Kabanata 11

1 0 0
                                    

Spend

"Come on Cary! Sumama ka na."

I rolled my eyes and shooked my head but it only make her persistent. "Ayoko nga."

"Hmmm, what is it, huh?" Lumapit siya sa mukha ko at tinitigan ako. Agad akong umiwas sa mapanuri niyang mata. "You're not like this before. What is the sudden change of mood? Ikaw pa nga ang madalas na magyaya tapos ngayon nagpapapilit ka na? Don't tell me may tinataguan ka?"

"Tinataguan?" Ngumiwi ako. "Ano ako? Criminal?"

"Ay sus! Di lang kriminal ang nagtatago!"

Itinulak ko na siya palabas ng kwarto ko dahil wala talaga akong balak sumama. Tinatamad ako. Masama bang tamarin? Porke't laging present sa bar ay di na pwedeng mag absent? Besides, wala rin namang magandang gawin dun. Mas may contribution pa ako sa bar na yun kaysa sa school ko.

Sinara ko na ang pinto pero sumigaw pa ang loka. "Ayaw mo talaga? Di nga? Peksman? Mamatay man?"

"Aish corny mo! Di nga ako sasama!"

Jazzi knocked my door. "Di ka rin daw napasok sabi ni Manang? Bakit? Pumasok ka hoy! Makinig ka sakin huh! Nanay mo ako!"

I chuckled. Daldal talaga nito. "Oo na! Papasok ako!"

Naglakad na ako patungo sa kama at pabalibag na nahiga. I closed my eyes, ready to sleep again. "Kailan?" Di pa rin pala naalis si bruha.

"Sa isang linggo!"

"Tanga! Pumasok ka bukas! Pupunta ako dito at ihahatid kita sa school mo!"

Hindi na ako nagsalita. Ikinalma ko ang buong katawan ko at inalis ang tensyon upang makatulog ng matiwasay.

"I'm here. I'll stay with you."

Ay bwisit! Hanggang sa pagpapahinga ba naman ay maririnig ko pa rin yun?

May tatlong araw na akong hindi pumapasok. Ayoko lang. Ayokong makita sa Derrick. Nahihiya ako sa kaniya sa nakita niya sakin nung gabi ng parusa ko. Hindi rin ako napunta sa bar o nalabas ng bahay dahil sigurado akong magtatagpo ang mga landas namin.

Isa pa pala yung community service ko. Isang beses palang akong nakakapaglinis. By the way, I shouldn't think of that for now. I should think of it once I already attended my class.

That night, when I cried in fear in the middle of the darkness. I felt safe when I recognize the person in front of me. I don't know why and how but I felt comfortable yet uncomfortable. Ang gulo!

"A-are you okay?" He asked.

I bit my lower lip. Yumuko ako at siguro'y namumula na sa hiya. May ilaw na at sabi'y inayos lang ang linya ng kuryente ng paaralan. Gabi talaga iyon isinasagawa. Nagkataon lamang na inabutan kami.

"Ahh yeah. Thank you."

"So you really are afraid-" I cut him off.

"Don't mention it. And don't mention it to anyone."

Dali-dali na akong lumakad palabas. Tutal tapos na ako dito, mas mabuti pang umalis na. Mahirap na kung aabutan na naman ng blackout. Baka mahimatay na talaga ako! Sabagay, mas mabuti pang mahimatay nalang kaysa makita ako ni Derrick sa ganoong sitwasyon at pagkakataon. Nakakahiya na ang matapang na si Caroline Standford ay nanginginig sa takot sa dilim.

"Wait! May naiwan ka!"

I looked back to see what he is referring to. Ipinakita niya ang gold kong bracelet. Walang pag-aalinlangan ko naman iyong kinuha!

Surrender to YouWhere stories live. Discover now