Camp II
Isang malawak na parte ng kagubatan ang aming pinuntahan at ang nakakamangha pa sa nakikita ko, open field iyon at may naka set up na table and chairs. Naka puwesto na ang lahat at kumakain. Kahit na maingay sila, hindi iyon masakit sa tenga dahil nasa open area kami.
"Hoy!"
Napabilis ako ng lakad nang mapansin na naiiwan na pala ako. Masyado akong namangha sa lugar na ito.
What more do I expect? This school can do anything through money.
"Magandang hapon sa'yo, Magandang Binibini!"
"Maganda ka pa sa kahit kanino rito, Cary."
Hindi ko mapigilang hindi ngumiti sa bati ni Cole at Sai. No wonder maraming babae ang nahuhumaling sa dalawang ito. Alam na alam nila ang kiliti ng mga babae. Kahit ang konting pagtaas ng labi nila ay pag-aawayan ng lahat.
Haysss.
Nagsimula na akong kumain at nakaramdam ng kaunting pressure nang makita na kalahati ng mga tao sa parteng ito ay nagtatayuan na. Papunta sila sa direksyon ng platform. I guess the seminar will finally begin.
"Tss. Ayoko dun."
"Yun na nga pre! Kj ka na ngayon?"
Habang nagmamadali akong kumain, itong dalawang ito ay kanina pa nagbubulungan. They are talking about dares. And the dare is all about women. These assholes! Sarap suntukin sa ngala-ngala.
Para silang si Jazzi at Lucy! Nagpupustahan din yung dalawang iyon.
"Just eat."
Alam ko na kung sino ang nagsalita. Hindi ako lumingon sa kaniya pero binilisan ko ang pagsubo at pagnguya. Nakakahiya naman sa President na nandito pa kahit alam kong kailangan na siya doon. Ako ba ang inaantay niya? O itong dalawang hindi pa rin tapos sa bulungan?
"I'm done." I declared. Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin iyon ay sabay sabay silang tatlo na tumayo. Nagtataka pa akong tumingin kay Derrick na may nagtatanong na mata pero tumalikod na siya.
"Tara na, Cary." Yaya ni Cole.
Kahit naguguluhan ay sumunod ako sa tatlo. Akala ko, itong dalawa ang hinihintay dahil puro kwentuhan sila. Pero ngayong naglalakad na kami ay yun pa rin ang topic nila. Seriously?
So ako talaga ang hinihintay nila?
Ilang minuto nga ay nakabalik kami. Nakaupo na ang halos lahat sa lupa. Take note, not directly on the soil, may dala pa silang foam na upuan nila ngayon. Mga babae lang naman. Ang mga lalaki ay prenteng nakaupo sa bato.
Hinding hindi maipagkakaila na nabubuhay sa marangya ang halos lahat ng babae rito. Hindi kaartehan kung mauupo sa lupa. Kung madumihan man sila, hindi rin naman sila ang naglalaba ng mga damit nila. Hanga pa nga ako kay Kath at ilang kasamahan niyang scholar na nakaupo ngayon sa lupa. Wala lang sa kanila kung madumihan sila at masaya pang nagkukuwentuhan.
"Good day Students! Are you ready for this today's activity?"
"Yes!" Sabay sabay na sigaw ng mga excited kong batchmates.
"Alright! Let's start this with a getting to know each other activity. Find a partner. Someone who you really want to know in a whole. Again, someone you really want to know for real. I'll give you one minute to think and then you can now go to that person!"
Someone I really want to know? Everything about that person?
Nag-iisip pa ako ng taong papasok sa criteria na yun nang may humigpit sakin papihit sa kaniya. Sinalubong ako ng magandang mata. Hindi ko na kailangang magtanong dahil alam ko na.
YOU ARE READING
Surrender to You
RandomCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...