Indecent

792 12 6
                                    

"Lagi po ba siyang pumupunta dito?" tanong ng isang lalaki na naka tuxedo sa isang madre habang may tinitignan na isang babae.

"Oo, lagi siya dito. Lagi siyang nag dadala ng mga damit at pagkain sa mga bata. Yung mga dinadala niya, hinihingi niya sa mga taong may kaya sa buhay. Siya naman, nakikitulog lamang sa kaniyang tiyahin pero walang pakialam sa kaniya." sagot naman nito sa kaniya.

Pinaka titigan nya ang babaeng mahaba ang buhok, inaabutan nya ng pagkain ang mga bata habang naka ngiti ito.

Nang maupo ito sa isang mahabang umupan, nilapitan niya ito at makikipag kamay. Umiling ito at lumalayo sa kaniya, may takot rin ito sa mga mata.

"Ayoko! Ayoko sayo!" sumisik ito sa isang pader at nakatakip ang mga kamay sa kaniyang mukha.

"Ayaw mo bang makipag kaibigan sa akin? Mabait naman ako."sabi niya dito bago unti unting alisin ang nakatakip na kamay sa mukha nito.

Pinaka titigan sya nito at bigla na lamang ito umiyak ng mas matagal at mas malakas. Nag lingunan sa kanila ang mga bata maging ang mga madre.

"Anong nangyari kay Ella?" tanong ng isang madre sa kaniya.

"Bigla na lang hong umiyak, wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Ako na lang ho bahala." sagot niya dito. Inabutan nya ng tubig si ella pero tinabig lamang ito.

"Pag pasensyahan mo na si Ella, hindi angkop ang pag iisip niya sa kaniyang edad. Biktima pa siya ng pang gagahasa noong labing apat na gulang pa lamang siya, tatlong taon na ang nakakalipas.. kaya ayaw niyang lumapit sa mga lalaki, lalo na sa hindi niya kakilala."

Umalis siya ng simbahan na yon at umuwi sa bahay niya. Hinanap nya ang isang picture, at nang makita niya ito napamura na lamang siya.

May tumawag sa kaniya na isang lalaki, sinagot niya ito habang nang gagalaiti sa galit.

"Nakita mo na ba ang pinapahanap ko sayo na babae?"

"Tangina! Paano mo nagagawa ito sa sarili mong anak?!" sigaw niya dito.

Ang lalaking ito ay ang tatay ni Ella. Inutusan nya si Ferdinand na gahasain ang kaniyang anak sa edad na labing apat na taon. Alam niyang hindi angkop ang pag iisip ng kaniyang anak sa edad nito.

Wala siyang magawa noon kundi ang sumunod dito, dahil kung hindi kapalit nito ang kaniyang buhay.

Nagkaroon kasi siya ng utang dito na limang milyong piso na ginamit niya pang paopera sa puso ng kaniyang ina. Ngunit, hindi pa man nakakaraos, nagkaroon naman ng sakit ang kaniyang ama sa atay at kailangan na naman itong operahan.

Binigyan siya nito ng limang buwan na palugit upang mag bayad ngunit wala siyang makukuhang pera na ganoon kalaki. Sinabi nito na kapag hindi pa siya nakapag bayad sa loob ng limang buwan ay papatayin siya.

Napilitan siyang sumali sa grupo nito at gawin ang lahat ng pinag uutos, huwag lamang siyang masaktan. Biglang kapalit ng pambayad nya sa limang milyong piso.

"kapag napatay mo na ang anak kong walang kwenta, kuhanin mo ang mga lamang loob niya at ibenta mo. Magagamit mo yon pambayad sa pagkakautang mo sa akin."

Pinatay na nya ang tawag at nag pahinga na. Hahanapin pa niya ang bahay ni Ella bukas.

Kinabukasan, pumunta ulit siya sa simbahan at hinintay si Ella. Dumating naman ito ay may dala itong mga damit.

Tinignan nya ang hawak niyang tatlong pulang lobo at isang plastic na mga candies, pati na rin ang hawak niyang cotton candy. Bumaling siya ng tingin kay Ella at nilapitan niya ito.

"Hi ella" bati niya dito. Lumingon ito sa kaniya at ng makilala siya nito ay akmang tatakbo pero pinigilan niya.

"huwag kang matakot sakin, ella. Mabait ako. Heto oh, para sayo to." inabot niya ang cotton candy at pati na rin ang isang plastic na candies. Ang mga lobo naman ay tinali niya sa kamay nito para hindi lumipad.

VHOICE COLLECTION || One Shots Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon