Kabanata 9

1 0 0
                                    

Let me

Hindi ko gustong sumama sa kaniya at hawakan niya pero kaysa naman magpahawak ako sa hindi ko kilala, tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad sa kamay ko. Dahan-dahan niya akong itinayo. Napakapit ako ng mahigpit sa braso niya nang muli kong maramdaman ang kirot ng pasa ko sa likod.

"Alright, can you walk?"

I nodded. Iniikot niya ang kamay niya sa balikat ko habang hawak pa rin ang isa. Para naman akong nakukuryente sa pagkakadikit niya sakin.

Bakit ba ako kinakabahan? Sino ba siya? Si Derrick lang naman siya ah! May espesyal ba sa taong yan?

"Wait, nilalagnat ka ba? Bakit ang init mo?"

I scoffed. "It's because I'm hot."

"Tss."

Tahimik ang buong klase at ramdam ko ang maraming mata na nakasunod sa amin habang lumalabas kami ng classroom. Hindi ko iyon pinansin at itinuon ang atensyon sa paglalakad nang hindi nararamdaman ang sakit sa likod ko. But I guess it's impossible that I was shove down to the ground by the Flores girl. I was planning to get back at her but I didn't expect that today, she'll do it herself.

Tapang lang! Ako dapat ang gumawa nun sa ginawa niyang paniniko!

I sighed. "Pagod na ako. Huwag mo nalang akong dalhin sa clinic."

"No. Dadalhin kita doon para malagyan ng gamot ang likod mo."

I stopped walking. "Tingin mo hindi ko ginamot ang sarili ko kahapon?"

Mabilis siyang sumagot, "hindi."

My mouth formed an 'O'. "Marunong ka pa sakin."

"Maybe yes. But I'm sure that you didn't put an ointment to that. What did you do then? Put an ice? Come on, your back is in bad condition. It's the reason of your fever right now so just walk and we will reach our destination."

Destination? Ano yun? Travel?

Muli akong lumakad pero mas mabagal pa kaysa kanina. I'm controlling my breathing so it will help me lessen the pain. Napapadiin din ang hawak ko kapag kumikirot ang likod ko. Di kaya may sugat iyon? Hindi ko kasi siya tiningnan sa salamin sa takot na mandiri ako sa sarili kong likod.

Sa malayo pa lang ay natatanaw ko na ang taong makakasalubong namin. Nakatingin siya kamay ko at kamay ni Derrick. 

Tumigil siya sa harap namin at kay Derrick tumingin. "President, may mga babae sa Office. Ikaw na ba o ako ang kakausap?"

"Just be with them for now. I'll bring Caroline first in the clinic and I'll go there."

She smiled. "S-sige Derrick!"

Haysss. Come on! Hindi ba talaga nakikita ni Derrick na may gusto iyong Secretary niya sa kaniya? O baka alam niya at nagkukunwari siyang walang alam? For what? To stop her heart from hurting?

Or because he has a girlfriend?

Tumuloy kami ng paglakad hanggang sa marating namin ang clinic. Si Derrick ang nagbukas at wala doong tao. Bukas ang ilaw at maayos na nakasalansan ang mga gamit. Dahan-dahan kaming pumasok at iniupo niya ako sa higaan.

"Stay here for a while, I'll look for the doctor or the nurse."

I sighed. "Baka wala naman talaga sila ngayon. Ikuha mo nalang ako ng ointment at ako nang bahala sa sarili ko."

Tinitigan niya ako. Tila iniisip kung susundin niya ang suhestiyon ko. Pagkaraan ng ilang segundo, pumunta rin siya sa may cabinet. Ako naman ay unti-unting dumapa sa kama dahil hindi ko pa kayang mahiga ng maayos lalo na at tumama ako sa sahig.

Surrender to YouWhere stories live. Discover now