Him

313 14 1
                                    

"Nakakapagod ang araw na to." Sabi niya sa akin habang nakatitig sya sa aking mga mata. Hinagis nya ang susi ng kotse sa mesa bago sya umupo sa sofa at ipatong ang dalawang paa sa mesa kung nasaan ang susi.

"Hindi ka ba masaya sa pa surprise ko sayo?" Tanong ko habang marahan kong binababa ang hawak kong bag at uuupo sa katapat nyang couch.

"Ano bang meron doon? Parang ikaw lang naman ang nag enjoy. Mostly mga kakilala mo ang nandoon, hindi para sakin ang paety na yun kundi para sayo. Para sa sarili mo"

Hinilamos ko ang aking mga kamay sa aking mukha habang naka titig sa kaniya. Bumuntong hininga ako at ngumiti sa kaniya.

"Hindi mo nga nagustuhan. I just made that para naman maramdaman ko na anniversary pala natin. May jowa pa pala ako . Ang laki ng pinag bago mo, hindi ikaw yung lalaking nakilala ko noon. "Malumanay kong saad sa kaniya.

"Ano pa bang gusto mo vice? Ano pa ba? "

"Bakit ba pinili kita? Bakit hindi na lang sya ?" sagot ko sa kaniyang sinabi.

Natahimik sya sa sinabi ko . Sunod sunod syang umiling sa akin at nilapitan ako parang nagmamakaawa.

"Wala naman akong ibang gusto kundi effort mo lang, hindi naman ako palagi humihiling sayo pero kahit minsan sana maisip mo na nag hihintay pa rin ako sa mga effort mo katulad noong nililigawan mo ko, noong mga oras na sinusuyo mo pa ako. Minsan ka na lang umuwi dito sa bahay hindi mo pa ako masabayan kumain . Mahirap ba yung hiling ko ? Mahirap ba yung gusto ko na yakapin mo naman ako kapag magkatabi tayo? Sobra sobra ba yong mga gusto ko?"

Pinakawalan ko ang isang butil ng luha na kanina pa nag gigilid sa aking mata.

"Kung sobra man yon, sorry. Hindi naman na yun mauulit. Kung ayaw mo ng mga ginagawa ko, I am sorry dahil hindi ko na ulit gagawin at para naman di ka na mairita diba? Pasensya na rin kung clingy ako sayo, gusto ko lang naman ng lambing pero hindi mo maibigay sa akin. Last na yun. Last na to. Pagod na rin ako e. Huling beses na pagdikit ko na to sayo."

Bumuntong hininga ako bago ko kalasin ang kaniyang pagkakayakap sa akin. Kinuha ko na ang bag ko at tumungo ako sa aming kwarto.

Ramdam ko na sumunod sya dahil sa pagbujas ng pinto subalit nanatili ako sa aking ginagawa, ang paglagay ng aking mga damit sa maleta.

"Vice, I am sorry. Another chance please?"

Nilingon ko sya kasabay ng aking pag iling.

"Another chance na naman ? Para saktan mo na naman ako? Para lokohin mo na naman ako ganoon ba yun ?Pangatlong beses na kung bibigyan pa ulit kita ng chance. Akala mo ba hindi ko alam , hindi lang ako nag sasabi sayo dahil nakikiramdam ako, nag hihintay ako na umamin ka sakin. Papatawain kita kung ganoon ang ginawa mo pero hindi eh. Ginagawa mo akong tanga."

Sinara ko na ang maleta ko at handa na akong umalis pero hinawakan nya ako sa braso.

'"Pasensya na kung hindi ako sya. Pasensya na kung pinilit kita na piliin ako kaysa sa kaniya. Sya naman talaga ang nauan diba ? Niligawan at pinaibig lang kita para mawala ang atensyon mo sa kaniya. "

Napapikit ako at nakita ko ang mukha ng taong mahal ko.

"And I am so stupid dahil nahulog ako sayo , sa mga pag suyo mo sa akin. Ang tanga ko dahil iniwan ko ang lalaking mahal na mahal ako. Walang ibang ginagawa kundi ipakita palagi at iparamdam na espesyal ako sa kaniya. Sana hinigitan mo na lang yon. Sana ginawa mo na lang ang lahat para hindi kita palaging nakukumpara sa kaniya. Oo, mahal ko pa sya hanggang ngayon. Yun yung kahit kailan hindi mo maiibigay sakin. Yung tunay na pagmamahal."

Hindi naman sana ganito kung maayos lang syang lalaki. Noong niligawan nya ako, may boyfriend ako .  And I choose him over my boyfriend, akala ko okay na . Akala ko magiging masaya ako sa kaniya. Nag sisisi ako dahil bakit iniwan ko ang boyfriend ko para lang sa kaniya, doon ko narealized na ang swerte ko pala talaga. 

Bakit nahulog ako sa lalaking dalawang beses ko na nakitang nagloloko? Walang effort sa akin, sa una lang pala magaling. Sa una lang sweet. Ang bilis naman nya magbago.

"Babalikan mo ba sya?" Ramdam ko yung lungkot na nakikita ko sa kaniyang mga mata. Takot syang mawala ako pero hindi naman sya gumagawa ng paraan para manatili ako.

"Mahal ko pa sya.  Mahal na mahal ko pa." Sagot ko .

One time, nag kita kami noong ex boyfriend ko. Kinumusta pa nya ako. Nakita nya yung sobrang mugto ng aking mga mata. Wala syang ibang sinabi kundi agad nya akong niyakap.

" Pag sinaktan ka nya, balik ka lang sakin. Handa pa rin kitang tanggapin."

Tumitig ako sa kanya at pinunasan nya pa ang kaing mga luha noong oras na yon.

"Hihintayin pa rin kita, vice"


Napapikit ako ng maalala ko yung mga salitang yon galing sa kaniya. Nilibot ko ang aking tingin sa buong kwarto bago sa lalaking sinasaktan ako.

"Patawad." paninimula nya.

"Kung sya nga ang tunay na nagpapasaya sayo, pinapalaya na kita."

Kitang kita ko yung pag agos ng luha nya, nandoon yung pag sisisi.











"Congrats sa inyong dalawa" napalingon ako kung sino ang nagsalita na yon.

"Ion..." saad ko.




Tumitig sya sa akin at ngumiti, bago nya ipat ang braso ni vhong.

"Alagaan mo yan ah? Pasensya na kung umeksena ako sa storya nyong dalawa." Ion.

Ngumiti sa kanya si vhong at kinamayan sya.

"Salamat brad. Makakahanap ka rin ng para sayo."











A/N:
O ayan, nakabawi bawi na ha.
Hi vi fans. Pahiram lang ng meme vice para sa story ng vhoice. mwah.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon