Kabanata 15

0 0 0
                                    

Camp I

Excited ang lahat dahil ito ang pinakahihintay nilang araw. Kaniya kaniya silang dala ng mga bagay na magagamit nila sa pagsasaya. Ang ilan ay nakamaleta pa at mayroon namang nasa tatlo o apat na bag ang dala. Kitang kita ang saya sa mukha nila. Kumpol kumpol ang bawat estudyante habang hinihintay ang bus na maghahatid sa lugar na paroroonan.

Sa hindi kalayuan ay makikita ang mga estudyante na naka uniform.

STUDENT COUNCIL

Sila ang punong abala bukod sa mga guro. May tumatakbo, mayroong kausap ang kapwa estudyante, may nakaharap sa papel, at may ilan na kausap ang mga guro.

At sa gitna ng mga nagsisiyahang tao ay ako lamang ang nakasimangot.

Hindi naman sa hindi ako masaya. Pansin ko lang na ako ang nag-iisang estudyante na walang kaibigan o kasama. Anyway, I can enjoy the three day camping alone.

Dumating ang tatlong bus at nag-akyatan ang mga estudyante sa assigned bus nila. Susunod na sana ako sa pagpasok ngunit napatigil ako sa lalaking tumigil sa harap ko.

"Sakin ka sasama."

Hindi ko napigilang ngumiti. Tumatalon ang puso ko sa tuwa na mayroong nais akong makasama. "Talaga? Sigurado ka?"

Tumalikod siya at masaya akong sumunod sa kaniya patungo sa huling bus. Sa pagpasok ko ay mga hindi ko kilalang tao ang naroon. Nakita ko naman si Guen at yung babaeng humarang sakin last time sa office. Tinaasan nila ako ng kilay na tinugunan ko lang ng ngisi.

Huh. Mainggit kayo.

"Sit here." Tumigil siya sa hulihang bahagi at pinauupo ako sa may bandang bintana. Siya na rin ang kumuha ng gamit ko at ibinaba iyon para sa baba ilagay. Isang bag pack ang natira sakin na may lamang mahahalagang bagay.

Tumingin ako sa bintana at hindi na mawala ang ngiti. I guess being alone is not bad at all. My fake boyfriend is here to catch me.

Lumipas ang minuto at unti-unti nang napupuno ang bus. May ilang lumalapit sa upuang katabi ko para maupo pero sa tuwing dadako ang tingin nila sakin at hindi na tumutuloy. Maingay ang mga taong nakaupo sa unahan at para namang nasa sementeryo dito sa likod. Nakapagtataka na tahimik sila gayong alam kong lahat ay excited.

My phone beeped from a message so I looked at it.

Hopia:
Have a safe trip! Mag-iingat kayo ni Kuya sa Quezon! Bantayan mo rin yan dahil maraming babae ang nagkakagusto dyan.

Napailing nalang ako sa kakulitan ni Hope.

Ako:
Don't worry, bantay sarado 'to. Take care. Your Kuya is not there so don't do anything that can anger him.

Hopia:
Yes Captain!

"Who are you texting?" Napalingon ako sa kanan at doon ay nakatayo si Derrick, nakapamulsa at nakakunot ang noo. Anong problema nito?

"Si Hope."

Nagtaas siya ng kilay at naupo na.

"In five minutes ay aalis na tayo!" The teacher announced in front.

"Yes!"

"Yehey! I'm so excited!"

Nagtakip ako ng tenga sa sabay sabay na ingay. Ayoko ng maingay!

Pumikit ako at nag  concentrate sa pagtulog. Hindi naman ako inaantok pero mas nanaisin ko pang matulog kaysa pagmasdan at pakinggan ang mga tao dito sa bus. Hindi pa umaalis ay naririnig ko na ang pagbubukas ng chips. Mas lumakas ang kwentuhan at mukhang walang balak sawayin ng teacher dahil maging ang tawa ni Ma'am ay naririnig ko.

Surrender to YouWhere stories live. Discover now