Come back
Hindi ko alam na makakaramdam ako ng damdaming sobra sobra ang epekto sa buong pagkatao ko. Buong buhay ko, punung-puno ako ng galit sa maraming tao. Ang inggit, ang iritasyon, at ang poot ay hindi ko kontrolado. Lalong galit ako sa sarili ko dahil nagpakain ako doon sa loob ng ilang tao. Galit ako na ang hina ko dahil wala akong lakas na lumaban. Galit ako dahil babae ako na may limitasyon ang lakas. Galit ako na hindi ako nailigtas ng magulang sa sakit na mananatili sa pagkatao ko. Galit ako na walang nakakakita sa sigaw ng aking mata. Ang nakikita lang nila ay si Caroline na mayaman, brat, matigas ang ulo, at basagulera. Nakakainis na namuhay ako ng ganun sa matagal na panahon. Ang dilim na yun ang kumain sa katawan ko at tinatanggihan ko ang liwanag dahil ang kadiliman ang nakasanayan ko.
But because of this so-called love. I was able to face everything uprightly. I can say that a new Caroline was born. Because of one man, I am who I am right now.
I just hope this lasts. Or it's just what I hope.
Natapos ang summer nang ganun lang kabilis. Parang kahapon lang nang magsimula ang summer. Halos gustuhin kong kasama si Derrick pati na rin ang mga kaibigan ko araw-araw. Kung saan saan pa kami nagpunta at hindi ang Batangas ang huli. Lionel was firm to be with us whenever we planned to go out. Be it in a bar, beach, camping, or hiking.
Panay rin ang sama ni Cole at Sai na animo'y walang pinagkakaabalahan sa buhay. Wala rin namang problema sa mga babae dahil panatag na ang loob ng lahat sa isa't isa. Si Kath ay madalas ko ring isama at natutuwa ako kapag nakikita kong masaya siya. Napalapit na rin siya sa iba kaya lagi na kaming apat na babae na magkakasama.
Habang lumalapit ang pasukan ay laging mainit ang ulo ko. Nasa Vigan ang pamilya ni Derrick ilang linggo na para bisitahin ang ilang relatives lalo na ang kanilang lola. Dalawang araw bago magpasukan bago sila bumalik kaya puro video call at text lang kaming dalawa. Minsan ay kumikirot ang puso ko kapag hindi kami nagkakausap sa loob ng isang araw. Nagte-text siya para i-update ako pero hindi sapat sakin na hindi kami nagkakausap. Mas nasasaktan pa ako dahil hindi na ulit kami makakapag date pag nagpasukan na dahil magkaiba kami ng school. Pinilit ko na lamang intindihin dahil wala kaming patutunguhan kung magiging immature ako.
Ako:
Baby, date? May pasok na bukas.
Maaga pa nang magtext ako at tanghali na siya nakapagreply. Nakauwi na sila kahapon. Wala na ulit dito ang Dad niya at nagbalik na sa France. Hindi niya ako naipakilala dahil na rin laging hindi nagtutugma ang oras. Minsan ay wala ako pero madalas na wala ang Dad niya dahil sa company, ang Hunter Empire.
Derrick:
Baby, I can't. I'm sorry...
Ngumuso ako at pilit na ngumiti kahit na may gumuho sa loob ko.
Matamlay ako sa buong araw na yun at dala-dala ko hanggang kinabukasan. Kahit nagtatampo kay Derrick ay hindi ko na pinalaki pa yun. Kasama si Jazzi, Lucy, at Kath ay pumasok kami sa building namin. Kaklase ko si Jazzi at Lucy habang si Kath naman ay sa kabilang building ang room. Maaga pa at nahanap na niya ang room niya kaya sumasama pa muna siya samin.
"So, anyare sayo? Walang gana?"
I sneered. "This is my usual mood."
Umiling si Lucy. Sumulyap sakin at muling bumaling sa corridor. "Sinong niloloko mo? Miss mo na 'no? Edi puntahan mo mamaya! Naku!"
I shooked my head. "Nah."
Ayokong maging possessive. Ayokong maging clingy. Pakiramdam ko 'pag sumobra ako sa paghingi ng atensyon niya ay magsawa siya. I'm good with his texts. As long as he's updating me, that's enough. Besides, Derrick makes time for me.
YOU ARE READING
Surrender to You
RandomCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...