Childhood Bestfriend
Days goes by and I noticed that I'm somehow weird. I do things that I usually don't do before like studying, reading lectures, asking questions to Derrick regarding the assignments, and being behave. What had gotten in me that I suddenly don't want to cause trouble?
Lucy:
Where are you?Ako:
House, why?Lucy:
We're here in the mall. Come here. May ibabalita ako sa iyo.I tsked but I called Lucy to know what is it. Curious din ako pero ayokong lumabas ng bahay ng ganitong oras. Ayoko lang dahil sobrang init.
"Hello?" Sagot niya.
"What is it?"
She laughed. "Sabi na! Curious ka no? Just come here! Matutuwa ka sa makikita mo."
"Pag hindi? Sasapukin kita." I rolled my eyes. Umakyat ako patungo sa kwarto ko dahil nasa pool area ako, nagbabasa ng libro.
"Sige! Pag natuwa ka, dapat ilibre mo ako."
Itong babaeng ito napakahilig sa libre. Yaman na yaman gusto pa magpalibre.
"Deal."
Umakyat na ako sa kwarto para mag-ayos nang tumunog ang phone ko.
Derrick Knight calling...
Oh? Ano namang sasabihin niya ngayon?
"Yes?" Bungad ko.
"Let's meet tomorrow. Here in the house." Huh? Why?
I make my way towards my walk-in closet to choose clothes. "Why would we meet?"
He sighed. "I thought we'll gonna study? You want me to teach you right? Or not?"
Oo nga pala. Nakalimutan ko. I chatted with him earlier about it. I just thought he wouldn't agree so I have a back up plan. Saka hindi ko alam kung ako ang pupunta sa house niya o siya nalang ang pupunta dito. But since he called, then it's a success.
"Of course! Pupunta ako sa house niyo bukas." I said smiling so wide.
And yes. This is not all about study, the main point here is to get Derrick. I'm gonna make him love me. Hindi pwedeng ako lang ang makakaramdam nito.
"Alright."
Matapos ang tawag na yun ay ginawa ko na ang paghahanda. Ten minutes lang akong naligo, mas mabilis sa madalas kong ligo. Now, I'm wearing a white off shoulder dress and boots. Bago bumaba ay tiningnan ko pa ang isang message mula kay Lucy.
Lucy:
Bilis!Tss. Demanding!
"Manang, aalis po ako. Pupuntahan ko si Lucy."
Tumigil si Manang sa ginagawa at lumapit sakin. "Sige. Mag-iingat ka. Agahan mo ang uwi, Cary dahil uuwi ang magulang at kuya mo. May dinner daw kayo."
Aba, nagbago ang ihip ng hangin. Anong nakain ng magulang ko at may balak umuwi?
Tumango nalang ako kay Manang at tinahak na ang daan patungo sa kotse ko. Iniikot ko ang kotse patungo sa kabila, yung daan na hindi naman dapat daanan dahil sa kabila ang daanan palabas ng subdivision. Tiningnan ko ang malaking bahay nina Derrick pero hindi ko siya nakita. Napailing nalang ako sa sarili ko.
Baliw ka Cary!
Wala pang kalahating oras ay nakarating na ako sa Mall. Tinawagan ko si Lucy para malaman kung nasaang parte sila at nasa restaurant daw sila. Habang naglalakad, lumilingon sa akin ang mga lalaki pero hindi ko na sila pinansin. Anyway, sanay na ako na pinagtitinginan. Kahit alam nilang demonyita ako, may ilan pa ring naglalakas loob na manligaw.
YOU ARE READING
Surrender to You
AcakCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...