Broken
Simula nang marinig ko ang boses niya, pakiramdam ko nababaliw na ako. Ang panginginig ko ay hindi tumigil. Kaunting kaluskos ay kinakabahan at nagiging alerto na ako. Ang pagpapahid ko ng luha ay walang katapusan dahil walang tigil rin ang pagpatak ng luha ko. Pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nun. Mabilis kong pinatay ang cellphone ko matapos ang tawag. Nakaupo ako sa kama ko at umiiyak na nakayuko sa aking mga tuhod. Gusto kong mag-isip ng gagawin pero wala akong maisip. Masyadong matindi ang takot sa dibdib ko.
"Caroline..."
No! I hate you!
"Cary..."
"Binalikan kita..."
Damn. The voices...
His voice...
I hate his voice. I hate how I can still hear him in my head.
Fuck. Anong gagawin ko? Anong dapat kong gawin?
Umiling ako at tinakpan ang aking mga tenga, umaasa na mawala ang boses na bumabalik. I'm hyperventilating. At the back of my mind, I'm screaming and begging for this to stop. I want to move. I want to push away all the memories just like what I did before but the fear inside is too much. I'm starting to feel weak again. I feel weak. No, from the start, I'm really weak. Nagpapanggap lang akong malakas pero wala talaga akong magawa.
My nightmares came back and this is the reality. I'm living in that nightmare.
Gusto kong kumilos. Tumakbo at humingi ng tulong sa mga magulang ko pero natatakot akong kagaya noon ay hindi lang din nila ako pansinin.
Yes, Cary, sasabihin lang din nila na nasa isip mo lang yan. They will say that they are too busy for your bullshits. Gusto mo lang magpapansin. Gumagawa ka lang ng paraan para masunod ang gusto mo.
And it that moment, I feel alone again. Walang kakampi. Kagaya noon, isa akong bata na hindi iniintindi ng mga magulang. Pinabayaan dahil puro laro at walang katuturang bagay ang inaatupag. Nakakagulo lang ako sa mga magulang ko. Sakit ako sa ulo.
I want to push away all the negative thoughts. Na hindi maganda na magkaroon pa ako ng pity party dahil lamang sa pagbabalik ng alaalang pinilit ko nang kinalimutan.
Will he come for me again? Ganun pa rin ba ang galit niya sa pamilya ko? Ako pa rin ba ang gagamitin niya laban sa mga magulang ko na wala namang pakielam sakin?
Money...
I think he returned for that.
Bakit wala siya sa kulungan? Tapos na ang business niya. Ano ang plano mo Tito Nestor?
The whole night, I only cried. Napagod ang mata ko pero nanatili akong gising. Takot na pumikit at muling makita ang kadiliman. Nag-isip ako ng gagawin. Hindi porke't bumalik siya ay matitigil ang mundo. Patuloy pa rin itong iikot at magpapatuloy ang maraming tao. Naglakbay ang aking isip sa gagawin pero tanging takot ang nangibabaw.
Nang makita ko ang pagsikat ng araw, muling akong pinalingiran ng luha. Hindi malaman kung paano kikilos sa panibagong umaga. Hindi malaman kung paano ipagpapatuloy ang mga nakasanayang gawin.
Alerto ng buong katawan ko. Pinalakas ko ang bawat senses ko at hindi na muling bumalik sa normal ang tibok ng puso ko. I'm paranoid, yes. And at this moment, ang madalas kong paghinga ng malalim para kumalma ay hindi na gumagana. Gusto ko na lamang manatili sa puwesto kong iyon kahit masakit na ang katawan sa buong magdamag na pag-upo at pagyuko.
I need help, yan ang alam ko pero hindi ko rin alam kung kanino hihingi ng tulong.
Bodyguards
YOU ARE READING
Surrender to You
De TodoCary, a troublemaker girl, hates her way of living. Everyone desires to be like her but she shows otherwise. She made rules that should be followed not only by herself but also by the people around her. A lot of people are afraid of her guts and she...