Meet his Mom
Mabilis akong nagpatakbo ng sasakyan. Madilim na at marami pang tao. Mahabang lakarin ang park na yun kaya kinakabahan ako kung maabutan ko ba si Tita Pau sa tamang oras. Paano kung may mangyari? No! Syempre, hindi pwede, Cary.
Napalingon ako sa cellphone ko na nag-iingay. Simula nang ibaba ko ang tawag ni Derrick ay hindi na siya tumigil kakatawag. Hindi ko na sinagot at itinabi ang sasakyan sa madilim na parte ng park. Mabilis akong naglakad at luminga.
Saan? Nasaan ka, Tita?
Huminga ako ng malalim. Sa parteng ito ay walang tao. Naglakad ako ng paunti-unti at pinakiramdaman ang paligid. Wala talaga akong marinig na away. Ang tahimik. At yun ang mas nagpapabagabag sakin.
Tumigil ako. Lumingon ako sa kaliwa at nakitang may isang babae ang nakatungong naglalakad. Tama, magtatanong nalang ako. Hinarang ko ang babae. Napatigil siya at nanlaki ang mata. Kumunot ang noo ko sa nakitang takot sa mata niya.
"Hi, may itatanong sana ako." Ngumiti ako para makampante siya. Nakakatakot ba ako? Tiningnan ko ang itim kong bistida na hapit sa katawan ko. Wala namang nakakatakot sa itsura ko eh.
Lumunok siya. "A-Ano po yun, miss?"
"May... hinahanap kasi ako. Babaeng maganda. Basta maganda siya at mahilig kasi siyang makipag-away. Tita ko yun. Baka may nakita kang gulong nangyari? O nangyayari ngayon? Kailangan niya ng rescue." Napakamot pa ako sa buhok ko. Paniniwalaan ba naman ako sa sinabi ko?
Kinagat niya ang labi niya. Nagulat ako nang hinatak ako ng nanginginig niyang kamay. Kahit naguguluhan ay sumama ako. Tumigil kami sa likod ng isang puno.
"A-Ah. M-Miss. H-Hindi ko alam kung... yung nakita ko yung hinahanap mong babae pero... k-kailangan niya ng tulong."
Napaawang ang labi ko. Hindi na maintindihan ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Sabi niya hindi siya sigurado kung yun ang hinahanap ko pero ang isiping may nangyari ngang masama ay nagdala ng lamig sa kabuuan ko. "Saan? Sabihin mo kung saan!"
Sumenyas siya na tumahimik ako dahil sa pagtaas ko ng boses. "D-Doon. Sa dilim na yun. May ilang lalaki doon na may hawak na babae. W-Wala siyang laban. Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung paano. Sige na, tulungan mo siya."
Tumango ako. "Sige na, umalis ka na." Tinulak ko pa siya ng mahina paalis.
Tiningnan ko ang paa ko. Ayos, naka ankle boots ako. Mahirap sumabak kung stiletto ang suot. Dahan dahan akong naglakad pero sa gilid lamang ako malapit na malapit sa mga puno. Mas madilim sa dulong parte at kung duwag ako ay iisipin kong may multo doon.
Habang palapit ay may naririnig na ako. Nagbubulungan lamang sila. Haysss.
"Nasaan ang pera? Bumalik ka na sa pamilya mo hindi ba? Wala pa rin?"
Tumigil ako at pinakiramdaman sila. May nakatalikod na mga lalaki akong natanaw. Matikas ang isa o dalawa pero ang iba ay payat na. Lima sila habang ang babae siguro ay nasa harap nila. Puro likod lang ng lalaki ang natatanaw ko sa pwestong ito.
"Wala akong ibibigay na pera sa inyo." Sagot ng pamilyar na boses. Confirmed.
Nakarinig ako ng lagitik. Mukhang sinampal siya ng isang lalaki. "Tawagan mo ang asawa mo ngayon."
She laughed a bit. "Sino ka para sabihin sakin yan? Bugbugin niyo na ako pero wala kang makukuhang pera." Panibagong sampal ang narinig ko.
"Tayo!"
Kanina pa ba siya sinasampal ng mga yan?
"Hindi mo kami bibigyan ng pera? Ang tigas mo."
"Wala akong atraso sayo. Tigilan niyo ang ginagawa niyo. Kung hindi-"
YOU ARE READING
Surrender to You
РазноеCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...