko. Kaya pareho pa tayong nag aadjust at nirerespeto ko ang gusto mo kaya heto, pumayag ako na maging in a secret relationship tayo." Malumanay na paliwanag niya sa akin at marahan niyang inabot ang kamay ko. Ngayon, nakaupo na rin ako sa stool bar sa tabi niya.

"Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan tayo ganito, Hindi ko alam kung kaya ba kita ipakilala sa mga magulang ko bilang boyfriend ko." Hindi ko na napigilan ang totoong dahilan ng pagtatanong ko kanina lamang.

"Vhong, alam mo kung bakit diba? Nag eexpect sila sa akin na ako ang magdadala ng apelyido namin. Alam mo rin naman diba, ayaw rin nila sa relationship ng kapatid ko na si anne at kay karylle?"

"Hindi naman kita iiwanan kung yun ang inaalala mo. Tska nandito pa rin ako kapag pinakilala mo ako bilang boyfriend mo. Pinatunayan ni anne at karylle kung ganno nila kamahal ang isa't isa, tayo pa kaya? Sa una magagalit sila, at naiintindihan ko rin yun. Pero di rin magtatagal at huhupa ang galit ng mga magulang mo. Tito and tita will understand us. Kaya please, mine ikalma mo yang isip mo." Vhong. Bakit ba napaka dali para sa kaniya na pakalmahin ako? Para bang ang dali lang para sa kaniya na solusyunan ang problema na dinaramdam ko?

"Gustong gusto kita ipakilala sa mga magulang ko, para allowed na akong magselos sa public kapag kasama ka. Tangina, ang hirap magselos ng patago. Yung tipong kahit gusto kita batukan at murahin hindi ko magawa. At kahit gusto ko rin ipagsigawan sa maraming tao hindi ko kaya, hindi ko magawa dahil pinang hihinaan ako ng loob. Na baka kapag nalaman nila, ako ang itakwil nila." Six months ago, parang hirap na hirap akong tanggapin na nagkagusto ako sa kanya, pero ngayon para akong mababaliw kapag may tumatabi at lumalandi sa kanya na babae.

"Pwedeng pwede ka magselos anytime mine, valid yang nararamdaman mo, pero hindi ako gumagawa ng ikakaselos mo. Binaliw mo kasi ako. Yan tuloy, patay na patay ako sayo." Hirit na naman niya sa akin. Binatukan ko sya nang mahina at umayos akong upo. Hinawakan ko sya sa may tuhod niya at bahagya kong pinisil yun bago ko napa buntong hininga.

"what the heck are you doing here?" tanong ko kay Jackque na nandito sa bahay namin.

"Makikipag balikan ako, sayo." Jackque. Akma syang lalapit sa akin pero agad ko syang pinatigil.

"You are not welcome here anymore, even to be a part of my life. I am happy now, at masaya ako na nakawala na ako sa buhay mo. And I am fucking grateful na hindi ka pumayag na magpakasal sa akin." saad ko sa kaniya habang nakatitig. Nakita ko yung luha na nagbagsakan mula sa mga mata niya. Samantalang dati, hindi ko kayang makita na umiiyak sya. Pero heto ako ngayon, ako ang dahilan ng naging pag luha niya.

"I am sorry, masama lang ang pakiramdam ko ngayon at marami lang akong iniisip. Pasensya na sa mga nasabi ko kanina, pero hindi na ako makikipag balikan pa. Umuwi ka na, Jackque. Gabi na." sabi ko habang naka distansya pa rin sa kaniya. Hindi siya tuminag at nandoon lang sya, nakatayo habang nakaktitig at pinupunasan ang kaniyang mga luha.

"I am so sorry, vice. Kung ayaw mo, it's fine. Hindi ko na guguluhin pa ulit ang buhay mo. At least I had a chance to talk with you, and naging malinaw na rin sa akin na ayaw mo na." Jackque. Tumango ako sa kaniya at nag iwas akong tingin. Ramdam ko na lumapit sya sa akin at maya maya pa ay niyakap niya ako. Napatingin ako sa kaniya kaya niyakap ko na rin siya.

"Please take care of yourself and love yourself first bago ka mag mahal ulit ng iba. Make sure that he will treat you better and will always treasure you. Bulong ko sa kaniya at hinalikan ko sa buhok niya. Ramdam ko ang pag hikbi niya kaya nanatili muna kaming magkayakap. After ng ilang minuto na magkayakap kaming posisyon, nagpaalam na sya sa akin na uuwi na sya kaya tumango ako at bahagya ko syang nginitian.

"Kagabi mo pa ako hindi kinakausap, may problema ba?" tanong ko kay vhong. Nandito ako ngayon sa condo niya ulit at binisita sya. Kahit sa chat man lang hindi sya nag rereply, nag aalala tuloy ako.

"I saw you hugging her yesterday." Vhong. "Nagseselos ako, fuck it." dagdag pa niya.

nagseselos sya? gwapo naman magselos niyan, pango nga lang.

"Sa tingin mo bakit kami magkayakap?"

"Nag uusap kayo at may balikan na magaganap." Vhong. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin at sa laptop sya nakatitig.

"May balikan talaga na magaganap kung hindi ka haharap sa akin at di ako pag mamasdan." Seryoso kong sabi sa kaniya. Tumingin naman sya at tinitigan ako, "There, mukha na kitang boyfriend, hindi yung kanina na para kang bata na inagawan ng laruan. Nag usap lang kami, nakikipag balikan sya pero sabi kong hindi ko na kaya na maging kami pa ulit. Because I am in a relationship. I am happy right now, I am happy with you." saad ko sa kaniya at hinawakan ko sya sa kamay.

" salamat, natakot ako. Akala ko nagkabalikan na kayo." Vhong. Natawa akong bahagya at binatukan ko sya.

"Walang balikan na magaganap. Sasamahan mo pa ako mamaya sa tatay ko na harapin sya pati ang tatay mo." saad ko sa kaniya. "dapat nga ikaw ang humaharap sa tatay ko dahil binoyfriend boyfriend mo ako." Napatitig sya sa akin nang sabihin ko yun, hindi ko pa kasi nabanggit sa kaniya kung kailan ko gusto kausapin ang ama ko. Walang eksaktong date, kaya hayan gulat sya ngayon.

"luh si vhong kinakabahan, samantalang kanina g na g sa ano." pang aasar ko sa kaniya at tinawanan ko.

"Parang umurong yung sandata ko, naging lantang talong na lang." Vhong.

"Taena mo. HAHAHAH hayup ka."

Pumunta kai sa bahay at hinihintay namin si daddy at mommy, buong oras na pag hihintay kinakabahan sya. Ano pa kaya nung nakaharap namin. Pareho kaming kinakabahan nun ni vhong, pero ramdam ko ang masinserong pakikipag usap nya sa tatay ko. Ramdam ko yung galit ng tatay ko pero sinalo niya lahat ang galit na yun at marespeto pa rin siyang nakipag usap.

"Salamat po tito, alam ko pong mahirap para sa inyo to pero mahal ko po ang anak niyo. At sana dumating ang panahon na matanggap nyo kaming lubusan."vhong.

"Ako mismo ang mag uutos sa ama mo na bugbugin ka kapag nag hiwalay kayo." daddy. Bahagya na lang akong natawa at pinakyuhan ko si vhong sa harap ng tatay ko.

Bago kami umalis ng bahay, kinausap rin kami ng mommy at naging okay naman sa kaniya. Umuwi kami sa condo ko at hindi ko maiwasan na hindi sya yakapin nang mahigpit, finally nagkaroon na ako ng peace of mind. Malaya na kaming pareho, magagawa na namin ang bagay na katulad ng mag hawak kamay sa harap ng mga magulang namin.

"Happy ka?" tanong niya sa akin at tumango lang ako.

"Sobra. Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, mas importante sa akin na nakausap na natin ang mga magulang ko. At alam kong nakausap na rin ng tatay ko si tito. Mahalaga tanggap nila tayo, kahit hindi na ng ibang tao."

"Pwede na natin ipagmalaki ang isat isa." Vhong. Napangiti ako, oo nga, maipag sisigawan ko ng mahal na mahal ko sya.

Hindi na ako nakatiis at hinalikan ko sya sa labi.

"Mahal na mahal kita, vice"

"at mahal na mahal rin kita, vhong."




A/N:
Heto naa yung part two, mabilis na gawaan lang kaya pag pasensyahan nyo na, lalo na kung may di tugma na parts sa una. kayo na mag adjust. joke HAHAHAHAH.
* edited: okay, si Jackque yun at hindi si Kaye. Sorry. HAHAHAH

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon