The Promise

280 10 2
                                    

Bakit?

Yan ang una kong tanong noong sinabi mo ang mga katagang "mahal kita".

Ano ba ang nakita mo sa akin na wala sa kanila?

Maraming babaeng nagkakandarapa sayo,

maraming mga babaeng humahabol sayo,

Pero bakit? Bakit ako?

Sa una pa lang, alam ko na hanggang magkaibigan lang tayo.

Ni hindi ko nga nabigyan malisya ang pagiging maaalalahanin mo.

Ngunit, isang araw parang ginising ako ng tadhana na maramdam kong mahal mo ako.

Hanggang sa di ko namalayan, nahulog na pala ako.

Nag aalanganin pa ako noong una, baka kasi ma bokya lang ako.

Baka umiwas ka kapag nalaman mo na mahal kita.

Baka ikahiya mo ako.

Maraming what ifs sa utak ko.

Pero alam mo, lahat ng iyon nawala noong binigyan mo ako ng patunay na mahal mo ako.

Sino ba ako?

Ni hindi ko nga naranasan na ipagmalaki ng ibang tao.

Kung magkakarelasyon man ako, palagi lang patago.

Bawal malaman ng iba.

Para bang pinagkaitan na rin ako na maging masaya.

Pero noong dumating ka, nag iba.

Naranasan ko yung mga bagay na pinagkait sakin ng iba.

Naranasan ko ang mga bagay na kaya mong gawin at panindigan para sakin.

Oo nga at binabae ako.

Pero natutuwa at masaya ako na para bang tunay na babae ako sa paningin mo.

Kung paano moko ingatan mula sa ibang tao.

Kung paano mo ko ipagtanggol sa tuwing nasasaktan at nababastos ako.

Ang swerte ko sayo.

Ang tagal kong naghanap, malayo kasi ang tingin ko.

Ang tagal kong naghanap ng taong maiintindihan, papanindigan at mamahalin ako.

Kung saan saan pa ako tumingin.

Kung saan saan ako nakarating.

Pero yun pala, ang magpaparanas ng mga ganitong bagay na palagi kong inaasam?

Kasama ko na pala.

Nasa harapan ko lang pala.

Nandito ka lang pala.

Masyadong malayo ang tingin ko.

Hindi ko kaagad napansin ang isang katulad mo.

Sa'yo ko lang pala mararanasan ang lahat ng mga bagay na ito.

Salamat palagi sa pag iingat ng puso ko.

Hangga't nandito ako sa mundo,

Hangga't nabubuhay ako.

Pangako ko sayo,

Ikaw lang ang mamahalin ko.

At kahit na minsan may problema at di pagkakaunawaan,

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon