Trapped With Him

322 22 3
                                    

Tinitigan ko si vhong habang nag luluto siya ng pagkain. Hapit na hapit sa katawan niya ang suot niyang t shirt. Hindi naman ganoon kalaki ang katawan nya, sakto lang, pwede na. Maganda ang kaniyang pag tindig.

"Good morning." Bati ko sa kaniya at agad siyang tumingin sa akin. Nakita ko na naka kunot noo sya na para bang ayaw niya akong makita pa.

Sabagay nga naman, pilit lang ang kasal na naganap sa aming dalawa. Kung bakit naman kasi pinakasal sya sa akin e bakla ako. At isa pa, hindi naman talags kami nag mamahalan. Ako lang naman ang may pagtingin sa kanya. Kumbaga pinakasalan nya lang ako dahil sunod sunuran sya sa kapatid niya at sa ama niya, siya ang ginawang dahilan para maisalba nila ang nalulugi nilang business at kompanya. Isa pa, marami pa silang utang na dapat bayaran sa mga ka-business partners at collaborarion nila.

Yung yaman ko ang ginamit nila para mabayaran nila ang kanilang mga utang.

Hindi ko alam na ganoon pala ang mangyayari.

Alam ni vhong noon kung gaano ko siya ka- gusto. Alam nyang may pag tingin ako sa kaniya. Hanggang tingin na lang nga ako noon, wala naman ako intensyon na pansinin niya. Nagulat na lang ako isang araw niligawan nya ako, sinagot ko rin sya after two months at after seven months nag propose sya sa akin. Ako, nahulog sa patibong na yun at nag oo agad ako.

Akala ko yun talaga ang intensyon nya. Yung yaman ko lang pala talaga.

Noong unang buwan bilang mag asawa kami, ang saya saya ko. Sweet sya sa akin. Maalaga, lahat ng katangian na gusto ko sa isang lalaki sa kaniya ko nahanap. Hanggang sa nalaman ko na lang, pag papanggap pala lahat ng yun.

"Ang aga naman nakasimangot ka. " sabi ko sa kaniya at tumayo ako para halikan sya sa labi niya. Tinulak naman nya ako at umupo na sya agad habang hindi man lang ako tinatapunan ng tingin.

Napahiya ako sa ginawa kong yun kaya napayuko na lamang ako habang kumakain.

"Pasensya na, nasanay lang ako." Saad ko at nagsimula na akong kumain.

Nasanay ako sa mga halik at yakap mo.

Sana pala tinuloy tuloy na lang niya ang pag papanggap kahit na nalaman ko ang totoo. Sanay naman akong mag bulag bulagan. Sanay naman akong magpaka manhid at gamitin.

"Yaman lang naman ang gusto nyo sa akin, nakuha nyo naman na yun. Hindi ko na yun babawiin, palayain mo na lang ako sa kasal na ito, Vhong." Tinititigan ko sya habang sinasabi ko ang mga yon.

"Kung ayaw mo akong makita sa pamamahay mo, palayain mo na lang ako. "

"Hindi ka makaka alis sa pamamahay na ito, Vice. Walang ibang makikinabang sayo kundi ako. Naiintindihan mo?" Hinawakan niya ang panga ko nang may kadiinan.

Sakto lang ang naiwan na yaman ng magulang ko para sa akin. Mabuti nga may natira pa kahit kaunti sa mana ko na iyon. Namatay kasi sila dahil sa plane crashed.


"Saan ka galing?" Tanong sa akin ni vhong pagkauwi ko sa bahay niya.

"Dyan lang sa may labas, lumabas lang ako saglit kasama si calvin" sabi ko sa kanya habang nag aalis ako ng sandals ko.

"Hindi ka na makikipag kita kay calvin," sabi niya sa akin habang nakatitig sya.

"Bakit hindi? Ano bang pakialam mo?"

"Kasal ka sa akin, vice."

"Ano naman kung kasal ako? Hindi mo naman ako mahal diba? Napilitan ka lang sa kasal nating dalawa. Anong pakialam mo kung humanap ako ng ibang tao na mamahalin ko?" Naghahalo ang inis at sakit na nararamdaman ko.

"Ang pangit tignan na kasal ka sa akin at naghahanap ka na ng iba." Vhong. Nakatitig sya sa akin habang sinasabi niya yun.

"Oo na, pangit na tignan, at pangit rin tignan kung kinulong nyo ko sa kasal na ito at hindi naman natin mahal ang isa't isa. Kayo lang naman itong nanggulo sa buhay ko, lalo ka na! Tahimik lang akong nagmamasid sayo at minamahal ka mula sa malayo, noong nalaman mo pumasok ka sa buhay ko para guluhin ako! " Iniwan ko na siya sa may salas ng kaniyang bahay at nagtuloy na ako sa kwarto.

Hindi na niya ako pinigilan na umalis ng bahay simula noong sabihin ko yon sa kaniya. Pero nahuhuli ko ang tingin niya madalas sa akin. O sadyang pinapaasa ko lang ang sarili ko.

"Good morning, kain tayo?" Bumungad sa harapan ko ang pares ng mata na nakatitig sa akin habang nakahiga pa lang ako at kamumulat ko lang.

Kunot noo akong tumingin sa kaniya at hinawi ko sya pero hindi nagpatinag. Sa halip mas nilapit pa niya ang mukha niya sa akin hanggang sa lumapat ang labi niya sa labi ko. Naramdaman ko na lang na pinagalaw niya ang labi niya habang hinahalikan ako nang marahan.

"Tara na mine, mag breakfast na tayo." Pinangko niya ako at lumabas kami ng kwarto. Anong nangyari sa lalaking to?

"Kung gusto mo ulit ng yaman ko sabihin mo na, hindi yung eto ka na naman sa patibong mo hanggang sa mahulog na naman ako." Saad ko sa kaniya at hindi ko ginalaw ang pagkain ko.

"Hindi na ito patibong, vice. I meant it this time. Hindi mo ba nahahalata? Kaya ayaw kong nakikipag kita ka kay Calvin dahil nag seselos ako."  Hinawakan niya ang panga ko but this time malumanay na iyon. Nagseselos sya?

"Ayokong nakikita kang ngumingiti at tumatawa dahil sa kaniya. Ako naman ang dahilan ng mga yun dati pa diba? Ibabalik ko lang kung sino ang unang naging dahilan nun. At ako yun. Hindi ako titigil hanggat di pa ulit nabubuo ang tiwala mo sa akin. Mahal naman talaga kita, nabulag lang ako sa kasamaan ng kuya ko, nalason lang niya ang utak ko."

"I'm sorry kung nasaktan kita noong mga nakaraan. Hindi na yun mauulit, pangako ko yan sayo. Gagawa ako ng bagong paraan para ako mismo magbalik ng yaman na pinamana sayo ng magulang mo. Just stay here with me, papatunayan ko na totoo ang pagmamahal ko sayo." Vhong. Lumapit pa sya sa akin at hinalikan niya ang kamay ko.

Araw araw inaasikaso niya ako. Pinagluluto ng mga pagkain. Nakakatanggap rin ako ng mga bulaklak galing sa kaniya. Pinupuri niya rin ako. Ganito sya noong unang beses na niligawan nya ako upang mahulog sa kaniya. Pero iba pala kapag mas pure at alam mo talaga ang intensyon nya.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ko dahil may pasa si vhong sa may gilid ng labi niya.

"Wala, sinapak lang ako ni kuya Jake dahil nalaman niyang ibabalik ko yung pera mo. Nahihiya na kasi ako sayo. Dinamay ka pa namin sa problema ng pamilya ko." Vhong. Hinawakan niya ang may sugat niyang labi, bahagya rin kasing pumutok iyon.

"Sabi ko naman sayo, hayaan mo na yung pera ko diba? Tignan mo, putok na yang labi mo at may pasa ka pa. Ang kulit mo. Teka gagamutin ko." Irita kong sabi at kumuha akong pang cold compress para sa pasa niya. Ginamot ko rin ang putok niyang labi.

"Mine, I love you." Nakatitig sya sa sinabi niyang iyon. Ngumiti rin siya kahit na alam kong may masakit pa sa mukha niya.

"Hulog na hulog na naman ako, vhong. Huling sugal ko na to sayo. Sana sa pagkakataong ito, panalo na ako."

Niyakap niya ako at dinampi niya ang labi niya sa akin, "panalong panalo rin naman ako sayo."

Tinugon ko ang halik niya at mas pinalalim pa yun, "I love you so much."

Kahit ilang beses ko sinabi na huwag na nya ibalik ang pera, ginawa pa rin niya. Humanap sya ng paraan para mabalik ang kinuha nila sa akin na 500M. Puro bugbog sya noon sa kuya nya pero hindi sya pumatol kahit anong sakit na naramdaman niya. Nawalan rin siya ng mana galing sa ama niya pero wala na rin siyang pakialam doon.

Umalis sya sa puder ng ama niya. Pero ako? Nanatili sa tabi niya. Sinamahan ko sya na bumangon muli at magsimula. Sa ngayon, may sarili na kaming business at bumuo ng pamilya. We have our own son. Humanap kami ng surrogate mother na pwedeng mag carry para sa baby naming dalawa.












A/N:
Nag ud ako kasi mag uud daw si RainbroJinx. So heto na! Please do vote and comment! Hope u like this os!

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon