Dream About You

287 10 7
                                    

Since college, nakikita na kita sa school. Pareho pa tayong program noon. Yun nga lang mas ahead ako sayo ng isang taon. First year college ka at ako second year college na.

Ang ganda ng ngiti mo, lalo na kapag tumatawa ka. Nawawala ang mga mata mo sa tuwing tumatawa ka dahil naniningkit ka. Napansin ko rin noon na nagpapawis ang tungki ng ilong mo sa tuwing kinakabahan ka. Kung paano kumunot ang noo mo sa tuwing nagbabasa ka ng mga lectures mo sa may tambayan ng mga estudyante at pilit mo yun iniintindi.

Hindi naman kita iniistalk, pero siguro nga sa hindi sinasadya na kung nasaan ako ay nandoon ka rin. Agad na hinahanap ka ng mga mata ko. Para bang may sariling galaw ang katawan ko kahit na hindi idikta ng aking isip.

At hindi nga ako nagkakamali. Palagi kitang nakikita. Kaya paunti unti, nasisilayan kita. Natatandaan ko ang bawat reaksyon mo.

Minsan nga, nagkasabay tayo sa pag punta sa library. Parehong pang educ program ang kinuha nating libro. Hindi ko mapigilan ang bilis nang pag tibok ng puso ko.

Pakiramdam ko tuloy, naririnig mo ang tibok ng puso ko dahil sa lakas nito.

Tumingin ka sa akin noon at ngumiti ka.

"Kasali ka rin sa contest?" Ikaw pa ang unang nagtanong sa akin nung araw na yun.

"Oo, ikaw rin ba?" Sagot at tanong ko pabalik sayo. Hindi naman talaga ako sumali sa contest dahil wala akong hilig sa ganun. Pero napa- oo agad ako noong ikaw ang nag tanong. Parang nagpapalakas tuloy ako sayo, kahit na hindi mo alam na may lihim na pag tingin ako sayo.

"Yep. Ngayon lang ako nakahiram rin ng book since ang busy ko. Sa Friday pa naman ang contest and I think enough na ang two days para aralin ko at tapusin ang librong ito." Pagpapaliwanag mo sa akin. Halos mapa-nganga ako dahil paano mo aaralin ang halos isang dangkal ang kapal ng libro?

"Joke lang. " pagbabawi mo at sinabayan mong tawa. Siguro napansin mo na nabigla ako sa sinabi mo. "Kung ano lang mabasa ko, okay na yon." Habol mo pang paliwanag.

"See you sa contest?" Tanong mo sa akin at kinuha mo ang libro. Tanging tango ang naisagot ko sayo at "see you"

Hindi ko man lang nalaman ang pangalan mo.

Mukhang napa subok ako. Dalawang araw rin ako nag aral at nag review dahil sa contest na gaganapin sa school. Buong week may event kaya wala kaming klase nun. Pero need mo pa rin pumasok para sa attendance.

Contest day na, patalasan na ng isip. Parang quiz bee ang nangyari. Noong una, marami kaming magkakalaban. Pero paunti unti kaming nalagasan. Hindi ko nga alam kung paano ko napanatali ang sarili ko sa stage kung buong oras ko lang naman sya pinag mamasdan?

Hanggang sa kaming dalawa na lang naiwan sa stage. Grabe ang talino niya. Humanga ako sa kaniya lalo noong araw na yun.

Nag second place ako at sya ang nag first place. Doon ko nalaman ang pangalan niya.

Ella Marie Viceral. Si Vice.






"Huy. Grabe yang pagtitig mo sa magazine na yan." Nabalik ako sa ulirat nang dumaan sa gilid ko si Luis.

"Sino ba yang tinititigan mo?" Sumilip pa sya sa magazine na hawak ko at tinignan nya ang tinitignan ko kanina.

"Ah si Ella, kaya naman pala.." tumatango tango pa sya na para bang alam nya ang buong istorya ng buhay ko.

Marami na siyang napuntahan na bansa dahil sa pag momodel niya. Marami na rin siyang nagawang gowns niya. Hindi na rin pala talaga niya tinuloy ang pagiging educ student.

Napa buntong hininga ako. Binaba ko na ang magazine at hinarap ko na ang computer. Kailangan ko nang tapusin itong model ng bahay na pinapagawa sakin.

Yep. Nag shift ako ng course from educ to architecture. Hindi ko makita ang sarili ko na nagtuturo araw araw at nagtitimpi, hinahabaan ang pasensya sa mga estudyante.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon