Back Home

317 12 0
                                    

"Mineeeee!" Napatingin ako kay vhong na kararating lang. Maya maya pa, lumalapit na sya sa akin at niyakap ako.

Wala pa man syang sinasabi pero niyakap ko na rin sya agad pabalik.

"Promoted na ako sa trabaho ko!" Sabi niya sa akin na masaya. Bahagya pa syang pasayaw sayaw habang sinasabi niya yun sakin.

"Wow! Congrats, mahal!" Tumayo ako at niyakap ko sya nang mahigpit.

"Icelebrate natin yan" sabi ko at tumitig ako sa kanya. Kumalas na rin ako ng yakap at hinawakan ko sya sa kamay.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya pabalik.

"Sa labas tayo kakain, kasi napromote ka diba. Edi dapat icelebrate natin yan kasi achievement mo yan, ano ka ba." Paliwanag ko naman. Binuhat niya ako at dinala niya ako sa kwarto naming dalawa.

We're together for almost four years, at live in kaming pareho. Stable naman na ang mga trabaho naming dalawa. Sya sa isang kompanya nag tatrabaho. Isang wine company ang kanila at marami ng nag iinvest sa kanila.

Habang ako, isa akong writer sa isang kompanya. At masasabi ko na sikat na rin ang mga works ko. Mostly, sa akin ang best selling na books.

Nandito kami ngayon sa isang resto at nag didinner kami. Marami syang kwento sa nangyari ngayon sa mag hapon niya.

"CEO ka na, " pinang gigilan ko sya sa pisngi at hinalikan ko. "I'm proud. As always." Dugtong ko pa sa kaniya.

"Salamat, mine. Palagi mo lang tatandaan, lahat ng ito para sa ating dalawa, ha?" Vhong. Hinawakan niya ako sa pisngi at dinampi niya ang labi niya sa labi ko.




"Mine, busy ka?" Tanong niya sa akin bago lumapit. Sinilip rin niya yung ginagawa ko. Nag ta-type ako ngayon ng ilang chapters ng book ko. Mayroon na lang kasi akong two months para tapusin ito at deadline na.

"Medyo. Kailangan ko na kasing tapusin, mine e. Look oh, nasa chapter 9 pa lang ako. Hahahahah! Lagi kasing pag procrastinate ang ginagawa ko lately. Namemental block na rin ako." Nagpatuloy ako sa pagtitipa at naramdaman ko ang yakap niya mula sa likuran ko.

"Mm, may gusto ka no? Ano yon?" Nilingon ko sya at hinawakan ko amg ulo niya gamit ang isang kamay ko bago ko sya tignan.

"Aayain lang sana kita lumabas, ngayon lang kasi ako hindi busy. Ilang araw na kaya tayong walang time sa isa't isa."Vhong.

Tinignan ko sya pati ang laptop ko. Tumingin ako ulit sa kaniya, nakita ko sya na nadismaya. Natawa tuloy ako. Hindi pa man niya naririnig yung sagot ko e. Unti unti kong sinara yung laptop ko at ngumiti ako sa kaniya.

"Tara na. Hintayin mo ko, mabibihis lang ako ha. Tapos go na tayo." Nag smack ako sa kaniya at tumakbo na ako papunta sa kwarto namin.



Nandito kami ngayon sa tabing dagat. Malapit na mag gabi Nasa La Union kami. Nag leave lang kami ng three days para makapag enjoy kaming dalawa.

"Dali na, kantahin mo na. Tapos ako sa chorus." May dala kasi siyang ukelele. Nag iinom rin kami ngayon dito sa tabing dagat.

"...diggin' my face in these cold hands of mine
Heaven knows how embittered, I am..."Vhong

"Cause this angel has flown away from me
Leaving me in drunken misery
I should have clipped her wings
And made her mine
For all eternity"

Now this angel has flown away from me
I thought I had the strength to set her free
I did what I did
Because I lover her so
Will she ever find her way
Back home to me

Napatitig ako sa kaniya bago ako napangiti.

Basta ako, hindi ako mawawala sayo.









VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon