How Can I Tell Her

685 16 4
                                    

How can I tell her about you - Girl please tell me what to do - Everything seems right whenever I'm with you -So girl won't you tell me how to tell her about you...🎶🎵🎸

"Happy birthday mine." bungad ni vice pag pasok nya sa kwarto at niyakap ang isang lalaki.

Lumingon naman ito sa kaniya bago yumakap at sya namang pag halik niya rito sa labi.

"Good morning, kakadating mo lang? Hindi mo sinabi sakin na uuwi ka para masundo kita sa airport." sabi naman nito sa kaniya.

Umiling sya at niyakap ang lalaki.

"No need naman na mine, surprise ko sayo ang pag uwi ko from my two days trip from Italy, ayaw pa sana ni ate na umuwi ako pero pumayag naman sya." paliwanag ni vice dito habang hinahaplos ang pisngi ng lalaki.

Pinag mamasdan sya nito, mas lalo pa itong sumiksik sa kaniya at yumakap.

"Namiss kita." sambit nito sa kaniya.

"ano ka ba naman mine, for two days lang naman akong wala ah. Ikaw masyado ka ng attached saken, baka sa susunod nyan di na ko makaalis ng ako lang mag isa?" tumatawa nyang sabi dito at natawa na lang din ang isa.

"So saan ka mag ce-celebrate ng birthday mo?" tanong nya dito habang pinag lalaruan ang buhok nito na nasa bandang nape.

" sa bahay ako mag ce-celebrate ng birthday ko, kase mine.. dumating sya kagabi from California."sabi nito. Tumango sya at ngumiti.

"okay mine, enjoy your birthday celebration with your wife."nakangiti niyang sabi rito.

Well, hindi naman talaga sya ang nag ma-may ari at mas may karapatan sa lalaki. Isa lang naman syang other woman.

"Pwede ka naman sumama sa party. Isa pa, party ko yun, ako ang bahala sa sarili ko kung sino ang gusto kong lapitan o kausapin. Kaya pumunta ka mamaya sa bahay ha? Hihintayin kita, mine." nakangiti nitong sabi bago sya halikan sa labi.




"are you insane, sis?pupunta ka sa party nya habang nandoon ang legal wife nya?" It was Anne, ang kaibigan nya.

Tinaasan nya ito ng kilay bago tumikim ng wine.

"and so? Hindi naman nya alam kung sino ako sa buhay ni Vhong. And besides, wala akong pakealam kung nandoon pa siya. Hindi sya ang dahilan kung pupunta ako doon." matapang nyang sabi bago lumagok ulit ng alak.

"alam mo sis, hindi na ako agree sa mga decisions mo sa life mo. Nag mumukha ka ng desperada."Anne.

Nasaktan sya sa sinabi ni Anne pero binalewala nya na lang yun at nginitian nya.

"Wala naman akong ginagawang mali,. I know my limits Anne. I can be a professional sa harap ng asawa nya."Sagot niya dito.





Sa birthday celebration ni vhong, nakangiti syang nakatitig kay vhong habang marahan na pumapalakpak rito. Nag sasalita kase ito bilang pasasalamat sa pagdalo sa kaniyang kaarawan.

May isang babae naman na lumapit kay vhong at nag pasalamat rin sa mga bisita. Tumitig si vice kay vhong at ngumiti, nag thumbs up sya kay vhong sign na she's okay.

Pag baba ni vhong, akay nya ang babae at nag uusap ng pabulong. Tumango naman si vhong bago pumunta sa pwesto ni vice pero hindi pa rin inaalis ng babae ang pag kaka-angkla nya rito.

"Happy birthday vhong" bati ulit ni vice bago ibeso ito. Tumingin sya sa babae at ngitian niya ito.

"Hi, I'm Tanya, I'm his wife." pag papakilala nito at nilahad ang kamay sa kaniya para makipag shake hands.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon