Kabanata 27

0 0 0
                                    

Eagle

Naglalakad na kami pero ang mata ko ay nanatili sa kaniya. Nakangisi lang ang mokong at hawak ang baywang ko dahil hindi ako nakatingin sa daan. Itinusok ko ang index finger ko sa pisngi niya, inaalam kong totoong nandito talaga siya.

He licked his lips and smirked more. "I'm real, Caroline. Tumingin ka sa daan at baka madapa ka."

I swallowed. He's really real. How? He's busy helping in their company! Paanong nandito siya ngayon?

Napalingon ako sa paligid at ang mga babae na nadadaanan namin ay hinahabol pa kami ng tingin. O sabihin na nating itong kasama ko lang.

Mabilis akong lumingon sa kaniya nang may maalala. "I told you, this is girls' vacation. The two witch wouldn't accept that my boyfriend is here!"

"I'm also on vacation. I have company."

I raised my brows. "Who? Don't tell me-" Pinutol niya ako.

"Uh-huh. I kept your friends busy by giving them their own company."

I rolled my eyes and walk towards the pool area. I'm sure as hell they are there. At tama ako, nasa tubig si Jazzi at Lucy pero hindi sila magkasama. Jazzi is talking to Cole and Lucy is with Sai in the far corner.

Naglakad ako patungo sa puwesto nila Jazzi. Idinawdaw ko ang kamay ko at binasa ang dalawa. Pareho silang nagulat at agad lumingon sakin. Jazzi smiled and get out of the pool.

"Hoy Lucy! Let's go! Narito na ang prinsesa!" Humawak siya sa braso ko pero dahil basa siya ay lumayo agad ako. "Arte nito! Tara na! Jet ski is now available."

I scoffed. "Saya natin ah." I said with full of sarcasm.

Lumapit siya para bumulong. "Derrick is wise. Alam niya na kung pupunta siya dito nang mag-isa para sayo, magagalit kami. Pero nagsama siya ng mga kaibigan para hindi namin kayo mapansin. Hmmm right. Kaysa maghanap kami ng lalaki, we can settle with good friends of him. Hindi na masama." Humalakhak siya at muling tinawag si Lucy.

Ilang saglit pa, nakasakay na kami sa jet ski. Jazzi is sitting behind Cole and Lucy is sitting behind Sai. Ngunit kaiba sa kanila, ako ang driver at si Derrick ang angkas ko. Nagtalo pa kaming dalawa kanina.

"Caroline, ako na."

I shooked my head. "Ako na. Kung ayaw mo, maghiwalay tayong dalawa. Dyan ka at kukuha ako ng akin. I will drive."

"You will be the death of me, woman."

At sa huli? Ako pa rin ang nanalo!

"Ano? Paunahan tayo? Cary? Sai?" Ani Cole.

"Call. Cary?" Sai looked at me, waiting for my answer.

"If something happens, I will be the driver. No buts." Derrick whispered.

Nagkibit balikat ako. "Call!"

Napag-usapan na mula sa dalampasigan ay iikutan namin ang malayong red flag ng tatlong beses. Kaya tatlong beses kaming babalik sa dalampasigan at muling iikot sa flag. Ang unang makabalik ay ang panalo. Ang huling dalawa naman ang magbabayad sa magiging rent namin ng bangka mamaya pati na rin ang pagkain sa lunch at dinner.

Though, it didn't seems like a punishment. Mayayaman ang mga taong ito at barya lang ang gastos na ganun.

Sabay-sabay umandar ang sinasakyan namin. Nangibabaw ang sigaw ni Jazzi at Lucy dahil na rin sa bilis ng pagtakbo ng jet ski. Derrick boredly held on my waist. Sinalubong namin ang hangin. Derrick hold my hair because it keeps on hitting his face.

I can't help but smile. The happiness in me is flowing with this simple moment. With the waves, the sun, and the harsh wind around us witnessing the smile on my face that doesn't often show. Right at that moment, I wish that time will stop. I want to keep this forever. With the man, I swear will forever love and with my friends, I can say I'm the happiest woman alive.

Surrender to YouWhere stories live. Discover now